"Hmm" umikot ako at naghanap ng unan. Napakunot ang noo ko ng maramdamang hindi malambot ang nahawakan ko. I slowly open my eyes at kumurap kurap bago tignan ang paligid.
Nanlalaki ang mata ko ng makita si Grayen sa tabi ko na nakangisi. He is sitting beside my bed looking at me. Napatingin ako sa nakayakap kong braso sa hita niya at napatanggal agad sa pagkakayakap.
He chuckle as he saw my reactions. Napatulala naman ako sa kanya. Wow, bakit ngayon ko lang nakikita ang malaanghel niyang tawa.
"I prepared you a breakfast in bed pero maghilamos ka muna, may panis na laway ka pa." Napahawak naman agad ako sa mukha para kapain kung meron nga ba talaga. Nginisian niya lang ako ng samaan ko siya ng tingin.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Napasarado agad ako ng pinto at napasandal dito.
Damn, bakit ganoon yung tawa at ngisi niya? Parang nang-aakit? Ay hindi hindi. Ano ba yan Leanne. Kung ano-ano iniisip mo. I washed my face and do my morning routine. Hindi muna ako naligo dahil tinamad pa ako.
Lumabas ako sa banyo at nakitang naglalaptop ito. Ano ba yan, umagang umaga trabaho agad ang inaatupag.
Napatigil siya sa pagtitipa sa laptop ng makitang lumabas ako sa banyo. Binaba niya sa table ang laptop at agad na kinuha ang tray na naglalaman ng fresh fruits, egg, bacon, toasted bread and milk. Inilapag niya sa harapan ko ito ng maupo ako.
I managed to looked at him nang hindi umiiwas. Tinaasan ko siya ng kilay para hindi halatang naiilang ako sa mga titig niya.
I started to eat and nagsisimula na akong mairita sa titig niya. Gosh bakit kasi siya tumititig? Nagugutom din ba siya?
"What? Didn't you eat breakfast?" Marahan lang siyang tumango habang nakatitig sakin.
Napabuntong hininga ako at hinati ang bread na may palaman na itlog at bacon. Itinutok ko sa bibig niya ito ngunit tinignan niya lang ito at muling tumitig sa akin.
"Just eat it. Bibigyan mo ako ng breakfast tapos hindi ka pa pala kumain." Pagsusungit ko sa kanya.
Kung kanina kinikilig ako dahil sa tawa at ngisi niya, ngayon naman naiirita na ako sa paninitig niya.
"No thanks, I'll eat later. I'm still not hungry-" bago niya pa itinuloy abg sasabihin ay isinubo ko na sa kanya ang sandwich na hawak ko. Nginisian ko lang siya at itinuloy ang pagkain.
Nginuya niya pero napayuko siya at napadako ang tingin niya sa bandang tiyan ko. Geez, bakit ba naiirita at naiilang ako? Hindi naman ako ganito.
Isinubo ko na ang lahat ang sandwich at walang pake kung anong itsura ko, anong magagawa ko eh gutom ako diba? Tatlo kaya kaming kumakain tapos hinati ko pa dahil di pa kumakain itong lalaki na nasa harapan ko.
Kukunin ko na sana ang gatas kaso nagulat ako nang hawakan niya ang tiyan ko. Hindi pa man halata dahil malaki ang suot ko pero pag fitted ang damit, ay halatang halata na ito.
He caressed it gently at may munting ngiti ang sumilay sa kanyang labi. I was stunned for a moment but relax ng makitang nageenjoy siya sa ginawa niya.
He looked at me and smile to me. He mumbled 'thank you' to me and I just smiled back to him. Maybe it's just a mistake but the consequences is a blessing in disguise. I'm not ready but surely I will do it. Nagawa na eh, I just need to face it.
Hinawakan ko ang pisngi niya at itinaas ito bahagya. Natawa ako na imbis na lalong ngumiti siya sa ginawa ko ay sumimangot siya.
"Dapat nakangiti ka, pansin kong seryoso at walang emosyon yang mukha mo pag nagkikita tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at pilit itinatanggal pero kinurot ko ang pisngi niya kaya sa mukha niya siya napahawak at napaaray pa.
Isang tawa lang ang isinukli ko dahil bumakat ang mga kuko ko sa pisngi niya. Mahaba pa pala ang kuko ko, kailangan ko ng gupitan ito.
I decided to go to the company and talk to my tito Raoul. Kahit pa kaya naman ni tito imanage ang company namin, kailangan ko pa din itong kunin at ihandle. I am responsible now sa kumpanya dahil wala na sila Mom and Dad.
Nalungkot naman ako ng maisip ko na naman sila. I really miss them now. Sana pinigilan ko na lang silang umalis kung ganito lang din pala ang mangyayari.
"Oh iha, why are you here? Dapat nagpapahinga ka ahh." Tito kissed me in the cheeks at iginaya ako sa sofa.
"Okay lang naman ako tito. I'm here to talk about the company. I need to manage the company now tito. Maybe next week ay magpapaset na ako ng conference meeting sa mga investors and stockholders namin." I looked to tito at nakitang nagaalinlangan pa siya.
"About the iha, the company has a problem. Ayaw ko na sanang sabihin sayo to pero dahil gusto mo ng hawakan ang kumpanya, I will tell you."huminto muna siya saglit at tumayo para kunin ang ilang dokumento sa table ni Dad dati.
"Here, noong isang araw ko lang nakita at nalaman na nawalan tayo ng 10 million, someone just stole the money from our budget and our stocks are starting to go down. We will have a conference meeting this afternoon to talk about. You wann come?" Nag-aalalang sabi sa akin ni tito.
I was shocked sa narinig, ilang linggo pa lang ang nakakalipas pero ganito na ang nangyayari sa kumpanya. The company starting to bankcrupt, damn.
"Yes Tito, mukhang mapapaaga ang paghawak ko sa kumpanya na ito. Sigurado bang lahat ng stockholders and investors natin ang pupunta? This is a serious meeting, I need them all."
"Yes I will make sure that they will all come. It will be in 3 p.m this afternoon, magpahinga ka muna para makapaghanda ka mamaya.
Tumango lang ako at napabuntong hininga, bakit ba sunod sunod ang problemang dumarating sa buhay ko?
Hays, I hope this will be easy enough to handle.
YOU ARE READING
One Night Mistake
عاطفية"One stupid mistake can change everything." One Night Mistake @Romance By: peacejeon