IX

1K 57 13
                                    


I woke up early, panibagong araw na naman. Sumakit ang ulo ko dahil sa kulang sa tulog at kakaiyak kagabi.

I only slept for 5 hours for God's sake. Gosh, I really need to forget that guy, asap.

Mga lalaki nga naman, walang ginawa kundi manloko, buti na lang nakilala ko si Andrew na medyo matino naman sigurong lalaki.

I went down stairs when I felt hungry, naabutan ko si Mom and Dad na bihis na bihis. Mukhang may business meeting na naman ang mga ito.

Umupo ako sa harap nila at nagsimula na ding kumain.

"Anak, we are going to a business trip. Stay here as much as possible para di ka mapahamak."  Dad said.

Tumango lang ako at  ipinagpatuloy ang pagkain.

"Don't worry Dad, Mom. May mga upcoming interviews na ako sa iba't ibang companies kaya hindi pwedeng nasa bahay lang ako."

"Really darling? Fine, go home after interviews. Hindi ka namin laging mababantayan ng Dad mo at mag-ingat ka dahil hindi natin alam kung may nagmamanman na sa iyo."

"Yeah, kung pwede lang may magbantay sayo na bodyguard ay gagawin namin but we know na ayaw mo nun kaya I need you to stay safe."

"I got it mom, dad. No need to worry, I can handle myself."

"We can't assure that but please be safe. Oh aalis na kami ng Dad mo at baka maiwanan pa kami ng eroplano."

"Okay po, ingat din po kayo."ngiti ko sa kanila at hinalikan silang dalawa sa pisngi.

Nang makaalis na sila ay bumalik na ako sa kwarto ko. Pumili ako ng maayos na damit para mamaya, pupunta uli kasi ako sa hospital para kunin ang result ng general check-up ko kay ninang.

Nang makapili na ay ginamit ko ang tub at tumambay sa bathroom ng halos dalawang oras. Nakatulog din ako dahil sa lamig ng tubig.

Pagkatapos ay nagbanlaw ako at naligo na. Mukhang napasarap ang pagbabad ko kaya di na nakita ang oras.

Bumaba na ako at pumunta sa sasakyan, nagdrive na patungo sa hospital.

Kumatok agad ako sa office ninang at binuksan. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Mukhang napaaga ang punta mo iha ahh." Umupo ako sa harap niya.

"Ahh yes ninang, wala naman po kasi akong gagawin kaya pumunta na lang ako dito. Okay na po ba yung result?"

"Ah yes, nakuha ko na kanina. I have a good news iha."

"Ano po yun? Wala po akong sakit?" Ngiti kong wika sa kanya.

"Obcourse you are iha. Lahat ng test mo ay negative at mukhang may isang nagpositive."

"A-ano po yun? May sakit po ako? Magagamot naman po agad diba?"

"No need to panic iha. Here, ikaw na ang tumingin. Congratulations iha, I didn't know na may boyfriend ka pala."

Nakangiting ibinigay ni ninang ang isang emvelope. Tinignan ko muna ito bago buksan. Ninang is smiling the whole time, bakit niya ako kinangcongrats eh may nagpositive na isa-"

"Fuck-" di ko na natuloy ang sinabi ng makita kung ano ang nagpositive. Damn test, sa dinami dami ng test bakit ito pa ang nagpositive.

I'm fucking pregnant for God sake. Bakit nangyari ito? Akala ko ba hindi ako buntis? Eh negative yuny dalawa tapos isa lang yung positive.

Nabitawan ko ang papel sa panginginig. Bakit? Paano nangyari? Shit, shit ano ng sasabihin nila Mom and Dad dito? Anong sasabihin ko sa kanila? Hindi pa ako handa, damn.

"A-ah ninang baka mali lang ang result? Paano po ako mabubuntis kung wala naman po akong boyfriend?" Pinagpapawisan na ako, nagaalinlangan pa akong ngumiti sa kanya.

"Naku? Wala ba? Pero yan ang lumabas sa results. Did you did it to someone? Or may gumalaw ba sayo? Tell me."

"A-ah no ninang. Please don't tell this to mom and Dad. Papatayin nila ako ninang!" Napatulo na ang luha ko sa nangyayari.

"Why? You should tell it to your parents-  fine, I won't tell it. Basta sasabihin mo sa kanila pag handa ka na." Pagaalo sa akin ni ninang.

"Wag ka ng umiyak, makakasama yan sa bata. I will give you the contact of your tita Jane, she's an obgyne. Kailangan mo ng magpacheck-up at para mabigyan ka na ng vitamins. You should go home now at magpahinga na. You should not stress yourself." Nag-aalalang tumingin sa akin si ninang.

Tango lang ang naging sagot ko hanggang sa tumahan ako sa pag-iyak. Hindi ko matanggap na magkakaroon na ako ng anak. Hindi ko pa kaya, hindi pa ako handa.

"I'm going ninang." Dinaluhan niya ako palabas ng hospital at inalalayan.

One Night MistakeWhere stories live. Discover now