Vincent's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasama ko dito sa kwarto.
"Uy.. Good morning Vincent" sabi nung mga team mates ko.
"Tsss.." yun lang yung sinabi ko..
I scan the whole room. May iba na tulog pa, may iba na nakahiga ngunit gising na. Samantalang may mga iba na nakatayo at nagcecellphone.
Kinuha ko naman yung phone ko na nasa side table nitong kama..
Napangiti naman ako nung tumambad sa akin yung wallpaper ko. Picture kasi namin ito ni Summer. Ang cute niya pa dito. Hahahha
"Sana all may jowa" sabi nung katabi ko na si Blue..
"Hanap ka rin ng sayo pre" sabi ko sa kanya.
Nagchat muna ako ng good morning kay Summer at inilapag muli yung cellphone ko.
Mukhang wala pang balak mag-ayos o maligo itong mga kasama ko dito. Ako na lang muna yung mauuna para hindi na ako makikipag unahan mamaya.. Ang kukupad kasi ng mga ito. Para silang hindi lalaki kung kumilos.
Tumayo na ako para puntahan yung walk in closet kung saan nakalagay yung bag na may lamang mga damit namin..
Kumuha ako ng simpleng gray short at white shirt. Mamaya pa ata kami uuwi kasi mukhang gusto nila ng part 2. Hahahaha.
Pagkatapos kong kumuha ng damit ay lumabas na ako ng walk in closet. Hindi kasi konektado yung walk in closet sa Cr. Pero magkatabi lang naman.
Bago ako pumasok sa cr pumunta muna ako sa mga kasama ko dito sa kwarto.
"Ay alam niyo Pre may bago yung lamborghini. Veneno ata yun. Shit pre!! 60-100 million ang presyo.. Takte masyadong mahal" rinig kong sabi ni Eight.
Basta kasi sasakyan active na active sila..
"Oo nga eh. Pero minsan sa school may nakita akong ganun hindi ko lang sigurado kung saan nagpark. Kung sino man may ari nun ibig sabihin mayaman sila..." sabi naman ni Blue sa kanya
"Kahit nga yung Ultra hindi pa ako nakakabili. Mahal rin yun. Sino kaya meron nun. Kahit sana makisakay lang ako. Hahahahahah" sabi ni Eight sa amin kaya napatawa yung iba.
"Yan oh! Si Vincent may Lamborghini Ultra yan" sabi ni Clinton.
"Sh-t.. Seryoso?" manghang tanong ni Eight sa akin. Lumaki pa yung mata niya.
"Yah. Hahah" maikling sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi ko nakikita yun. Lagi mong dala sa school yung 4 th latest." sabi ni Blue sa akin..
"Hindi ko kasi laging ginagamit. Iniingatan ko yun. Ang mahal kaya nun... Pero dala ko siya ngayon" sabi ko sa kanila at nagtinginan sila. Bakit may nasabi ba akong mali?
"Weh? Eh. Hindi namin nakita yun kahapon nung naglibot kami kagabi. Niloloko mo naman kami Vincent" sabi naman sa akin ni Aries
" Nasa garahe nila Tiffany yun" nung tumawag kasi si Tita, dun niya pinalagay yung kotse ko tutal may dalawang vacant doon. Nasa talyer daw kasi yung van nila tapos dala ng secretary ni Tito yun isa.
"Tiffany?" sabay sabay nilang tanong sa akin.
Ay oo nga pala. Hindi nila alam na yun yung tawag ko sa kanya..
"Ah.. Garahe pala nila Cassandra. Tiffany kasi yung tawag ko sa kanya" sabi ko naman sa kanila.
"Oh. Close kayo? Vincent may Summer kana ah!! Paubaya mo na si Cassandra. Hahahah" panloloko sa akin ni Eight. Gago to faithful kaya ako kay Summer ganun din naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
In the End of the Beginning (ON HOLD)
Teen Fiction[ON HOLD] STAY TUNED FOR THE NEXT UPDATE She's Cassandra Tiffany Delaval, a simple girl who wanted to live normal and be happy. She wanted to live long with his love Vincent Ash James. But Vincent is her cousin. On the other hand there was a boy wh...