Kabanata 14

55 13 0
                                    

"Honey.. naman Sorry na.. patawarin mo na ako. Hindi ko ginustong matukso kay Alysia inaakit niya ako. Kahit ayaw ko pero pinilit niya ako! Alam mo naman ikaw lang mahal ko." Pagsisinungaling ng lalaki.








Ayaw niya mawalan ng gatasan. Si Sheila lang ang makapagbigay sa lahat ng pangailangan niya. Hanggang may pera ito hindi niya ito iiwan. May araw rin sa kaniya ang babaeng iyon.









"Totoo ba iyan? Hindi mo ako binubola niyan?" Nakaangat ang isang kilay ni Sheila sabi sa lalaki.









Nagtatampo parin siya. Dahil Sumama ang loob niya ng gabing iyon na lumayas si Alysia ng dahil sa kaniya. Nagalit siya dahil sa malanding babaeng iyon, nasa loob pala ang kulo inaakit niya si Raul ko.









Sa galit niya pinalayas niya si Raul sa bahay at hindi kinakausap. Heto naman siya ulit sinusuyo ng lalaki.









"Hindi.. ikaw lang mahal ko promes!" Paglalambing niya kay Shiela.








Kung hindi lang niya kailangan si Sheila matagal na niya ito iniwan. Pero hindi. Kailangan niya ang babae at siya lang makapagbigay sa  mga besyo sa buhay.








"Hehehe! Ano ba may kiliti ako diyan!" Mahina siyang napahagikhik ng halikan siya ni Raul sa punong tainga niya. Alam na alam niya kung paano siya lambingin ng lalaki.










May sumundo kay Alysia sa hospital pagka discharge niya. Nasa loob na siya ng Van. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin. Pero nasa loob sila ng Subdivision at alam niyang hindi sila lumabas ng manila.









Hindi niya alam kanino ang bahay na pinagdalhan sa kaniya. Gusto niya maging masaya pero hindi niya magawa. Dati gustong-gusto niya gumaling na kaagad pero ng sabihin sa kaniya ni Benedick na huwag niyang pigilan ang sariling magmahal sa iba kung sakaling may kamakatok sa puso niya.










Dahil ganon rin ito kung mayron man siyang magustuhang babae hindi siya magdalawang isip ligawan ito kung sakali.











Noong una hindi niya pinapansin ang mga sinasabi sa kaniya ni Benedick pero ng makita niya sa post ni Benedick sa IG nito 1 month ago.. nasaktan siya sa balita, may babae na siyang napupusuan at magpapakasal na sila. Dahil sa nakita niyang post na iyon at sa couple ring na nakita niya.












Parang nahati sa dalawa ang puso niya. Hindi naman siya tanga para manatili parin sa isang tabi para mag mukmok semprey nagpatuloy parin siya sa buhay, pinilit parin niyang bumangon. Hindi na siya nag bubukas ng Instagram Acc, Facebook Acc. Hindi na siya nagre'relply sa text at sumasagot sa tawag ni Benedick. Iniiwasan na niya ang lalaki habang kaya pa niya.









Isa lang paraan para makalimutan niya si Benedick ang alisin na ano man connection sa kanilang dalawa.










Sa ngayon hindi niya pa alam kung anong gagawin niya, sa buhay niya dito sa Manila. Kailangan niya magtrabaho rin para kumita ng pera at buhayin mag isa ang sarili. Wala na siyang babalikan sa San Roque kung Uuwi siya para siyang sumugod sa kampo ng mga lion na walang sandata. Hindi na niya mabawi pa ang nawala sa kaniya dahil kinuha na nila ang lahat. Dito sa manila buboin niya ang sarili.









Natuto na rin siya sa buhay wala na iyong dating Alysia Matapobre at Mapagmataas sa sarili. Iba na ang Alysia ngayon isa ng simple but beautiful.













Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon