Kabanata 2

156 28 5
                                    

***

Mag iisang linggo na nagkukulong si Alysia sa kanyang silid. Matapos basahin ang last will testament ng kanyang ama. Sa kanya pinamana lahat nang ari-arian naiwan nito ng kanyang ama. Dahil iisang pamilya sila. Manatiling legal guardian ang stepmother niya sa kaniya. Hanggang kaya na niya ang kanyang sarili. Kahit labag sa kalooban ni Alysia. Hindi na siya nagreklamo pa. May isa pa itong habilin sa kanya isang proviso at nakasaad iyon dun. Alam na niya kung ano ang nilalaman ng proviso na iyon kahit hindi niya ito basahin.







Noong una nagprotista ang Madtrasta kung bakit sa kanya pinamana ang lahat, maliban sa limampung Melyon sa bank account nito. Bakit iyon lang ang makukuha nito mula sa aking ama. Ito naman raw ang asawa at nakakasama nang matagal ng kanyang ama. Noong lumayas siya sa Haceinda sa pag- aakalang hindi na siya pamamanahan. Pero nagkakamali sila ng akala.







Dapat rin daw mas lamang ito kaysa sa akin. Subalit, dahil iyon ang huling habilin ni Don Dominick, walang magawa si Sheila ang sundin ang nakasaad sa testaminto. Kahit masama ang tingin nito sa akin pinagkibit-balikat ko na lang. Hindi sila nagreklamo pa. Wala rin naman siyang pakialam sa mga ito. Dahil napatunayan niyang pera lang talaga ang habol nila sa Daddy ko.








Nagpasya si Alysia mag-ikot sa buong Hacienda. Noong nabubuhay ang kaniyang ama. Ginawa niya ang pag-iikot sa Hacienda ng makaramdam nang pagkabagot. Suot ang maong pants at boots na paborito niya saka long sleeves na pang itaas. Ayaw niyang mamula ang balat sa gitna ng araw.








Katahimikan ang sumalubong sa kaniya sa buong Mansion. Matapos mabasa at makatanggap ng kani-kanilang mga Mana mula sa Daddy niya. Nag vacation sila kaagad sa Europa. Hindi niya alam kung kailan ang balik nila. Baka nag eenjoy sila at nilulustay ang natanggap na pera.







Sa kuwadra ang punta ni Alysia ng makita siya ng mga tauhan ng Daddy niya. Yumuko sila bilang paggalang. Pero diretso lang ang tingin ko at kaagad hinanap ang paboritong kabayo ko. Wala ito.







"Andoy... si Tiffany na saan siya?" Sa kalmadong boses na tanong niya. Nangunot ang noo ni Alysia ng makitang wala ito sa mga kuwadra. Mahigpit niyang pinagbilin at lalo sa ama niya na huwag pabayaan. Ang kabayo niya kapag wala siya.






"S-señorita.. w-wala na po iyong kabayo niyo." nanginig ang boses ni Andoy sa takot. Lalo na ng makita nito ang nanglilisik niyang mga mata.







"Ano? Ano ibig mo sabihin ha? wala na andoy?" Hindi napigil ni Alysia ang magtaas ng boses. Nun pa man ilag na mga ito sa kanya, kapag nasa Hacienda siya.







Hindi siya nakipagkaibigan sa mga katulong sa Haceinda o nakipag-usap sa isa sa kanila. Mga pili lang ang mga kaibigan niya. Lahat sila tagapagmana. Ganon ang prinsipyo niya.






"P-patay na po... se---?" Hindi na siya pinatapos ni Alysia. Basta nalang lumipad ang latigo na hawak niya kay Andoy. Walang awang pinaghampas ito ng dalaga. Sa ulo ang unang tama matapos napaluhod si Andoy sa lupa, habang nagmamakaawa sa dalaga.








Agad tumaas temper ni Alysia mahigpit niyang pinagbilin, huwag pabayaan ang kabayo niya. Dahil iyon ang huling regalo sa kanyang ina kaya niya iniingatan. Kaya masakit sa kanya na pati ang nag- iisang bagay na mahalaga sa kanya ay mawala pa. Mahirap ba iyon gawin. Natigil lang siya ng dumating si Benedick. Kaagad inagaw sa kamay niya ang latigong ang siyang ginamit niya kay Andoy.








"Itigil mo iyan Alysia nasisiraan kana ba ng ulo? Gusto mo bang makulong sa ginawa mo kay Andoy? Pwide ka niyang kasuhan sa pagnanakit mo sa kanila!" Madiin niyang sabi sa dalaga matapos niyang awatin ito. Hindi parin ito nagbabago, tulad ng dati. Masamang ugali at terror sa mga tauhan sa Hacienda.







Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon