X

1K 51 9
                                    


Palabas na kami ng hospital ng biglang may nagflash na news sa tv.

"Isang eroplano ang namataang nagcrash sa isang gubat sa Indonesia. Sinasabing patungo ang eroplano sa United States ng biglang nagkarooon ng problema sa nasabing eroplano. Namataang mahigit 500 ang namatay na pasahero sa nasabing insidente..."

Napatulala na lang ako sa narinig, napaupo ako ng wala sa oras sa panlulumo. Hindi ako makapaniwala.

"Oh my God!" Yun na lang ang nasabi ni ninang ng makita akong napaupo.

Agad kong inilabas ang telepono at akmang tatawagan na sila Mom and Dad nang may unknown caller na tumawag. Agad ko itong sinagot at nagbabakasakaling ang mga magulang ko ito.Dinaluhan ako ni ninang at pinatayo. Inalalayan niya ako at iniupo sa nakahilerang upuan.

"Hello who's this?-"

"Ma'am, yung sinasakyang eroplano ng magulang mo po, nagcrash!" Nanlaki lalo ang mata ko sa narinig. Fuck! Totoo nga!

"No, hindi yan totoo. Buhay pa sila Mom and Dad, mabubuhay sila!"

Bumuhos  ang luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. No, hindi to pwede. Okay lang na pagalitan ako nila Mom and Dad basta wag lang silang mamatay, please oh God.

Pinapatahan naman ako ni ninang at pinipilit kumalma. Pinatay ko agad ang tawag at tinawagan ang number ni Mom and Dad.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage-"

"Fuck, no, no hindi ito pwede." Naghehysterical na ako sa nangyari. Pinagtitinginan na din ako ng mga tao.

Hindi pwede, hindi pwedeng mamatay ang mga magulang ko. Kailangan pa nilang makita ang apo nila, no please.

Napahawak ako sa ulo ng sumakit ito, hindi pa din humuhupa ang mga luha ko. The next time I knew, I black out.

"Iho, ingatan mo siya. Maselan ang pagbubuntis niya kaya kailangan mong alagaan siya ng mabuti." Rinig ko ng magising ang diwa ko.

Hindi ko alam kung sino yung nagsasalita. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at sinanay ito sa liwanag. Nilibot ko ang mata ng makitang hindi pamilyar ang lugar. Napakurap muna ako at inalala kung nasaan ako at anong nangyari.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari kanina, napaupo ako bigla at nagsimulang manginig.

"Mom, Dad" sigaw ko at tumulo na naman ang luha ko. Lumapit agad si ninang ng marinig ako at si Grayen. Si Grayen!

Napahawak ako sa mukha ng maalala ang balita, shit hindi pwede to.

"Iha, kumalma ka baka mapahamak ang bata." Napahawak agad ako sa tiyan ng marinig ang sinabi ni ninang. Niyakap ko agad siya at pilit huminahon.

Pero pesteng luha to, ayaw tumigil. Lumapit naman at umupo sa tabi ko si Grayen. Hindi ko alam kung bakit siya nandito o ano, wala akong pake. Kailangan kong malaman ang kalagayan nila Mom at Dad.

"Ano na pong nangyari kela Mom at Dad?" Nilayo ko ang sarili kay ninang at tinanong siya.

"I don't know, hintayin na lang natin ang tawag ng mga pulis. For now, kailangan mong magpahinga dahil maselan ang pagbubuntis mo." Nalungkot ako sa sinabi niya. Paano kung- k-kung wala na sila? Paano na ako? Paano na yung apo nila? Hindi na nila makikita? Ano ng gagawin ko!?


One Night MistakeWhere stories live. Discover now