Chapter 10: Dancin on my own

48 25 38
                                    

Cassandra's POV

*Flashback 2 months Ago**

" Help me court Summer" sabi ni James

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman that time. Sumakit yung dibdib ko. Pakiramdam ko pinaksaluban ako ng langit at lupa, na tinalikuran ako ng mundo. Hinahabol ko na lang ang hininga ko at hindi alam kung anong dapat gawin o sabihin. Alam kong mali itong nararamdaman ko pero hindi naman nating kayang pigilan ang puso eh.. Kung pwede lang pigilan itong puso ko edi sana wala itong nararamdaman ko, edi sana hindi ako nahihirapan ng ganto, edi sana.....

Hindi ako nasasaktan ng dahil sa kanya .

Tumingin ako sa paligid at nakitang kong we are already at the parking lot. Humugot muna ako ng malalim na hininga at nagsalita..

" N-nandito na pala tayo. S-sige una na ko" sabay bigay sa kanya ng isang ngiti. Ngiti na pilit. Ngiti na dahil sa sakit at pinipilit ko lang ngumiti para hindi niya mahalata na nasasaktan ako...

Nagmadali akong naglakad para hindi niya na ako mahabol pa. Tumingin muna ako sa orasan ko at may 30 minutes pa...

Habang naglalakad ako lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo dito..

Pls mga luha.. Wag ngayon, wag dito.Yan ang paki-usap  ko sa kanila nung mga oras na yun..

Binilisan ko ang pagtakbo papunta ng secret place ko. Habang tumatakbo ako napansin kong yung iba ay napapalingon sa akin dahil sa nakayuko ako..

Malapit na Cassandra.. Kapit lang kapit lang mga luha ... Wag kayong bibigay ha? Kaya ko pa to..

Habang naglalakad ako napadaan ako sa gym at may sumulpot..

" Oh look what we have here." sabi nung boses at alam ko si Summer yun.

Hindi ko alam pero nung narinig ko yung boses niya mas lao akong nasaktan.

Siya kasi yung taong laging nakakakuha ng gusto ko. Yung taong karibal ko sa lahat ng bagay. Yung taong gusto akong pahirapan. Yun taong mahal ng gusto ko kaya ako nasasaltan ng ganto. At higit sa lahat yung taong mahal na mahal ng gusto ko.

"Pls Summer Wag ngayon .. Pls" cold na sabi ko habang nakayuko at naglakad na papalayo sa kanila.

Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako ng muli siya magsalita.

"Wow nagpl-pls ka na pala ngayon ha? At sino ka para talikuran ako" hinugot niya pa ang kamay ko dahil para manaig ang dalawang emosyon dito sa puso ko..

Hindi galit at hinagpis kundi....

Sakit at Inggit.

Sakit kasi umiiyak ako dahil sa nakuha niya ang taong gusto ko. Alam ko naman kasing wala talaga akong karapatan sa kanya eh kasi unang-una PINSAN ko siya. Sino nga ba ang tanga na magkakagusto sa pinsan niya no? Pero kasi iba talaga yung pakiramdam ko sa kanya na parang pakiramdam ko hindi ko talaga siya kadugo.. At pangalawa hindi naman ako ang nagmamay-ari ng puso niya eh. Iba ang laman nun kaya nga ako nasasaktan. Kaya nga ako inggit na inggit kay Summer ngayon kasi habang siya masaya ako heto pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang simbulo ng pagkatalo at ng sakit...

" May sasabihin ka pa? Dalian mo may pupuntahan ako.. Slut" sabi ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya. Sa oras kasi na tumingin ako sa kanya alam kong mababasa niya ang reaksyon ko..

" How? How dare you?" ay akmang sasampalin ako pero napigilan ko yung kamay niya. Ngayon hawak hwak ko na yung kamay niya

" Ano sasampalin mo ko? Ano sasaktan mo ko? Pwede Ba Summer tumigil ka na. Sawang-sawa na ako sayo Sam.. Lahat na nakuha mo sa akin eh, Ano pa bang gusto mo Summer? Ayoko ko na eh.. Sige panalo ka na. Kay pls wag mo na kong guluhin. Wag niyo na kong guluhin" kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pag-uunahan ng nga luha ko na tumulo. Ang sakit pala no? Ang sakit sakit.

In the End of the Beginning (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon