Kabanata 22
Mixed emotions
"Talaga?! Pero bakit nga ba kayo naghiwalay ni Arielle?"
I asked curiously habang mariin ang tingin sakanya. Nandito kami sa sala at nagsimula naman ako magtanong tanong kay Sejan habang inaayos ni Cash ang papanoorin namin. Magkatabi kami sa sofa ni Sejan at parang takot na dumikit muli saakin.
"Aw!"
Napahawak ako sa tainga ko dahil sa masakit na pitik na natamo. Who did that?!
"Chismosa!" singit ni Cash saamin.
Ngumuso ako at hindi na muli nagtanong kay Sejan. Hinimas ko ang tainga ko at sinulyapan si Cash na naglalagay ng movie. Tinawanan lang kami ni Sejan.
"Hindi mo sinabi saakin na binabahay mo na pala tong si Dea."
natatawang sinabi ni Sejan at inakbayan ako. Umiling ako at tumawa din. Tinanggal ko braso niya at umayos ng upo.
"Magpapakasal na kami soon!" I said proudly. Nilingon ko naman si Cash at naabutan siyang seryosong nakatitig saakin.
Hindi ko alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko! Ano ba naman tong bibig na ito! May sariling buhay! Nanlaki mata ni Sejan.
"Talaga? Nice!"
tumango ako at ngumiti. "Oo, kaya manahimik ka na jan." singit muli ni Cash.
Naupo sa kabilang side ko si Cash at hinila ako papalapit sakanya. "Pa-celebrate naman jan mga love birds!"
"Celebrate ka mag isa mo." si Cash never leaving his eyes off me.
"Tss.. damot niyo! Kukuha nalang ako ng chips doon." tumayo si Sejan at pumunta ng kusina. Niyakap naman ako ng mahigpit ni Cash mula saaking likod.
"Nasolo muli kita. Bakit ba bigla ka na-attach sa lalaking iyon?"
May halong tampo at galit ang boses niya. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. I really don't know bakit ako nagkakaganito.
"Hindi ko rin alam eh. Ikaw lang naman ang asawa ko eh."
natigilan siya at sinulyapan ako. "Really?"
"Asawa mo na ako. Bawal na ang ibang lalake dito." Cash said.
tumango ako at ngumiti.
"Eto na chips love birds! Mamaya na lampungan. Bakit ba kasi ako pinapunta dito?"
naupo sa kabilang sofa si Sejan habang binubuksan ang bag ng chips na hawak.
"Para may audience kayo? Tss.. third wheel ako dito eh."
Tumawa lang ako. "Why don't you bring Arielle here?"
umiling siya. "Nah.. alam mo namang ano eh. Hay nako bakit mo nga ako pinapunta dito?"
"Na-miss kita!"
"Woah! Easy ka lang jan baka mamaya ako nanaman patulan nitong boyfriend mo." umismid si Sejan at nabuksan na ang chips. Umalingawngaw ang amoy nitong cheese.
"Tss.. hindi niya ko boyfriend. Asawa niya ko." then he winked at him pero hindi ko na gaano pinansin at parang sumama ang pakiramdam ko sa amoy ng cheese.
"Edi kayo na may love-life!"
"Baby ayos ka lang namumutla ka?"
umiling ako. "Ayaw ko lang ng amoy ng cheese. Para akong masusuka."
mabilis na tinakpan ko ang ilong ko. Kumunot naman noo ni Sejan.
"Cheese? hoy! Itapon mo nga yan." baling niya kay Sejan.
BINABASA MO ANG
Retired Casanova (Latest Casanova Series #1)
Ficción GeneralLatest Casanova Series #1 [COMPLETED] [NOT EDITED] When a casanova began being devoted to a woman, there was no such thing that will stop his way to her. Dea works in a publishing company and is a stunning woman who caught the casanova's attention...