Kumakatok si Valerie sa labas ng silid ni Nikki ng hindi siya makatiis na hindi sundan ito. Nanaig ang pagiging Ate niya kahit madalas sila nagtatalo ni Nikki, ay ayaw parin niya ito mapahamak o masaktan man. Mahal na mahal niya ang kapatid.Pero naiinis siya ng hindi siya nito pagbuksan. Sumasakit na ang kamay niya sa kakatok. Pero hindi parin siya pinagbuksan. Huminga siya ng malalim at nagpasyang hayaan lang muna niya ito mapa-isa. Ngunit ng tumalikod na siya may narinig siyang kalabog sa loob nito. Nagpanic ang dalaga. Baka ano naman ang ginagawa ni Nikki.
"Nikki, open the door now!" Nilakasan ko ang pagkatok at pagtawag pero mas lumakas lang ang pagkalabog sa loob ng silid. Sobra siyang nag- alala. Huwag sana mangyari ang nasa isip niya.
"Anong ang maingay iyong nadinig ko Valerie? Ang lakas ng boses mo! Umabot hanggang sa kwarto ko." Natutulog na siya sa silid ng magulat sa lakas ng boses ni Valerie. Inis naman niya nagsuot ng robe at nagmadaling lumabas sa kaniya silid.
"Mom, Umuwi si Nikki kanina 10 am umiiyak. Sinubukan kong kausapin, pero ayaw ako pagbuksan! Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa silid niya!" Sumbong ni Valerie sa ina.
"Ganoon ba? Ano pa hinintay mo kunin mo ang susi sa drawer at dalian mo!" Napahilot si Sheila sa kaniyang sintido. Ito na iyong sinasabi niya nag-alala siya para kay Nikki.
Kaagad niya kinuha ang susi sa kamay ni Valerie. Kaagad ito binukas at tinulak pagkabukas. Tumanbad sa harapan nila. Ang mga nagkalat sa sahig ang mga gamit agad naman hinanap si Nikki sa bawat sulok ng silid. Nakita nila si Nikki nagkayuko at may hawak na alak. Umiiyak ang dalaga na parang wala ng katapusan ang pagluha nito. Nabuhayan ng loob si Valerie ng makita si Nikki. Akala niya kung ano na nangyari dito. Takot na takot pa naman siya.
"Nikki.. " tawag ni Valerie. Naawa siyang makita si Nikki lumuluha ito at Nagmukhang bruha. Dahil sa magulo niyang buhok at make-up nasira na sa kakaiyak.
"Anak.. Nikki.." Namaos ang boses ni Sheila at awa kay Nikki. Niyakap niya ang bunso.
"Mommy... Ate.." Naiiyak na tawag niya. Mas lumakas pa ang iyak niya ng yakapin namin ni mommy ng mahigpit at hinayaang umiyak ng umiyak sa mga bisig namin.
Hanggang sa mawala na ang sakit na dinaramdam nito at mapagod sa kakaiyak ang mga mata niya namugto sa pag-iyak pagkatapos. Naupo na sila ngayon sa Bed.
"So.. Ano ngayon ang drama mo Nikki?" Tanong ni Valerie. Tinaasan niya ito ng kilay. "
Ang OA lang talaga niya pagdating sa pag-ibig. Haist!"
Hindi kasi ako maka-relate pagdating diyan.
"Anak, sa susunod huwag mo kaming takotin. Akala ko ano na nangyari sayo." Sabi ni Sheila. Kita sa mukha niya ang pag- alala. Marupok at mahina si Nikki pagdating sa pag-ibig at buhos kung buhos kunh mag mahal sa lalaki, kapag umibig bagay na kinatakot ni Sheila. Hindi tulad ni Valerie walang siyang problema.
"I'm sorry mommy.. Ate.. hindi ko sinasadyang ipag-alala kayo!" Nakayuko niyang sabi. Hindi niya naman akalain mapansin siya ng mga ito sa pag-emote niya. Ngayon lang niya naramdaman na mahalaga rin pala siya ng mga ito. Madalas kasi busy si mommy. Si Ate naman wala naman pakialam sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Heiress Series 1: Alysia[Complete]
RomanceWARNING ⚠️ Huwag basahin kung hindi maintindihan inaamin ko marami itong mali like grammar 😁 Isang maling desesyon ang pinagsisihan ni Alysia sa buong buhay niya. Ang mawala ng matagal sa piling ng kanyang ama. Mga panahong sinayang niya na makakas...