"Señorita.. ikaw ba iyan? Hindi ba ako namalikmata lang... Bakit hindi kayo pumasok sa loob? Malamig dito sa labas. Bakit hindi niyo pinaalam na uuwi kayo di' sana napasundo ko kayo!" Si aling Sunya ang mayordoma ng Mansion. Hindi ito makapaniwalang nan'dito siya ngayon nakatayo sa harapan nito.
"Ang Daddy.. Manang na saan po siya?" Agad niyang tanong. Hindi niya pinansin ang mga tanong nito. Nanginig ang boses, namasa ang pisngi niya dahil sa pagluha. Ang sikip lang kasi sa dibdib parang kailan lang nagtatalo sila ng Daddy niya at sinampal na kinadurog niya naman.
"Nasa kwarto niya Señorita, matapos maka-inom ng gamot pumasok na siya sa silid." Alanganing sagot nito sa kaniya.
"Salamat. Pupuntahan ko po si Dadday. Iyong mga gamit ko kayo na po ang bahala manang..." Napipiyok niyang sabi. Nauna na siyang lumakad dito. Matapos ito tumango. Kaagad kong naman pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Bumibigat ang mga hakbang ko. Kahit ang bigat sa dibdib na parang may batong nakadagan dito.
Mabagal ang paghakbang niya palapit sa silid ng Ama. Sa paglipas ng dalawang taon marami ang nagbago. Iyong mga malaking portrait ng kanyang Ina ay wala na ito sa dating pwesto niya.
Subalit, iba na ang nakalagay doon ang stepmother niya, Na animoy isang reyna ito. Reyna naman talaga siya matapos niya palitan si mommy sa buhay nila mag ama. Mas malaki pa ang pinagawa nito, kaysa larawan ng kanyang Ina. Bakas na bakas sa mukha nito ang nakakatakot na aura na tinatago lang sa maamong mukha.
Tumuloy siya sa kwarto ng Ama niya ng makarating siya sa pangalawang palapag ng Mansion. Tahimik ang buong Mansion, wala siyang nakikita kahit anino ng mga stepsisters niya.
Madilim ang loob ng kwarto at tahimik na pinagtataka niya naman. Kinapa ko ang switch sa malapit sa pintuan. Nang ma-on ito. Bumaha ang liwanag sa buong silid.
Kaagad niyang hinanap ang ama. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong silid. May nakita siyang nakadapa sa tabi ng Kama. Kaagad siyang lumapit nang makilala niya ito.
Ang ama niyang walang malay sa loob ng silid. Bakit na saan si Sheila? Bakit iniwan niya si Daddy mag-isa sa loob ng silid nito? Nagtataka man ay hindi mapigil ni Alysia ang sariling hindi mapaiyak ng masilayan ang kaawa-awang kalagayan kanyang ama. Malaki ang kinapayat ng katawan nito. Ang bilis naman niya pumayat anong nangyayari? Ang lakas-lakas pa niya huli ko siyang makita at kahit lumayo siya nang Haceinda. Hindi parin siya nakakalimot na kamustahin ito, kahit tanawin man lang niya ito sa malayo masaya na siya kahit papaano. Pero ngayon parang napapabayaan ito at hindi inaasikaso. Tinutubuan na ito ng bigoti sa mukha dati na malinis at laging nakaahit pero ngayon tila napapabayaan na ito. Awang- awa siyang nilapitan ito.
Umuungol ito na tinatawag ang pangalan niya. Nakapikit ang mga mata nito. Umupo ako at pinatong sa mga hita ko kanyang ulo. May gusto itong sabihin, pero hindi niya maintindihan.
"Daddy..." tawag kong may panginginig sa aking boses.
Umuungol ulit ito, na pilit binubuka ang mgat mata niya. Hirap na hirap itong bumigkas ng salita. Nanginig rin ang mga kamay nito nakahawak sa kamay ko.
"Daddy... nandito na ako, si Alysia po ito! Anong masakit sayo? Dalhin ko kayo sa hospital, si Sheila na saan siya? Bakit iniwan kang mag-isa dito sa kwarto mo?" Naiiyak kong tanong. Hindi ko napigilan ang pagsikip ng dibdib.
BINABASA MO ANG
Heiress Series 1: Alysia[Complete]
RomanceWARNING ⚠️ Huwag basahin kung hindi maintindihan inaamin ko marami itong mali like grammar 😁 Isang maling desesyon ang pinagsisihan ni Alysia sa buong buhay niya. Ang mawala ng matagal sa piling ng kanyang ama. Mga panahong sinayang niya na makakas...