Kabanata 3

114 26 3
                                    

Nakaramdam ng gutom si Alysia, naisipan niya bumaba. Nakalimutan niya, hindi pa siya kumain. Madilim ang buong Mansion ng bumaba siya. Kailan pa walang ilaw, sa pagkatanda niya hindi sila nagpapatay ng ilaw sa gabi, lalo na sa hallway. Dahil madalas siya nagugutom kapag hating gabi.








Nakarinig siya nang mahinang hagikhikan sa may banda roon. Hindi niya sana pansinin. Pero mas lalong lumakas ang ingay na narinig niyang iyon.







Kaya naman, napalitan ng curiousity ang isip niya. Ngunit madilim ang bandang iyon. Pumunta siya sa dining area naghanap ng flashlight. Hinahalughog niya, ang mga cabinet at drawer kung saan nakatago ang mga emergency light. Nang may makapa ang kamay niya kaagad niya itong nilabas at tinignan kung gumagana pa ba.








Pasamantalang nakalimutan ni Alysia ang gutom. Bitbit ang flashlight, tinungo ang narinig niya kanina na kaluskos, kumuha siya ng Pamalo. kung sakaling magnanakaw ito. Hindi siya magdadalawang isip na hampasin.







Wala na siyang narinig na anong kaluskos. Pero may narinig siyang ungol ng babae at Lalaki sa likod ng malaking Vase. Dahil madilim tinutok niya kaagad ang flashlight sa mga ito, kung sino man sila, mga lapastangan! gumawa ng kahalayan sa loob ng kaniyang Mansion. Hindi niya ito mapapalagpas ang ginawang kababoyan.







Dahil sa ilaw ng flashlight nasilaw sila. Nagulat ang mga ito at minadaling sinuot ang mga damit. Kahit siya ay gulat na gulat sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya lubos maisip, kung paano niya nagawang dumihan ang sariling pamamahay ni Daddy.







Dito pa ginawa ang kababoyan nila sa Mansion marami naman motel sa bayan na ito. Paano niyang naatim magtaksil. Wala pang isang buwan mula ng mailibing ang Daddy niya. Pero heto si Teta Sheila! Nagdala ng lalaki sa Mansion. Hindi ba siya natatakot moltuhin ni Daddy.






"H-hija.. ibaba mo iyang flashlight pwide natin pag-usapan ito!" Nahi hiya pakiusap ni Sheila ng makalapit sa dalaga. Para ibaba ang flashlight na hawak nito.





"Kailan mo pa niluko si Daddy? Kailan?!" Nanginig ang boses niya.






"Kalma ka lang! Hindi ko niluluko ang Ama mo. Mahal ko ang Daddy mo. Pero ngayong patay na siya. Kailangan ko rin magmahal ng iba nang makilala ko si Raul mahal niya ako at mahal ko rin siya! Tao lang ako marupok!" Paliwanag nito sa dalaga. Umiling si Alysia sa mga paliwanag ng madtrasta niya. Nakita niya kung paano siya tinitigan ng lalaking kasama nito.






"Hindi! Hindi mo siya mahal. Dahil kung mahal mo ang Daddy ko! Hindi mo siya ipagpapalit kaagad. Alam niyo, kamamatay lang niya sana kunting respito naman sa mga alaala niya. Iyong pagdala ng lalaki mo dito sa Mansion hindi ko mapapalagpas!" Gumilid ang luha ni Alysia. Tumakbo siya palayo at nagtawag ng guard para hulihin ang lalaki. Kaagad niya itong sinampahan ng kaso at ng hindi na makapasok muli sa Mansion. Hindi niya pinakinggan si Sheila sarado na ang kaniyang isipan.







Nagngitngit naman sa galit si Sheila nang walang awang pinadampot si Raul sa mga pulis. Hindi niya alam, kung paano ito palabasin. Wala siyang perang pang piyansa. Iyong binigay sa kaniya ni Dominic na ubos na.. nang matalo sila ni Raul sa casino.







Akala ba naman niya makabawi sila, kung uulit sila pero hindi mas, lalo lang silang bumaon sa utang. Isa lang paraan para makuha niya ang buong yaman. Ang sapilitang kunin sa anak ni Dominic.






Heiress Series 1: Alysia[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon