Kabanata 9

3.8K 69 1
                                    

Kabanata 9

Boyfriend

Katapusan na ng april at naging successful ang pag release namin ng summer issue. Tumaas ang market sales namin kaya nagpablow out si miss Christina.

"Cheers everyone for our another success!"

"Cheers!"

Nagpalakpakan ang lahat at ngumiti ako bago ininom ang wine na hawak. Nandito kami ngayon sa bar ni Cash. Dito napili ni miss Christina dahil nga exclusive ang bar na ito.

Malungkot na ngumiti ako bago naupo sa sofa. Sinundan naman ako ni Celine. "Iniisip mo ba si Cash?" tanong niya saakin. Umiling naman ako at uminom uli. Wine ang iniinom ko habang iba ay mga imported beers ang iniinom kagaya nalang nito ni Celine na may hawak na shot glass. Naging mas agressive siya ngayon.

"Sure ka? Magagalit ba siya kasi nag bar ka?" umiling uli ako. Malungkot na tinignan niya ako at ngumuso. "Magsalita ka naman ate girl! Parang nagpalit ata kaluluwa natin ah?" tumawa ako at inubos ang laman ng baso.

"Ano kaba, ayos lang kami ni Cash. Hindi niya ko pinagbabawalan mag bar." sabi ko sabay ngiti. "Ang understanding boyfriend niya naman! Sana all may Acacius Cash! Hahanap na nga ako ng akin." aniya at nilagok ang shots na hawak. Umiling ako at natawa. Maputi si Celine kaya mabilis mamula ang pisngi niya.

About sa sinabi ni Celine, yes boyfriend ko na si Cash. Isang linggo na nakalipas simula nang maging kami.

"Talagang hindi niya ko pagbabawalan basta sa bar niya lang ako pupunta." natatawang sinabi ko. Natawa din siya at kumuha ng panibagong shot. "Ay iyon lang! May mata kasi siya dito!"

Magsasalita na sana ako nang makatanggap ako ng message. Tinignan ko ang phone ko at binasa.

Cash:

Baby, the meeting is almost over. Wait me there okay?

Napangiti ako at agad nagtipa ng reply.

Ako:

Okay, pwede na ba ako uminom ng beer? :(

Mabilis na nagreply siya at alam ko na ang sasabihin niya.

Cash:

Still a no. Behave ka dyan kung ayaw mong parusahan nanaman kita.

Napangiti ako at umiling. Hindi ko na siya nireplyan at tinago nalang muna ang phone. Nagkayayaan sumayaw sa dance floor at nagpaiwan ako. Natatanaw ko dito na may kasayaw si Celine na lalake. Nakatalikod saakin ang lalake kaya hindi ko makita kung sino kasayaw niya. Hindi bale tatanongin ko nalang si Celine bukas.

"Dea? Is that really you?"

Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Tumingla ako at nanlaki mata nang makilala ko kung sino siya. Ang singkit niyang mata at ang buhok niyang nakatali. Si Makiro Kashigusa!

"K-kiro..!" Hindi ko alam kung tatayo ako o hindi pero sa huli tumayo ako at sinalubong siya. Bahagya siyang bumeso saakin at nanigas ako. "Long time no see, how are you?"

"I'm good! How about you?" pasimple kong nililibot ang paningin kung dumating na ba si Cash. Kinakabahan ako! Ngumisi siya at nagkibit balikat. "Good, I guess. Why did you block me anyway?" kumunot noo ko. Block? Hindi ko maalala na blinock ko siya.

"B-block?"

"Yeah, you blocked me that's why I can't contact you." Inalala ko ang ang araw na nagtext kami ay iyon din ang araw na pumunta si Cash. Must be Cash! He blocked him using my phone! "Ahh, I don't remember." tumawa ako ng mahina.

Tumango tango siya at bahagyang natawa. "Do you have a boyfriend? Maybe he's the one who blocked me." Kiro said and sipped on his whiskey glass. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Aamin ba ako? Hindi ako sanay na may pinapakilalang boyfriend! Cash is my first boyfriend!

Retired Casanova (Latest Casanova Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon