Chapter 21: Letter

30 11 7
                                    

Cassandra's POV

"Ayieeee... Congratulation St. Agustine!!!" sigaw ng mga hibang kong school mates. Nandito kami ngayon sa bahay.

May pa victory party kasi. Over all Champion ang school namin kaya naman nag utos sila Mommy at Daddy na magkaroon ng Party for our success. Actually dapat kahapon ito ng gabi pero pagod yung ibang players kaya ngayong hapon na lang

Bale pool/ garden Party yung meron. Syempre nangunguna yung mga swimmers sa pool. What do you expect?? May tubig eh kaya sila sabik.

May mga nakaset up na tables dito sa garden namin. Buti na lang sobrang lawak nito kaya pwede kaming lahat. Malawak rin naman yung pool namin. May mga floaters at beach ball doon.

"Captain!! Halika dito!" sigaw sa akin ni Melvs. Halos lahat na kasi ng team mate ko nasa pool including Tracy.

Naka upo lang kasi ako dito sa sun bating chair. Nakalinya ito dito. Katabi ko ngayon si Nella na nakahiga at nakashades pa.

Nakasuot ako ng maong shorts at isang fitted na black croptop ruffles sando. Nakapatong namang dito and isang manipis na mahabang black net shirt.

Maingay na rin dito dahil sa mga nagkakasiyahan. Kanina katabi namin si Mich dito pero tinawag siya ng mga team mates niya kaya pumunta siya doon.

"Captain!! Bawal KJ ngayon. Dapat enjoy natin itong mga time na ito.. Minsan lang to" mahabang litanya ni Velerie..

"Sige mamaya na lang. Susunod ako promise.." sagot ko ng nakangiti sa kanila. Hahahha.. Naniwala naman sila sa promise

"Promise ka jan... Hoy hindi ka naniniwala sa promise diba?" sabi ni Tracy kaya tinawanan ko lang siya at humiga na dito sa sun bating chair

"Whatever Tracy" sabi ko sa kanya at ibinaba yung sun glasses ko..

Medyo maaraw pa kasi hindi pa naman malapit mag gabi. 2 pm pa lang kaya medyo maaraw pa.

"Bakit hindi mo samahan yung mga team mates mo dun sa pool. Naturingan kang swimmer tapos ayaw mong pumunta sa mga team mates mo na nandoon sa pool" sabi sa akin ni Nella.

"Che!! Wala pa ako sa mood magswimming. Akala ko tulog ka hindi pala. At tsaka isa alangan namang iwan kita dito" sabi ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.

" Ayieee. Ayaw niya akong iwan mag isa"  sabi siya at itinaas yung shade niya..

" Ha-ha-ha.... Oo ayaw kong maiwan kang mag isa baka akalain ng iba parte ka ng sun bating chair na FLAT. At baka pagkamalan kang Bangkay hahahaha." sabi ko maya napanguso naman siya.

" Ay Ang sama... Nahiya naman ako sayo. Grabe ka maka flat parang ikaw hindi " sabi niya kaya napa roll eyes na lang ako. At tinignan siya.

" Che!! Whatever!" sabi ko at tumingin na lang sa langit..

Ang ganda ng mga clouds at sky. Parang si author. Hahaha. Joke lang. Parang ako..

Kinagabihan...

Umahon na kami sa pool kasi medyo madilim na. Haysst..

Sabi ko sa mga ito kain na lang muna kami kasi papalitan yung tubig sa pool at bubuksan nila yung lights na nasa ilalim nitong floor ng pool.

" Every body.. C'mon let us all party!!! Congratulation St. Agustine University!!" sigaw ng DJ na kinuha namin. Actually hindi namin siya binayaran kasi yung pinagtratrabahuhan niyang bar is pagmamay ari ng isa sa amin. Hindi ko nga lang alam kung sino..

" Tara kuha tayo ng pagkain" sabi ko sa kanila Nella at Mich.

Tumango naman sila at pumunta na kami dun sa isang round na table kung saan nakalagay yung mga dishes.

In the End of the Beginning (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon