VI

1.1K 74 8
                                    


"Where are we going? Teka yung gamit ko, naiwan ko doon." Hila-hila pa din ako ng lalaking ito patungo sa kung saan man.

Binalewala niya lang ang sinabi ko at hinila niya ako palabas ng mall. Isinakay niya ako sa sasakyan at hindi ako pinapansin.

Pinalis ko ang luha sa mga mata ko at matalim na tumingin sa kanya. Ano bang problema nitong lalaking ito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ahh.

"Ano bang problema mo!? San mo ako dadalhin? Sumagot ka!?" Sigaw ko sa kanya.

Magsasalita na sana muli ako ng biglang tinakpan niya ang bunganga ko.

"Just shut your mouth bago kita ihulog dito." Napatahimik naman ako sa sinabi niya.

Huminto kami sa parking lot ng isang hospital. At ano naman ang ginagawa namin dito? May sakit ba siya? May bibisitahin? Gosh, bakit pa kasi ako sinama ng isang to akala mo naman kilala ko siya.

Bumaba na siya ng sasakyan at nanatili lang ako sa loob. Nakacross arms lang ako at nakakunot ang noo. Ano ito? Paghihintayin niya pa ako?

Umikot siya at binuksan ang pinto ko. Yumuko siya para makita ako.

"What are you still doing? Get out!" Sabay hila niya sa akin.

Napasunod naman ako sa ginawa niya. Hinila niya lang ako papasok sa hospital at pumunta sa hindi ko malamang parte ng hospital.

"Is Liam Falcon here?" Tanong niya sa nurse na napadaan.

"Ah yes sir, he is in his office now." Tumango lang si Grayen at hinila muli ako sa isang kwarto.

Binuksan niya to ng walang katok-katok man lang. Napakawalang galang naman ng lalaking to.

"What the! What are you doing here bro!?" Sigaw ng lalaki.

Napaiwas naman agad ako ng tingin ng makitang nakapatong ang isang nurse sa lap ng lalaki at natigil lang ang paghahalikan nila ng makita kami.

Napatayo naman agad ang babae at napaayos ng damit. Tsaka siya dali-daling umalis sa kwarto. Napausog pa ako ng magtama ang paningin namin. Nahihiya naman niyang iniwas ang tingin sa akin.

Pumasok naman agad si Grayen at umupo sa upuan sa harap ng lalaki. Sumunod din ako dito at umupo.

Panay tingin ko lang sa dalawa dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko dito. Mukha ba akong may sakit? Eh kung magpapacheck-up siya, pwede naman niyang hindi ako isama diba.

"Test her."  Malamig na sabi ni Grayen

"Fuck, what do you mean bro? You just ruin my day." Napahawak naman sa ulo ang lalaki at binato ang ballpen na nahawakan niya.

Umiwas naman agad si Grayen at tinignan lang ito ng malamig.

"Just do whay I say." Sumulyap siya sa akin at bumalik muli ang tingin niya sa lalaki.

Shit, bakit ako? Wala naman akong nararamdamang masakit sa akin? May sakit ba ako na hindi ko alam? Bakit ba concern na concern tong lalaking ito.

"Ano bang itetest ko sa kanya? Anong masakit sa kanya? Just get straight to the point bro." Ngumiti ito sa akin at inilahad ang kamay.

"Sorry Miss, Liam Falcon nga pala." Sabay kamot sa batok.

"Leanne Zaira Alpizar." Ngiti ko sa kanya at nakipagkamay din.

Nang aalisin ko na ang kamay ko ay mahigpit nitong hinawakan ito. Nakangiti ko pa din siyang tinignan at pilit tinatanggal ang kamay.

Hinawakan ni Grayen ang kamay ko at ipinaghiwalay ang mga kamay namin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa ginawa niya.

"Just stop it, Liam. Do some test if she is pregnant." Napabitaw agad ako ng marinig yun. Nanlalaki ang mata ko ng tinignan siya.

Anong pregnant? Bakit naman ako mabubuntis eh hindi naman-, shit bakit ko hindi naisip yun. 3 buwan na pala simula may hindi inaasahang nangyari sa aming dalawa.

Fuck, ang tanga mo naman Leanne. Sumulyap sa akin si Liam at tumingin muli kay Grayen.

"Nabuntis mo siya bro? Naks ang galing mo talaga." Umalis siya sa kinauupuan niya at tinap ang balikat ni Grayen.

"Stop it, just do your fucking work." Masungit na sabi nito. Grabe namang lalaking ito. Siya na nga ang humihingi ng favor, siya pa ang galit.

Umalis saglit si Liam at bumalik na may dala dalang tatlong maliit na sachet. Ano yun?

"Here, it's a prenancy test. Just put some droplets of your urine in here then gave it to me after." Ngiting sabi nito sa akin.

Kinuha ko naman ito sa kanya at nagaalinglangang ngumiti.

May karapatan pa ba akong ngumiti kung baka- b-baka buntis ako. No, hindi pwede. Madami pa akong pangarap sa buhay, huhu.

Pumunta agad ako sa restroom at ginawa ang ininstruct niya sa akin.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi naman ako buntis diba? Wala naman akong nararamdamang symptoms. Sana talaga, patay ako nito kela Mom and Dad pag nagkataon.

I looked at myself for how many minutes bago mapagdesisyunang lumabas.

One Night MistakeWhere stories live. Discover now