I was still shocked dahil nandito si Grayen. Hindi naman siya nagmessage sa akin na pupunta sa bahay atsaka di ba winalkoutan niya ako kahapon, anlakas ng loob nito na pumunta sa pamamahay ko."I see Mr. Evans." Sumulyap muna sa akin si tito bago siya tumingin muli kay Grayen. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Nakipagkamay sila sa isa't-isa at napakaseryoso ng dalawa. Oh Gosh, bakit ngayon ka pa pumunta.
"So what will you do to my dearest nephew now?" Seryosong sabi ni tito. Woah, bakit mas naging seryoso bigla ang atmosphere?
"I will marry her sir if that's what you want." Napatingin ako sa kanya. What the hell? Sabing ayaw ko magpakasal eh.
"Fine then. Marry her for the sake of the child." Nanlalaki ang mata kong tinignan si tito. He can't decide just like that, ako pa din ang masusunod.
"Okay, settle the date and it will be done." Fuck, ano to? Business pa din? Shit, no, no. Hindi pwede to, I don't want to marry that I didn't love.
"Okay, what do you think Leanne?" Tumingin sa akin si tito. Pareho silang naghihintay ng sagot ko.
"No. Walang kasal na magaganap." Diretsong sabi ko.
"Why Leanne? Mas makakabuti yan sa dinadala mo. What if someday magtanong yan sayo bakit hindi ka nagpakasal sa ama niya, may masasagot ka ba?" I was silent for a moment. It was like a bullet pierce in my heart, fuck this life.
"I don't want to marry if there's no love is between us. Mas okay ng malaman ng bata ang totoo kesa naman magpapakasal ako sa taong ni hindi ko naman kilala." Iwas kong sagot, I need to say this kesa naman maipakasal ako.
"Leanne, wake up! This is the reality. You're being selfish to the child. And what do you mean by that?" Kunot noong sabi ni tito. Tumingin muna ako kay Grayen na nakatingin na sa akin. Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"It's just a one night stans tito, happy? Be thankful na lang na pinanagutan niya ang bata, and I'm already fine with it." Napahawak ako sa ulo dahil kumirot ito ng kunti. The heck, naiistress na naman ako.
Napaigtad ako ng biglang may humawak sa akin sa braso. Napatingin ako kay Grayen na seryosong nakatingin sa akin ngayon.
"Are you okay?" Tumango lang ako at tumingin kay tito. Nanatiling tahimik itong nakatingin sa akin.
"Yes, and that's my final decision tito. Pumayag na akong sa bahay niya titira but no marriage involve. Please, respect my decision." Napabuntong hininga si tito sa sinabi ko at tumango na lang.
"Fine, if that's what you want. Basta if you need help, just contact me and take care of yourself." Napatingin siya sa relo at muling napabuntong hininga.
"I need to go now dahil malalate na ako sa appointment ko."
Tumayo siya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko gaya ng ginagawa niya kapag aalis na siya. Napangiti naman siya nang makitang napasimangot ako sa ginawa niya. Ayoko sa lahat na ginugulo ang buhok ko, hays.
"Bye now Leanne. Grayen come to my office tomorrow." Matalim na tumingin si tito kay Grayen bago umalis. Tumango lang din siya at tinignan si tito hanggang sa makaalis. Tumingin naman siya agad sa akin ng mawala na sa amin sa paningin si tito.
"When will you start to live in my house?" Napaiwas naman ako agad ng magtama ang paningin namin. Shems, bakit bigla akong nahiya sa kanya.
"I decided today kasi madami na akong gagawin sa susunod na araw." Pinanliitan niya ako ng mata ng marainig ang huling sinabi ko pero napabuntong hininga na lang siya.
"Okay, did you pack your things?" Tumango lang ako at pumunta sa dining area. Sumunod naman siya sa akin. Lahat ng madadaanan naming mga maids ay yumuyuko sa akin, napailing na lang ako dahil hindi pa din ako sanay na ginagawa yun.
"Did you already eat? Sumabay ka na sa akin?" Hindi siya sumagot pero tumabi siya sa akin sa hapagkainan.
"Manang, mga ate tara sabayan niyo na kami." Nginitian ko sila at niyayang kumain, paniguradong hindi pa sila kumakain.
"Ahh hindi na po Ma'am, mamaya na lang po kami kakain." Sagot ni Manang.
"No, no. Sabayan niyo na ako habang mainit pa ang almusal." Nahihiya namang umupo sila sa harapan namin at nagsimulang kumain.
Ngumiti lang ako at nagsimula na ding kumain. Sumulyap ako kay Grayen ng makitang nakatitig na pala siya sa akin.
"What?" Napailing lang siya at ngumisi sa akin. Eh? Anong ginaawa ko naman, hays.
![](https://img.wattpad.com/cover/96231374-288-k377045.jpg)
YOU ARE READING
One Night Mistake
Lãng mạn"One stupid mistake can change everything." One Night Mistake @Romance By: peacejeon