"Bakit ka nandito?" Nanatiling nakatingin ako sa kawalan. Wala akong ganang makipagtalo sa kanya ngayon."Why you didn't tell me?" Kunot noo niyang tanong sa akin. Walang pake akong tumingin sa kanya at muling ibinaling muli sa kawalan ang tingin.
Humiga ako at ipinatong ang ulo sa mga kamay. Mom, Dad please be safe. Hindi ko pa kaya, hindi pa ako ready, please.
Tila napagod na ang sariling mga mata at wala ng lumalabas na luha. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Gumalaw ang higaan at medyo lumapit siya sa akin.
Hindi naman ako gumalaw sa higaan at wala na naman sa sarili. Ano ng gagawin ko? Ako na ba ang hahawak ng kumpanya? Paano naman ang baby ko? Sabing maselan daw ang pagbubuntis ko. Hays, bakit ba sabay-sabay ang problema ko? Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip.
Nagising ako ng maramdaman ang gutom. Igagalaw ko na sana ang kamay ko ng maramdamang may mabigat na nakahawak dito. Natigil ako ng makitang nakayukong nakatulog sa tabi ng higaan si Grayen.
Bakit siya nandito? Diba dapat umuwi na lang siya? Wala naman siyang gagawin dito, tsaka wala naman siyang pake sa akin- hays, oo nga pala, siya ang ama nitong dinadala ko.
Ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti, napakagwapo niya pala talaga. May matipunong katawan, mapungay na pilikmata, matangos na ilong, mapanga at manipis na labi. Swerte din pala na siya ang nakabuntis sa akin dahil paniguradong maganda o gwapo ang magiging anak namin.
Hays, pero hindi dapat ako maging masaya dahil wala namang pagmamahal na namamagitan sa amin. Dapat lang ilayo ko ang sarili at wag ng mahulog pa. Mahirap na, nandito lang naman siya dahil sa anak niya at hindi sa akin.
Mapait akong napangiti sa naisip, wala ng magmamahal sa akin ng totoo. Nawala na lang bigla ang mga magulang ko ng hindi ko nalalaman. Nawala sa akin lahat, puro sakit na lang ang dulot ng tao sa akin.
Itinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya. Dahil doon, nagising siya. Iniwas ko agad ang paningin at akmang aalis na sa higaan ng pigilan niya ako.
"Where are you going?" Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Cr." Kinuha ko ang stand ng dextrose ko at hinila ito patungo sa cr. Tinignan niya lang ako hanggang sa makapasok.
Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa cr. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Bakit nakakapambilis ng tibok ng puso ang tingin niya. Nakakainis!
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Mukhang nanaba ako ahh, tinaas ko ang hospital dress para makita ang tiyan. Napangiti ako ng may little bump na ako.
Totoo nga, magkakaanak na ako. Hinimas ko ito ng maramdamang naluluha na naman ako. Magiging mabuting ina kaya ako sayo, anak? Kakayanin kaya ni mommy lahat ng unos na ito? I really hope so, kapit lang anak ha.
Ibinaba ko na ito at umihi saglit. Naghugas ako ng kamay bago lumabas.
Nakita kong may inaayos siya, mukhang pagkain.Lumapit ako sa kanya at umupo sa higaan, nilapag niya naman sa akin ang mga dala niyang pagkain. May mga prutas din sa table, napangiti naman ako dahil dito.
"Do you want this food? Sorry I don't know what you want so I just did buy what's available there." Napakamot naman siya sa batok niya. Napangiti na naman ako, nakucutan kasi ako sa kilos niya.
"Yeah, you should eat too. Madami naman itong dala mo." Tumango naman siya at inayos ang pagkakaupo niya.
"So, since when you know that you're pregnant?" Pambabasag niya sa katahimikan.
"Just yesterday." Nalungkot na naman ako ng maalala yun. Pagkatapos ko lang malaman na buntis ako, tsaka ko din naman nakita ang balita. Napabuntong hininga ako.
"Don't worry about it. I will give you everything you need. We can get married if you want" nanlaki naman ako sa narinig. Anong marriage ka diyan! Ni hindi nga pumasok sa isip ko na magpakasal.
"No, do whatever you want. Hindi naman kita pagbabawalan na makita yung anak mo." Sounds akward but yeah, anak niya nga ito.
"Then you can live in my house then?" Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya.
"Why? No, I have my own house." Di naman ako makatingin ng maayos sa kanya, gosh bakit naman siya biglang magtatanong ng ganyan.
"Obcourse you need to live in my house or I'm the one who will live in your house. Paano kita mababantayan? What if may nangyari sayo?"
"I can handle myself, tsaka hindi naman ako laging nasa bahay. I think I need to handle our company for now b-because, hays."
"What? You can't, you're pregnant for God sake. Paano kung mapaano ka? Maselan pa naman ang pagbubuntis mo." Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.
Hays, hindi naman pwedeng ganun lang yon, wala sila Mom and Dad ngayon at wala naman akong mga kapatid para ihandle yun. Wala din naman akong maasahan, sa akin lahat bagsak ang trabaho kaya no choice din ako.
"Fine, I will live in your house but I will still go to work. Hindi pwedeng iwanan ko yun basta basta."
"Hindi ba pwedeng iba na lang ang maghandle niyan? You making it more difficult!"
"No, Di na magbabago ang isip ko. You choose, I'm going to live in your house and work o magkalimutan na lang tayo at isiping wala kang anak?"
"Tss, fine. You leave me no choice, pwede ka na daw makalabas bukas." Tumango lang ako sa sinabi niya.
Hays, I really hope so this would work. Natapos kaming kumain at nagpahinga na, I'm sleepy at dulot na din ito siguro ng pagbubuntis

YOU ARE READING
One Night Mistake
Romansa"One stupid mistake can change everything." One Night Mistake @Romance By: peacejeon