Naalimpungatan si Alysia ng may tumatapik-tapik sa mukha niya. Napabangon siya bigla. Hindi na rin mabigat ang pakiramdam niya nakakagalaw na rin siya ng maayos at nakakakilos na pero mahina parin. Ang buong katawan niya nanakit dahil sa pananakit sa kaniya kahapon.
"Ano kailangan mo?" Sabi niya. Pilit siyang bumabangon.
"Wala tayong maid, Pinaalis ni Mommy ikaw na ang gagawa sa lahat ng gawain sa Mansion gaya ng mga katulong mula sa araw na'to. Bumangon kana diyan at magsisimula na maglinis maraming kalat sa labas. Tsaka nga pala huwag mong subukang tumakas. Ipahuhuli ka sa bagong bantay sa labas! Kung gusto mo pa mabuhay." Pananakot ni Valerie sa dalaga. Tumalikod na ito sa kaniya matapos magsalita. Umpisa na ang paghihirap niya sa mansion.
"Baliw ka ba?! Hindi ako katulong!"
Tanging paggalaw lang ng bibig niya ang nagsasalita pero walang boses. Useless lang ang pag rereklamo niya kung hindi naman siya narinig at naitindihan.
Huminto si Valerie ng malapit na ito sa pinto. Ngumiti ito na parang aso. Saka ito tuluyang umalis na may sinabi.
"Sa nga pala, Alysia malaki itong kwarto mo sa akin na ito, ha? Sa maid's room kana matutulog simula ngayon. Lilinisin mo na rin iyon. Kasi ang kalat, eh? Baka magkasakit ka pa eh. Sige, iiwan na kita dito iyong sinasabi ko gawin mo ha?" Pang iinis sa kaniya ni Valerie.
"Bw*s*t!"
Nagpapadyak sa inis si Alysia. Wala naman siyang nagawa ang sumunod sa gusto nila. At paghari harian ni Valerie sa Mansion ay nakakainit ng dugo. Pero hanggang dun lang iyon.
Gusto kong magwala at magsisigaw, pagbasagin ang pagmumukha nila pero wala akong lakas loob gawin iyon. Dahil maliban sa kapansanan ko wala rin siyang malalapitang makakatulong sa kalagayan niya.
Kumuha siya ng mga panlinis, ng sumulpot sa harapan niya ang babae. Bago sa paningin niya. Tinaasan niya ito ng kilay. Alam niyang hindi taga mansion ang babae. Kilala niya lahat ng staff sa mansion.
"Hi! Susan ang pangalan ko. Ako ang makakasama mo dito. Babantayan daw kita, hehe! Kaya huwag kang magtangkang tumakas ha?" Sabi nito sa kaniya. Kumuha sila ng ibang tao magbabantay sa kaniya sa takot na tatakas siya. Ngumisi siya ng mapait.
"Di wow!" Kumikibot niyang bibig ang nakikita ni Susan sa babae.
"Ah, Hehe... nakalimutan kung Pipi ka pala. Hindi ka makapagsalita.. sabi ni ma'am Valerie sa akin. Sorry.."
"Alam mo pala bakit kapa nagtatanong tanga!"
Tinalikuran niya na lang ang babae. Nagsimula na siyang maglinis pero nahinto ang paglilinis niya ng pigilan siya. Kaagad ko inalis ang kamay niyang nasa kanang braso ko at sinamaan siya ng tingin pero hindi ito pinansin.
"Sabi ni Señorita Nikki, unahin mo raw linisin ang kwarto niya!" Sabi niya.
"Euw! Feeling ha.. sino siya utusan ako! Ikaw na kaya maglinis roon. Kung gusto mo! Bw*s*t!
BINABASA MO ANG
Heiress Series 1: Alysia[Complete]
RomansaWARNING ⚠️ Huwag basahin kung hindi maintindihan inaamin ko marami itong mali like grammar 😁 Isang maling desesyon ang pinagsisihan ni Alysia sa buong buhay niya. Ang mawala ng matagal sa piling ng kanyang ama. Mga panahong sinayang niya na makakas...