Chapter 14: Sport Festival ( Part 3)

39 20 60
                                    

Cassandra's POV

Ang bilis lumipas ng mga araw. Ngayon na yung start ng mismong sport festival.. Busy lahat ng tao, yung iba sa mga sport nila habang yung mga walang sport sa Department booth..

Opening ngayon at magkakaroon ng parade yung mga players. Bukas pa yung laro ko. Ang pagkaka alam ko ang maglalaro ngayon ay Baseball. I wanted to watch to support Ferned. Nalaman ko pala na 3rd year na si Ferned. Henzber is 4th year and Zeinia is 1st year..

Isusuport ko sila kahit na kalaban namin sila. Hindi ko kasi trip yung players ng Department namin sa Baseball, soccer at tennis..

" Cass, anong style ng damit mo?" tanong sa akin ni Mich. Kasama ko sila ngayon dito sa locker. Kukunin ko muna yung damit na susuotin ko para sa parade..

" Ahmm. Light red na croptop. Teternuhan ko na lang ng high waist na black" sabi ko at pinakita yung susuotin ko.

" Kayo?" tanong ko sa kanila na busy sa pagkalikot ng gamit nila sa locker..

" Sa akin sleeveless na red tas black pants na rin" sabi ni Nella. Sinilip ko kung anong ginagawa niya sa locker niya at nakita kong may inilalagay siyang file sa laptop niya..

"Sa akin plain red shirt tas skater skirt na 1 inch above the knee." sabi ni Mich at tinignan rin yung ginagawa ni Nella.

"Ano ba yan Janella" tanong ni Mich sa gingawa ni Nella. Ngayon alam ko na kung ano yun..

" Record paper para sa chess ako inutisan ni coach. Para to sa Business management Department...... Ayan tapos na!" sabay hugot nung USB sa laptop.

Ang bilis niyang gawin. In fairness naman sa kanya... Napatigil naman lahat ng estudyante nung biglang tumunog yung announcement speaker..

" Attention for all students please proceed to the open field. The opening parade of our sport festival will start in 5 minutes. Again calling for the attention of all students please proceed to the open feild. The opening parade of our sport festival will start in 5 minutes. Thank you!" yan ang sinabi pagkatapos nun ay tumuloy na yung ibang estudyante papunta sa feild..

" Uy tara na guys!" sabi amin ni Mich. Tumango lang kami bilang sagot.

" Ay palit muna pala tayo Heheheh" sabi ni Mich..

Nakarating na kami sa Rest Room pero ng papasok na kami ay siya namang paglabas ng grupo ng lalaki mula sa Boys Comfort Room.

Napatingin sila sa direksyon namin ganun din kami pero agad akong nag-iwas ng tingin nung malaman kung sino yung mga yun. Grupo kasi nila James yun at kasama nila si Niko. Hindi ko alam pero bigla akong nahihiya sa tuwing naalala ko yung ginagawa ko sa kanya.......

Flashback

Naglalakad kami ni Nella ngayon. Kagagaling lang namain sa canteen. Binuksan ko muna yung phone ko para tignan kung may update na ba yung binabasa ko.

Tahimik lang kami ni Nella habang naglalakad. Naisipan ko naman na uminom muna habang naglalakad. Iinom na dapat ako nung biglang may sumagi sa kamay ko kaya ang end up natapunan siya..

Natapunan rin ako pero hindi ko iyon pinansin nung nakita kong natapunan rin ng juice yung phone ko. Biglang nag-alab yung galit sa sarili ko.. Tangina!! Wala na akong paki alam sa natapunan ko at sa basa kong damit ngayon ang iniisip ko lang yung cellphone ko.  Shit siya!! Buti na lang waterproof itong phone ko kung hindi nyeta siya..

Pagkatapos kong pinasan yung phone ko napatingin naman ako sa damit ko.. T-ngina talaga siya! Ang lakit!!!

Tinignan ko yung damit ko kaya mas lalo akong nagliyab sa galit!! May malaking mantsa na siya sa harap. White pa man din to.. Ny-ta talaga siya! Medyo bakat na tuloy yung tube ko!! Buti na lang may jacket ako pangtakip kung hindi lagot siya!!

In the End of the Beginning (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon