Kabanata 10
Rumors
Tatlong araw na ako dito sa US, lagi ako nagbabantay kay mama at umuuwi sa gabi para makipag palit naman kay tita Penny. Si kuya Son, nagtratrabaho at pinapuntahan na lang kami dito kapag uuwi na ako. Ganon din si tito Sonie, ang naiiwan sa gabi ay sina papa at tita Penny.
At sa loob ng mga araw na iyon naging cold saakin si Cash. Kumikirot ang puso ko habang iniisip na may ibang babae na si Cash habang wala ako sa tabi niya. Thinking about it, ilang araw palang kami nagkakalayo may nahanap na agad siyang iba. Ang sakit sakit. Minsan nahuhuli ako ni kuya Son na umiiyak sa kwarto ko at tinatanong niya ako kung ang boyfriend ko ba ang nagpapaiyak saakin. Lagi ko namang sinasagot na hindi.
"Hindi kuya, may pinanood lang ako drama alam mo na naman ako." at hilaw na ngumiti.
Isang linggo nakalipas hindi nagbago trato ni Cash saakin that's why I'll contact Celine.
Gabi na sa San Francisco at paniguradong umaga na doon.Ako:
Celine, may nasabi ba sayo si Cash?
Kinakabahan ako habang nag aantay ng reply. Nakayuko ako habang nakapatong ang phone sa hita. Nang mag vibrate ito daig kopa si flash para tignan ito.
Celine:
Wala naman ate girl.
Dismayado akong nanlumo. Kumikirot puso ko at hindi ko na alam gagawin dahil minsan hindi naman na ako ni rereplyan ni Cash.
Celine:
Please tell me hindi totoo naririnig kong chismis..
Nanlaki mata ko at tinambol ng kaba puso ko. Chismis? Bakit anong chismis mayroon?
Kahit kinakabahan sinikap ko mag tipa ng sagot.Ako:
Ha? Anong chismis hahaha..
Nangigilid na luha ko dahil sa sobrang kaba. Huwag naman sana. Hindi naman ako lolokohin ni Cash diba? hindi nga ba?
Celine:
That Cash is seeing someone in boracay. Hindi naman totoo yun diba?
Naguunahan ang mga luha ko sa pag-agos. May kinikita si Cash na babae sa bora? bakit? Bakit niya to nagawa saakin!
Celine:
Ate girl? Kinakabahan ako sayo! Pwedeng tumawag?
Hindi ko nireplyan si Celine instead ay nag open ako ng social media account. Siguradong may kakalat na issue doon. At hindi nga ako nagkakamali..
May nakita akong post na kasama si Cash doon.
'Mr. Gustavo is finally doing a serious relationship with a model named Yuna.'
At ang picture doon ay naka hawak sa braso ni Cash si Yuna habang naglalakad sila sa tabing dagat.
Kumirot puso ko at parang tinusok tusok ng milyong karayom. Ang sakit sakit! Ang sakit aminin na minahal ko nga si Cash! Niloko niya ko! Pinagpalit niya ko!
Iyak ako ng iyak at binato ang phone ko. Wala akong pakielam kung magkanda sira sira iyon! Napahiga ako sa kama habang hawak ang kumikirot at nadudurog na dibdib.
Bakit nagawa saakin to ni Cash? Mahal na mahal ko siya! Oo mahal na mahal kitang gago ka! Magsama silang dalawa ni Yuna.
"Kuya, may I borrow your phone?" mahina kong tanong kay kuya Son na tahimik na nagkakape sa dining area habang nakaharap sa laptop niya. Ngayon lang ako lumabas ng kwarto pagkatapos ng ilang oras kong pag iyak. Paniguradong mugto ang mata ko. It's 11 pm and kuya Son is doing his work.
BINABASA MO ANG
Retired Casanova (Latest Casanova Series #1)
Ficción GeneralLatest Casanova Series #1 [COMPLETED] [NOT EDITED] When a casanova began being devoted to a woman, there was no such thing that will stop his way to her. Dea works in a publishing company and is a stunning woman who caught the casanova's attention...