Kabanata 7-8

61 20 0
                                    


"Kumain ka na. Ikaw naman kasi.. bakit ang tapang mo, eh? Tingnan mo naman ngayon ikaw ang kawawa!" si Susan. May dala itong pagkain at tubig.




"Salamat!" Anas ko. Lantang lanta na ako.







Inuna niyang ininom ang tubig. Uhaw na uhaw na siya. Kahapon pa siya nakaramdam ng panubig sa lalamunan niya at tinitiis lang niya.







"Walang anoman. Hindi kita naitindihan pero sa klasi ng kibot ng bibig mo na gets ko na. Pero sa susunod huwag mo na sila patulan. maawa ka naman sa sarili mo. Wala kang kalaban-laban sa kanila tignan mo ngayon na parusahan ka ni Señora Sheila. Kahit gusto kung tumulong sayo pero wala ako magawa natakot rin naman ako mawalan ng trabaho at magsalita. Pati pamilya ko madamay. Pasinsya kana ha?" Pahingi nito ng paumanhin sa kaniya.








"Okay lang, Makakaalis rin ako sa impernong bahay na ito at pinapangako ko sa sariling magbabayad sila lahat sa akin!"







Sabi niyang may galit at nangangakong maghihiganti siya oras na makatakas sa mansion








Napangiwi Alysia at Kinain ang dalang pagkain ni Susan sa kaniya. Gutom na gutom na siya. Habang kumain siya basta na lang tumulo ang mga luha niya sa sama ng loob, lalo na nang makita ang pagkain niya na mga tira- tira na lang iyong ayaw na kainin at may katigasan rin ang kanin. Parang kahapon pa niluto. Ang pag iyak niya napalakas. Napahagulhol siya ng iyak habang kumakain. Hindi niya mapigilan ang sarili maiyak.










"Bakit? Kung iniiyakan mo ang pagkaing bigay ko sayo pasensiya kana? Kasi.. sa aso ko sana ibigay iyan. Pero naisip ko hindi kapa kumakain, tsaka utos din ni Señora na ito pagkain bigay ko sayo! Wala akong nagawa sorry."








Sabi nito sa akin. Lalo siyang napaiyak. Hindi tao ang turing sa kaniya ng mga iyon kundi hayop. Naikuyom niya ang mga kamao.









"Hoy! Huwag kana umiyak, huwag ka mag- alala mamaya magtatago ako ng pagkain para makakain ka ng mabuti ipangako ko sayo pagtiyagaan mo lang iyan?" Narinig niyang sabi nito ng makita ang pag iyak ko. Mabait naman talaga si Susan wala siyang masabi dito.









Tinutulungan siya nito sa lahat ng gawain lalo na kapag hindi na niya kaya. Pero hindi na siya kumibo pa. Hindi ito umaalis hinihintay siyang matapos at nagsimula na itong magdadaldal ng ano-ano. Ayaw niya sa taong madaldal. Pero dahil wala siyang choice ang makinig na lang sa kwento.








"Ang gwapong bisita ni Señorita Nikki. Ang yummy! Parang gusto ko siyang maging ama ng mga anak ko!" Sabi niyang kinikilig pa.







Inirapan ko si Susa. "Asa kapa!"Sabi niya dito. Nandito pala siya, ano kaya ang mayroon sa kanila ni Nikki? Mayroon na kaya silang relasyon dalawa?







Napangiwi siya ng ma-realize niya. Ano ba pakialam ko sa kanila.. wala naman di'ba?"







"Siguro naisip mo, kung sino siya? Hehe.. ahm, Belirick.. Belilik... ba iyon.. mali! Ay hindi Benedick! Tama siya raw boyfriend ni Nikki. Ang gwapo gwapo niya! Ang swerti ni Señorita Nikki." kilig na kilig naman ito. 





Kibet-balikat lang siya.







"Gwapo naman talaga si Benedick dati pa nong mga bata pa kami, mahalata mo na gwapo at habolin ng mga babae mas gumugwapo pa siya ngayon ng nasa America na nanirahan matapos magkabalikan ang mga magulang niya. Anong sadya niya dito? Matagal na sa dito sa hacienda! Pero hindi pa siya umuwi. Baka dahil kay Nikki. Baka totoong may relasyon na silang dalawa kaya hindi pa siya umuwi." Napasimangot siya bigla ng may maramdamang kirot sa ilalim ng puso niya.








Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon