Kabanata 15

69 15 0
                                    


"Trabaho lang.. walang personalan!"




Sinabi niya sa sarili bago siya pumapasok sa Office. Buhay niya noon at buhay ni Benedick ngayon ay magkaiba na. Ang dati nilalait niya at kinukotyang pagkato ng binata ay walang wala na ito sa dating buhay niya na mahirap at magsasaka lang ang kinabubuhay nilang kaanak, isa na itong mayaman at famous sa buong Asya nakakatuwang isipin na natupad niya lahat ng pangarap sa buhay kaya naman masaya siya para kay Benedick.










Nagkapalit sila ng kapalaran. Totoo pa lang ang kantang Gulong ng palad sa ngayon nasa tuktok ka pero sa susunod ng ikot ng buhay mo ay nasa ilalim ka na gaya nangyari sa kaniya ngayon. Pag naalala niya ang araw na iyon. Nahihiya siya sa mga sinasabi niya dito. Dahil ang taong lagi niyang nilalait noon ay siya rin pala ang magpapabangon sa kaniya ngayon tinutulongan siyang makatayo muli at buuin ang sarili mula sa pagkadapa.








Flashback:

"Hi, Beautiful!" Bungad nito sa kaniya ni Benedick. Sumasama siya nun sa Daddy niya sa Hacienda at si Benedick naman ay lagi sa bukid kasama ang Nanay niya. Magsasaka ang pamilya ni Benedick sa lupang pag- aari ng kaniyang ama.







"Tabi!" Inis na sabi ng dalaga.








"Ang sungit naman nito! Ni regla ka ba?" nakangising tanong niya sa dalaga. Agad naman niya hinampas sa balikat ito dahil sa bastos niyang bibig.








"Aray ko! Ang sakit nun ah!" Pagalit niyang sabi sa dalaga. Alam naman niyang masakit iyon.









"Mabuti nga sayo ang bastos mo kasi." Sagot niya dito. Namula ang mukha nito sa sikat ng araw at lalo itong naging tissoy dahil sa balat niyang may lahing banyaga.










"Alin ang bostos dun, ha? Bakit totoo ba may regla ka na kaya ang sungit mo sa akin?" Tanong niya, sa malakas na pagkakasabi nito at napapalingon ang lahat ng tao sa kanilang gawi kaya naman tinuhod niya ito sa inis sa lalaki.






"Aray ko naman! Napaka sadista mo, Alysia ang sakit nun, ah!" Sa malakas na tuno sabi.








"Sorry.. ikaw kasi ang ingay mo! Tsaka ano naman kong ni regla na ako ang sabi sa akin ni Mommy natural lang daw reglahin ang mga babae kasi magdadalaga na. Normal lang daw iyon ikaw nga.. din diyan baka gaya ko may pagbabago na sa katawan mo!" Sabi niya, sa binata tumigil ito at agad tumalikod sa dalaga.









"Hoy, bakit ka tumalikod diyan?" Tanong ng dalaga na pinagtaka niya. Pero hindi ito sumagot kaya naman nilapitan niya agad ito at agad hinarap.








"A-ano---" hindi niya natuloy ang sasabihin ng makita ang ano nito na naman niyang tinakpan ng mga kamay niya ang dalawa mga mata.










"Ano ba iyan.. Alysia, takpan mo nga ng mabuti iyang mga mata mo! Bakit  nakaawang naman ang mga daliri mo?" Agad niya naman pinagdikit ang kaniyang mga diliri.








"Sorry.. a-anong nangyari diyan sa ano mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya.









"Wala na akong maitatago sayo. Kahapon dinala ako ni nanay sa center pinaputol niya ang ano ako.." Sagot niya sa akin. Kaya naman namumula ito pero what? Pinaputol.. Oh My god ibig sabihin wala na siyang ano..










Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon