Kabanata 29
Friend
Ang araw na rin yon ay umuwi kami ng maynila. Naiwan naman si señor Acacius sa San Maniego, si mama Carla ay sumama saamin.
Umuwi ako sa apartment namin kasama sina mama at papa, si Cash ay sakanyang condo. Pumasok rin ako ng isang araw kinabukasan at nag file ng maternity leave.
Malungkot sina Lorenza pero masaya na rin para sa baby ko. Nag prisinta pa nga sila maging ninong at ninang sa binyag ng baby. Lunch break at kumain muli kami sa café de forace.
"Omg! Hindi parin ako makapaniwala na magkakababy kana, Dea!" ani Rian. Ngumiti ako.
"Hindi rin ako makapaniwala."
"Paniguradong kamukhang kamukha ni Cash yan kapag lalake." si Kayla at sabay sabay kaming tumawa.
Ngumisi si Aeron. "Kaya kung ako sayo huwag na tayo mag condom—
Agad siyang binatukan ni Kayla at sinamaan ng tingin. Bulgar sa mga salita si Aeron kaya hindi malabong may nangyayari sakanila ni Kayla.
Nagsimula kami kumain nang mapansin ko ang pananahimik ni Lorenza. Kumunot noo ko at kumuha ng tissue at ballpen. Hindi naman ako na pansin ng apat kaya pinagpatuloy ko ang ginagagawa, nagsulat ako sa tissue at tinapat sakanyang harap. Nakayuko kasi siya at hindi ginagalaw ang pagkain.
Nag angat siya ng tingin saakin at kinuha ang ballpen. Pagkatapos ay inabot niya saakin ang tissue. Kinuha ko ang tissue at binasa,
'Ayos lang ako.'
tinignan ko siya at nakatingin siya saakin. Umiling ako. Bumuntong hininga siya at lumapit saakin.
"Ayaw ko ng amoy nitong pagkain."
humiwalay siya saakin pagkabulong. Tinignan ko naman ang inorder niya, ito ang lagi niyang in-oorder ah?
"Bakit? yan naman lagi inoorder mo."
umiling siya. "Hindi ko alam, basta ayaw ko sa amoy niyan!"
ngumisi ako. "Sige ganito nalang, bili nalang tayo bago?"
"Ano problema, Lorenza?" biglang singit saamin ni Lloyd. Sabay kami napalingon sakanya ni Lorenza.
"Ahm.. ayaw niya sa inorder niya eh." ako ang sumagot.
Nag-aalala naman si Lloyd. "Ano gusto mo kainin Lorenza?"
kumunot noo ko. Umiling si Lorenza at biglang sinapo ang puson.
"Hala, may masakit ba sayo?" si Rian at napahinto sila sa kwentuhan ni Kayla.
Mabilis na umiling si Lorenza pero biglang ngumiwi ang kanyang mukha.
"Shit, anong masakit Lorenza?!"
tumayo si Lloyd at lumapit kay Lorenza. Parehas parehas kaming lahat na nagulat sa malambing na haplos ni Lloyd kay Lorenza. Napatayo kaming lahat nang biglang hinimatay si Lorenza!
"Tatawag lang akong taxi!" si Aeron at mabilis na tumakbo palabas.
"Shit! Shit! Shit!"
paulit ulit na mura ni Lloyd at binuhat si Lorenza. Napatingin saamin ang ibang tao at nilapitan na rin kami ng ibang crew.
"Tara na! Dali!"
Lumabas na kaming lahat at agad na pinasok ni Lloyd si Lorenza sa taxi. Pumasok ng front seat si Aeron at ako naman sa tabi ni Lloyd sa likod.
"Babalik muna kami opisina para sa gamit ni Lorenza!" ani Rian. Tumango ako at sinarado ang pintuan.
"Manong, dali po sa pinakamalapit na hospital!"
BINABASA MO ANG
Retired Casanova (Latest Casanova Series #1)
Ficción GeneralLatest Casanova Series #1 [COMPLETED] [NOT EDITED] When a casanova began being devoted to a woman, there was no such thing that will stop his way to her. Dea works in a publishing company and is a stunning woman who caught the casanova's attention...