"Hmm, I see." Nakapangalumbabang sabi ni Liam.Lalo akong kinakabahan dahil sa reaksyon niya. Bakit di niya na lang kasi sabihin, ilang minuto na kaming naghihintay pero di pa din siya nagsasalita. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa stick.
"Hmm." Sabay tango niya. Aba't bakit hindi niya na lang sabihin kung anong resulta? Bakit kailangan niya pa kami pakabahin ng ganito? Sa pagkakaalam ko limang minuto lang bagi lumabas kung positive o negative.
"Fuck you, just tell us what's the result?" Napaka, anlutong pa magmura ng isang ito. Gosh.
"Bro, relax. I should take some test to you Leanne. The 2 stick is negative while the other one is positive." Sabay tingin niya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Negative naman pala ang dalawa, malay mo may sira yung isang stick diba?
"No need, baka may sira lang yung isa kaya nagpositive. Tsaka wala naman akong nararamdaman na kahit anong symptoms." Ngumiti muna ako sa kanila bago tumayo.
"But what if-"
"Hindi mangyayari yan. Kung buntis talaga ako bakit wala akong nararamdaman? Ni hindi naman lumaki ang tiyan ko o nanaba? See? Walang pinagbago diba? Gosh you're overreacting dude. If kung meron man; you don't need to be responsible, it's just one night stand, right?" Nginitian ko lang siya tsaka umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng hospital. Sobrang kinabahan talaga doon.
Pero paano kung buntis talaga ako? Anong gagawin ko? Lalo na at nagpositive ang isang pregnancy test. Gosh, anong gagawin ko?
Hays, makauwi na nga lang sa bahay. Nakakapagod naman itong araw na ito.
Umuwi ako sa bahay at natulog maghapon. Nang kinagabihan, tinawag na ako ng yaya para makakain ng dinner.
Bumaba na ako at nakitang nakauwi na pala si Mom and Dad. Mukhang walang masyadong trabaho ngayon ahh.
"Oh darling, mukhang napahaba ang tulog mo ah? San ka na naman ba pumunta?" Binasag ni Mom ang katahimikan.
"Ahh namili po ako ng mga damit at sapatos." Nakayuko kong sabi. Naku, mabubuking ata ako ng maaga.
"Damit? Sapatos? Para saan? Diba ang dami mo pa diyang damit at sapatos? Hindi mo pa nga halos nagagamit ang iba."
"Ahh kasi po magtatrabaho na po ako."
"Trabaho? That's great darling. Matagal na naming hinihintay na hawakan mo ang company." Dad said while smiling at me.
"A-ah no Dad, I'm going to work to other company. I want to have experience first before I handle and manage the company."
"What!? You can have the experience you want in the company. Bakit kailangan pa sa iba? We're getting older darling, and soon enough baka hindi na namin kakayanin." Nagpapaawang sabi ni Mom.
"Come on Mom, wait patiently. Just trust me."
"Anong company ka magtatrabaho? Make sure na maganda yan." Sabi ni Dad.
"Wala pang tumatawag sa akin for interview but I will make sure it Dad."
"Fine, just don't make it any longer. And please find a husband darling, tumatanda na kami at baka hindi na namin makikita ang magiging apo namin kung hindi ka pa mag-aasawa." Dugtong ni Mom.
"What the? Mom I'm only 22 you know and I still have many plans for my single life. Just wait, don't make me rush things."
Dumating ang mga dessert na dala-dala ng mga kasambahay. It was a vanila cream creep cake, which was my favorite.
Kaso ng nilapag na sa harapan ko ang pagkain ay bigla akong naasiwa. Parang ayaw kong kainin at parang nakakadiri.
Tumayo na ako at pinagpag ang lap ko.
"I'm done, I want to rest."
"Huh? Why? Di mo pa nagagalaw ang favorite mong dessert. Di mo lang ba titikman to?" Takang tanong ni Mom.
"No Mom, busog na po ako at I'm really tired from shopping." Di ko na sila pinagsalita at umakyat na papuntang kwarto.
Gosh, ano bang nangyayari sa akin? Kailangan ko atang magpacheck-up uli, baka may problema sa katawan ko. Imposible naman akong mabuntis diba? Negative results naman kaya probably iba ito.
Baka kailangan ko lang magpahinga at maggeneral check-up. Naku, baka di pa ako makuha sa trabaho nito pag may sakit ako. Wag naman sana.

YOU ARE READING
One Night Mistake
Romance"One stupid mistake can change everything." One Night Mistake @Romance By: peacejeon