Kabanata 5

85 27 5
                                    

Namilipit si Alysia sa sa sobrang sakit. Matapos mainom ang Tea. Hawak niya ang kaniyang liig. Mainit sa kaniyang pakiramdam ang ininom niyang Tea. Pakiramdam niya nasusugat ito sa sobrang hapdi at kirot,  ang lalamunan niya at nangate ng sobra, at hirap siyang makahinga,  matapos inomin niya ang Tea na hinanda sa kaniya ni Shela, bilang peace offering daw sana.

Ngunit,  bakit ganito ang kaniyang pakiramdam. Nilagyan ba nito ng lason ang tea na pinainom nito sa kaniya. Napaluha siya ng tingalaen ang Madrasta, nakatitig lang ito sa kaniyang mukha at pinapanood siyang nahihirapang makahinga.

Gusto niyang sumigaw huminge ng tulong, pero wala siyang marinig na ano mang boses, na lumabas sa bibig niya. Gumilid ang mga luha niya. Dahil sa sakit naramdaman at, namamanhid ang boung katawan niya, kasama ang utak niya. Napaparalisa ang buong katawan niya, unting unti, hanggang sa mawalan siya ng malay na.

"Kumusta siya?" Kunwaring consern ni Shela sa dalaga,  matapos ito tumawag ng doctor. Gusto nitong malaman ng lahat, na hindi nito pinapabayaan ang anak ng kaniyang, husband si Dominique. Kahit hindi sila close,  sa anak ng asawa,  ay may malasakit parin, naman ito. Kahit pakitang tao lang. Basta mapakita nito, ang pag- aalaga kay Alysia, sa ganoon mapunta, kay Shela ang pag mamay-ari ni Alysia na dapat sa kaniya,

"Hindi maganda ang lagay, ni Miss. Alysia. Hindi matukoy, kung anong sakit dumapo sa dalaga. Kailangan natin siya makunan ng blood samples, upang malaman ang sanhi ng sakit, ni Miss. Alysia." Sagot ng Doctor, kay Shela. Kaagad naman nagpanic si Shela, sa sinabi ng doktor na sumure sa dalaga.

Hindi niya pwideng malaman, ang ginawa ko, kay Alysia. Sa isip ni Shela.

"No! I mean,  hindi na kailangan Doktor, baka may nakain lang si Alysia, na bawal sa kaniya. Pero mamaya magiging maayos din ang lagay niya." Nauutal na paliwanag nito, sa doctor. Hindi maaring malaman ng doktor ang kalagayan ni Alysia, kung malalaman nito, baka ilayo sa kaniya si Alysia. Hindi niya pa nakukuha ang kailangan sa dalaga. Ang malipat sa pangalan niya, ang lahat-lahat ng yaman nito.

"Pero," hindi pinatapos ni Shela, magsalita ang doctor na sumure sa dalaga. Pinalabas nito sa silid ang doktor,  walang nagawa ang doktor,  ang sumunod,  sa señora.

"Okay.  Babalik ako sa ibang araw,  kung sakaling hindi pa bumuti ang kalagayan niya. Dalhin ko siya sa hospital." Sabi ng doctor sa, señora bago ito umalis, matapos magpaalam. Hindi nakaimik si Shela. Ngunit, ngumiti lang ito sa, doktor ng tipid nang mapansing nakatingin ito sa kaniya.

"Sige, dok... salamat,  Pero hintayin niyo na lang ang tawag ko. Para hindi kayo maabala pa." Sabi ni Sheila ng hihated nito sa labas ng gate ang doktor.

"It's okay, Senòra, Because Alysia is no different for me. Dahil trinato ko siyang bilang sarili kong anak." Sagot naman ng doktor dito. Ngumiti ng plastic si Shela.

"I know, Dok.. sa akin lang busy kang tao. Marami kang inaasikaso. Ayaw ko naman abalahin ka. Pero kung iyon ang gusto niyo. Sige, kayo ang bahala." Sagot niyang napipilitan. Hindi niya hahayaang makalapit ang doktor pa kay Alysia. Siya ang legal guardian ni Alysia siya paren ang masusunod,  kung ano ang gagawin sa anak ni Dominique. Ang maldetang iyon. Tuturuan niya lang ito ng leksyon, sa lahat ng mga atraso nito, sa kanilang mag-ina.

"Okay, Salamat Señora." Tango ang naging sagot ni Shela. Sinara niya kaagad ang gate pagkalabas nito. Agad siyang bumalik kay Alysia. Kating-kati na siyang makasampal sa babaeng ito.

Nang magising si Alysia wala na ang sakit naramdaman niya. Kahapon na halos mamatay na siya sa sobrang sakit. Pero ang mas masakit isa na siyang taong walang kuwenta ngayon. Wala siyang boses. Kahit anong pilit niyang pagsisigaw ay, wala talagang lumabas sa bibig niya. Masama ang loob niyang umiiyak nalang. Anong ginawa sa kaniya ni Shela? Ano ang nilagay nito sa iniinom niyang tea, bakit ganoon nalang ang epekto nito sa kalusugan niya.  Wala siyang ka, idea idea na mangyayari ito sa kaniya. Akala ba naman niya kaya ito, nakipag- ayos sa kaniya, dahil hindi nito kayang iwan ang Mansion na ito. Dahil nandito ang alaala ni Daddy at pinagsisihan na nito ang pagkakakamaling nagawa. Kaya ito nakipag-bati sa kaniya. Pero nagkakamali siya ng akala.

Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon