XII

1K 42 9
                                    


Today ay nadischarge na ako sa hospital. Niresetahan lang ako ng madaming vitamins at maraming pinayo din sa akin. After that ay hinatid na ako ni ninang sa labas ng hospital.

"Oh Leanne, mag-iingat ka ah. Alagaan mo ang sarili mo. Wag mong masyadong stressin ang sarili mo. Alam kong mahahanap din nila ang mga magulang mo." Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Thank you ninang, mag-iingat ka din po. Aalis na po kami para makapagpahinga na din po ako." Tinuro niya si Grayen.

"Ikaw, alagaan mo ang anak ko. Kapag may nangyari sa kanya, ako papatay sayo mismo." Pinanliitan ni ninang si Grayen habang pinagbabantaan.

"Opo, tita." Tumango lang ito at iginaya na ako patungo sa kotse. Kumaway ako kay ninang at sinuklian niya naman ito.
Nagsimula na siyang magdrive paalis sa parking lot.

"San mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Hmm, nagugutom ako. Kain muna tayo saglit." Tinignan ko siya, at nakatutok lang ang mga mata niya sa harap ng kalsada.

"Okay." Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at kumain.

"How are you feeling now?" Pambabasag niya sa katahimikan.

"I'm fine." Nakayuko lang ako habang kumakain. Bigla akong nawalan ng ganang kumain at ayaw ko na ang pagkain na nasa harapan ko.

Inangat ko ang tingin ng makotang nakatitig na pala siya sa akin.Napabuntong hininga ako at binaba ang kutsara.

"Fine, ayaw ko ng pagkain. Bigla akong nawalan ng gana?" Tumaas ang kilay niya sa sagot ko. Huminga siya ng malalim at ibinaba din ang tinidor at knife niya.

"Then what do you want? You still didn't eat, baka mapano si baby." Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Wow, did he really said that? That's awkward.

Napaisip ako sa sinabi niya, ano ba ang gusto ko? Ano ba ang gusto ni baby? Hmm, ano kaya?

"A-ahm, I want to eat some strawberries and mango." Nahihiya kong sabi. Bakit ba ako nahihiya? Hays, ano ba yan ang gulo mo Leanne.

"Ahh I see. Okay, we will buy you strawberries and mango." Napangiti ako sa sinabi niya. Umorder muna ako saglit ng smoothies habang hinihintay siyang matapos kumain.

Pagkatapos ay umalis na kami at dumaan sa supermarket. Habang tulak tulak niya ang trolley, ako naman ang kuha ng kuha ng pagkain na gusto ko.

Kumuha ako ng madaming packs ng strawberries at chocolate. Tapos nagpakilo na din kami ng 3 kilo ng mangga. Napangiti ako habang nakikita ang laman ng trolley. Nakakatakam, excited na akong makain lahat yun.

Natapos na ang nasa harapan namin at kami na ang susunod. Nang mabaling ang tingin ng cashier kay Grayen, mukhang natameme na. Napailing naman ako sa nakita, sino ba naman kasi ang hindi kung isang napakagwapong nilalang lang naman ang makikita mo diba?

Ayy, sinabi ko ba yun? Hindi, hindi siya gwapo hmp. Sino ba siya? Nilagay ko na ang mga strawberries sa harap niya pero nakatungangs pa din siya.

Totoo pala yun? Yung bigla ka mapapatulala ng wala sa oras kapag nakakita ng gwapo. Nilagay ko sa harap niya ang kamay ko, I snap my fingers in front of her para magising.

Nagulat naman siya sa ginawa ako at napatigalgal. Nahihiya siyang tumingin sa akin at sinimulang ipunch ang mga binili namin.

"Sorry Ma'am." Mahina niyang sabi. Napatawa ako sa nangyari sa kanya. Kahit sino naman matatawa sa ginawa niya.

"Why are you laughing? Is there something funny?" Napatingin naman ako sa kanya, nagtataka siyang tumingin sa akin at sa cashier. Tumingin ako sa cashier at nakitang mas namula ito habang nagpupunch ng binili namin.

"Nothing." Nginitian ko lang yun at tinignan uli ang cashier. Ang cute niya, uwuuu.

"It's Php. 1,985.75 Ma'am, Sir." Nakayukong sabi ng cashier. Maglalabas na sana ako ng pera ng pinigilan ako ni Grayen.

"Ako na." Marahan naman akong tumango at tumingin uli sa cashier. Bakit ba ako nacucutan sa kanya? Huhu.

"Thank you Ma'am, Sir." Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tumingin ako sa name plate niya

"You're cute Carlos." Namula naman siya, napayuko siya sa sinabi ko. I chuckled for a moment bago tumingin kay Grayen.

Nakakunot itong nakatingin sa akin na parang may ginawa akong masama. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya.

"What?" Napailing siya sa akin at tumingin na lang muli sa dinadaanan. Dala-dala niya ang mga binili namin at nilagay sa backseat.

Pinagbuksan niya naman ako ng pintuan at pumasok naman ako sa gunshot seat.

Nakangiti ako buong byahe hanggang makarating kami sa bahay.


One Night MistakeWhere stories live. Discover now