Chapter 24: Practical Thinking

32 7 6
                                    

Cassandra's POV
(Namiss niyo ba ako??)

"Cass naalala mo ba ito?" tanong sa akin ni Nella habang buhat buhat yung human size na bear na nakalagay dito sa tree house. Ok lang naman na maglagay ng mga gamit dito kasi maayos siya. Hindi naman nababasa kapag umulan kaya safe.

"Syempre naman... yan kaya si Goggi regalo mo yan sa akin nung ahmm... 6 birthday ko" binigay niya yan sa akin yun tapos dun na ako nagka interest kaya nagcollect ako ng stuff toys...

"Hahha.  Buti naman naalala mo pa.." sabi sa akin ni Nella.

"Mm.. Matanong lang... So Vin at Vin-vin ba itong bata na nasa picture?" tanong ni Mich habang hawak ang picture frame kung saan nakalagay yung picture namin dito sa tree house.

"ahmm.. Oo.. Bakit?" tanong naman ni Nella kay Mich.

"Pansinin niyo kasi... Itong Vin yata.. Kamukha niya si Vincent" tila timigil sandali ang pag ikot ng mundo nung marinig ko yun. Sinamahan pa iyon ng mabilis na tibok ng puso ko..

"Ha?" tanong kong muli kasi baka namali lang ako ng dinig...

" Tignan mo kasi.. Itong batang lalaki dito sa picture may part na kamukha niya si Vincent.." paliwanag ni Mich..

"Pero hindi ba kung si Vin ay si Vincent bakit para yatang hindi niya kami kilala. At isa pa hindi siya nagreact nung nagspin the bottle tayo" katwiran naman ni Nella.. Tama siya, kung siya si Vin edi sana hindi ganun yung pakikitungo niya sa amin.

"Malay mo hindi niya na kayo kilala.. O baka naman ibinaon niya na sa limot yung dati kaya parang patay malisya siya. Tapos eto pa...Vincent ang pangalan niya hindi ba? Pag inalis mo yung CENT sa VINCENT edi Vin na lang" para akong natuod sa kinatatayuan ko...

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat paniwalaan, maramdaman o kaya ang tamang salitang bibitawan.. May parte sa akin na nag sasabing marahin tama si Mich dahil base sa eksplenasyon niya masasabi kong may punto siya..

May parte naman sa akin na ayaw maniwala. Ewan ko ba pero siguro ito ay dahil sa pangako nila na hindi nila kami sasaktan at ipaglalaban nila kami sa mga taong mananakit sa amin.. Kasi kung siya si Vin hindi niya ako gagamitin para makuha si Summer dahil marahil ay maiisip niya na masasaktan ako..

"Tss.. Whatever guys! Alam niyo kung ako sa inyong dalawa I will just shut up. Wala namang magbabago kung siya si Vin or kung hindi siya.. Kasi kahit siya man yun or hindi siya we cannot deny the fact na nang iwan pa rin sila" sabi ko kaya natahimik sila..

"Hehehe.. Oo nga tara pasok na rin tayo kasi madilim na oh" sabi ni Mich at halatadong sinusubukan niya pagaanin yung athmosphere namin..

"Oo nga para maituloy na natin yung Maze runner" sabi ni Nella at ipinagpag yung suot niya saka tumayo....

-----—-----—-----—-----—-----—-----—-----—------

"Dali na ituloy na natin yung maze runner... " exited na sabi ni Nella tsaka sumalampak sa sofa...

Kakatapos lang namin magdinner. 9:30 pm na rin kaya medyo malalim na ang gabi pero itong mga kasama ko hyper na hyper pa rin...

"Tsss... Taas na tayo" sabi ko kaya napatingin sila sa akin... Tapos yung mga mata nila parang nagtatanong hahaha...

"Eh papanoorin pa natin yung maze runner 2" sabi Mich saka siya nagpout..

"Manonood na kayo eh hindi pa nga kayo naliligo or nagpalit man lang ng mga damit niyo" sabi ko sabay roll eyes sa kanila..

" Sige pero pagkatapos manood na tayo ha?" nagroll eyes lang naman ako at nauna  na akong tumaas sa hagdan..

Sumunod lang naman sila sa akin.

In the End of the Beginning (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon