V

1.2K 77 12
                                    


Kinusot ko ang mata ko at tinignan mabuti kung sino ang nasa harapan ko ngayon. It was fucking Grayen Damon Evans!

Bakit siya nandito!? Bakit niya kasama si Dad? Argg, masisiraan na talaga ako ng ulo nito.

"Ah Darling, this is Mr. Grayen Damon Evans. He is one of our investor in our company." Pagpapakilala ni Dad.

Tinaasan ko naman sila ng kilay. Pinanlakihan ako ng mata ni Dad.

"I know her, Leanne right?" Malamig niyang wika. Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Mabubuking pa ako ng wala sa oras nito. Marahan lang akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

I cross my fingers at palihim na nagdadasal na wag na siyang magsalita pa ng kung ano.

"That's great, you already know her. She is my one and only daughter." Iginaya ni Dad siya patungong sofa. Sumunod naman ako sa kanila at umupo din sa isa pang sofa.

"So what do you want to talk about Mr. Evans?"

"Can we talk alone?" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Ah yes, sure. Darling can you-" tumayo na ako at padabog na umalis sa office ni Dad.

That bastard, at sino naman siya sa akala niya? I don't care kung sino siya, pwe isa lang naman siya sa mga investor at di siya kawalan.

Bakit pa kasi siya naging isa sa mga investor namin? Sa dinami daming businessmen at businesswomen, bakit siya pa? Argg, the guts of that guy.

I really hate it. Hays.

I decided to go to the mall. Maaga aga pa naman at magshoshopping muna ako.

I went to several boutiques and buy some formal clothes para sa trabaho ko.

I still didn't talk with my parents about this at wala na munang balak ngayon dahil paniguradong hindi din nila ako papayagang magtrabaho sa ibang company.

I also look for high heels and light make-up. I bought also a new cellphone for work.

Sa dami ng dala ko, I decided to take a break in a fine restaurant inside the mall.

I ordered some food and started eating. I spotted someone while I'm eating.

Pinaningkitan ko pa ang mata ko para mas lalong makita at nanlaki ang mata ng biglang dumako ang mata ng tinitignan ko banda sa akin.

Agad kong iniwas ang tingin at kumain para di masyadong halata. Damn, bakit ko ba sila nakikita ngayon? This is the worst day!

Nagmadali akong kumain at para makaalis na agad. That's why I'm starting to hate guys. They are just ruining my mood.

"Oh who looks here" sabi ng isang babae. Napaangat ang tingin ko ng may magsalita.

Automatic na napataas ang kilay ko sa nakita. Bakit may ahas sa harap ko? Wala naman ako sa zoo ah?

"Snake" I mumble. Mukhang narinig ng babae at napataas ang kilay nito. Umupo siya sa harapan ko at tinignan ako.

"What do you want?" I ask fiercely. Sino ba siya para katakutan ko diba?

"Well, I just want to say na kami pa din ni Gab." Ngisi niyang wika sa akin.

"So? Do I look like I care?" I looked at her boredly para ipakitang wala akong pakielam sa sinabi niya.

"Woah, I thought magmamakaawa ka sa akin na ibalik ko siya sayo. Well baliw na baliw lang naman siya sa akin at hindi mo na siya maagaw pa" Taas noo niyang sinabi.

"I don't care. I should get going, I'm not in the mood to talk to snakes." Tatayo na sana ako ng mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

"What did you say?" Nanggagalaiti niyang sabi.

"Are you deaf? I thought you're just a snake." Ngisi ko sa kanya. It's my turn bitch.

Akmang bubuhusan niya ako ng tubig ng unahan ko siya. Sinamahan ko na din ng malutong na sampal.

"W-what the fuck! What did you do!?" Napatayo siya sa ginawa ko, I smirked with her reactions.

"Are you a blind too? You didn't see? Gusto mong ulitin ko para makita mo pa lalo?" I step towards her. Napaatras naman siya.

Tsk, takot din naman pala itong babaeng ito. Akala mo naman kung sino ang matapang. Biglang may tumulak sa akin at nilapitan ang babae.

Fuck, napaupo ako sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin.

"Shit, what did you do to her!? Ganyan ka na ba kadesperada na makuha ako uli?" Sigaw ng lalaking nanloko lang naman sa akin.

Tumayo agad ako at pinagpag ang lap ko.

"Oh? Aren't you assuming to much? Tanungin mo yang malanding babaeng yan kung anong nangyari bago ka magsalita." I said coldy.

Sino ba siya? Tsk, napakaasyumero masyado. Akala mo naman ikinagwapo niya yan. Ex na kita ngayon kaya I don't care with his business.

"Don't you dare call her like that!" Nakakuyom na ang kamao niya at pigil na pigil sa sarili.

"Then what? Ayaw mo nun? Should I call her a bitch then? Snake? Choose, pwede ko namang baguhin ang tawag ko sa kanya."

I looked at them boredly. Nakakawalang gana naman silang kausap. Tatalikod na sana ako para kunin ang mga binili ko nang biglang hinila ni Gab ang braso ko.

He pull me and almost slap me when someone stop him. Napatangin naman ako kung sino ang gumawa nun.

"Don't you dare do that to her." Malamig niyang wika kay Gab.

Nawalan naman ng kulay sila ng makita kung sino ang gumawa nun.

"Let's go." Napasunod ako ng wala sa oras ng hinila niya ako palayo mula dito.

Napatulala ako sa nangyari. Did he actually going to do that to me? Why? Gosh, magagawa niya talaga akong saktan.

Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang hinihila ako patungo kung saan nitong lalaking ito.

One Night MistakeWhere stories live. Discover now