Nakarating na sa manila hospital sina Alysia at Benedick gamit ang private plane. Kaagad sila sinalubong ng Nurses at Doctor. Mahigpit ang pagkakahawak ni Alysia sa kamay ni Benedick, Kinakabahan siya. Pero dahil sa pagpisil ni Benedick sa kamay niya nawala ang kaba ni Alysia.
"Dito sa hospital na ito magpapagaling ka promes me na susunod ka sa kanila ha?" Sabi ko kay Alysia.
Minsan may katigasan ng ulo si Alysia. Gawin niya kung anong gusto siya lagi ang nasusunod.
Tumango lang ito binitiwan niya na ang kamay ni Benedick na kanina pa nakahawak sa kamay niya. Pero hinila siya nito palapit at niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ni Alysia, hinalikan nito ang buhok niya. Napapikit ang dalaga, dahil matagal bago sila magkita ni Benedick, niyakap niya ang binata. Nangako siyang babalik ng San Roque. Kapag gumaling na siya. Babawiin niya ang lahat ng kinuha sa kaniya ng madrasta.
>HACIENDA ZARAGOSA<
"Bw*s*t! Malas na buhay to! Ilang araw na akong minamalas ang laki ng talo ko! Sa casino, pero wala parin naibalik kahit piso bw*s*t!" Walang tigil sa pagmumura si Señora Sheila ng umuwi sa mansion.
Mas lalo lang uminit ang ulo niya. Hanggang ngayon hindi parin matagpuan si Alysia. Ilang araw na niya itong pinapahanap. Ngunit, hindi parin ito natagpuan hindi niya alam ngayon kung saan ito hahanapin.
Alam niyang babalik ito para bawiin sa kaniya ang yaman kinuha niya. Hindi niya hahayaang mangyari ang araw na iyon. Hindi!
Pero hindi siya natatakot dahil bago pa man ito lumayas sa mansion, nailipat na sa pangalan niya ang lahat ng ari-arian ni Domenick. Wala siyang tinira kahit peso kay Alysia.
Noon pa sana niya ito ipatapon o, e' Aution sa public Market. Kung hindi lang naisipan niyang gumanti sa dalaga. Dahil sa pagmalupit nito sa kanilang Mag-iina. Sana noon niya ginawa, hindi na sana niya pinuproblema ito ngayon.
Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng babaeng iyon ngayon ilang linggo na itong nawawala. Pero wala parin balita kay Alysia hindi parin siya natagpuan ng mga tao niya. Kahit sa bahay ni Attorney pinamanman niya ito. Baka sakaling tinago lang ng abogadong iyon si Alysia.
"Mommy, bakit mainit naman iyang ulo mo?" Si Valerie. Nagpapalinis ito ng kuko niya.
"Paano naman kasi lagi akong talo sa casino bw*s*t na buhay to!" Galit niyang sagot sa panganay.
"Madalas na iyan Mom.. Baka mamaya sa kangkongan na tayo pulutin niyan sa pagkahilig niyo sa casino! May kasabihan pa naman ang mga nakakatanda, kung ang pera raw galing sa masama ay sa masama rin nauubos!" Sabi niya sa ina, na sobrang nahuhumaling sa pagsusugal.
"Hey! Masama na kung masama galing. Pero tingnan mo naman kung hindi ako nag-iisip ng paraan hindi mo maranasan ang ganitong buhay ngayon! Ang dami mong nalalaman diyan." Mainit ang ulong sabi ni Sheila, umupo ito sa upuan nakacross leg. Nagingitngit sa galit.
"Nag-alala lang naman ako sabagay.. you right din naman." Sangangayon ni Valerie sa nanay niya.
BINABASA MO ANG
Heiress Series 1: Alysia[Complete]
RomanceWARNING ⚠️ Huwag basahin kung hindi maintindihan inaamin ko marami itong mali like grammar 😁 Isang maling desesyon ang pinagsisihan ni Alysia sa buong buhay niya. Ang mawala ng matagal sa piling ng kanyang ama. Mga panahong sinayang niya na makakas...