Kabanata 4
Boracay
"Ready kana ba bukas?"
tanong saakin ni Celine. Umiling ako. Bukas ang punta namin sa boracay. Doon ang napili nilang magandang background for the photoshoot. At since ako ang piniling model ay first time ko kasama sa pupunta sa ibang lugar. Napapayag din ako ni Miss Christina na maging model sa tulong ni Celine. And this girl gosh! Akala ko saakin kampi. Traydor!
"Wag ka mag alala kasama mo naman ako. Ako bahala sayo Dea." sabi ni Celine at tinapik balikat ko. Napabuntong hininga nalang ako.
Habang nagbrebreak time ang iba at tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko. Iniikot ikot ito. Nagpaalam saakin si Cash na mawawala siya ng ilang linggo dahil inaayos niya ang isang branch nila ng hotel. Hindi ko lang alam aling branch doon. Gabi gabi tinetext niya ako at minsan ko lang siya nirereplyan. I'm wondering kung may ikinakama siyang mga babae doon kung nasaan man siya?
Kumikirot puso ko kapag naiisip ko iyon. Mayroon sa kasukluksulukan ng puso ko na umaasang sana ako lang ang nagpapabaliw sakanya. I sighed again and again. I shrugged. Think positive Dea, hindi kawalan ang ganyang lalake.. pero siya ang first ko sa lahat. First kiss, first make out and first boy na friend? with benefits?
"Ang assembly time tomorrow ay 5am, walang malilate kundi iwan kayo. Wala ko pakielam kung importante kapa sa staff basta pag wala ng 5am sharp iwan kana. Kailangan ma maximize natin ang isang linggo doon. Wala tayong sasayangin na oras o minuto payan! Nandoon kayo para magtrabaho hindi magliwaliw. Understood everyone!"
Ani miss Christine. Sabay sabay kaming tumango.
"Yes ma'am!"
Ngumiti siya at tumango. "Okay you may go na para makapag ayos na kayo. Godbless everyone." aniya
"Thank you ma'am!"
"Bye po!"
Ngumingiti lang siya at tumango. May nagbago sa babaeng ito...
Nakauwi na ako sa bahay at usual outfit ko sa bahay ay t shirt na mahaba sa ilalim wala ng iba dahil mag isa lang naman ako.
Tahimik akong kumakain ng cup noodles sa dining area ng mag ring ang phone kong nakapatong sa lamesa. Nang tignan ko ang caller kinabahan agad ako.
Si Cash!
Cash calling..
Sasagutin ko ba? hayyss..
"H-hello?" nanginig pa ang boses ko. I heard a chuckle. Kumunot noo ko.
"Hello baby!"
Napa irap ako. Pang ilan baby niya kaya ako? Baby number 100?
"Ilang babae na tinawag mong baby?" masungit kong tugon.
"Isa palang baby, ikaw palang." umirap ako. As if maniniwala ako. You can't fool me Acacius Cash!
"Oh really?" I sounded like a jealous girlfriend.
"Yes really baby. Nasa bahay kana ba? I don't want to see you with that man again. He's not allowed to touch what's mine!" that man? anong pinagsasabi ng lalakeng to?
"Nakauwi na ako. Tsaka sinong sinasabi mong lalake?"
"Yung kasama mo nung araw ng tinext kita baby. Makiro Kashigusa, that bastard! I send him back to Japan kapag hinawakan ka niya muli!" singhal niya sa kabilang linya. I can feel his dark aura! but then, how does he know I'm with Kiro? stalker talaga!
BINABASA MO ANG
Retired Casanova (Latest Casanova Series #1)
Ficción GeneralLatest Casanova Series #1 [COMPLETED] [NOT EDITED] When a casanova began being devoted to a woman, there was no such thing that will stop his way to her. Dea works in a publishing company and is a stunning woman who caught the casanova's attention...