1: The Good Stranger

149 1 0
                                    

17 months ago

Nagising ako ngayong umaga at medyo inaantok pa ako ng di ako makatulog dahil excited na akong pumasok sa Greenfield University. As usual, naghanda na ako papuntang school pero mamaya pa kasing mga 10 am ang klase ko. Alam ko na naman kung saang room ako pupunta kasi may website ang school para sa schedule namin.

Mga bandang alas-9 ay umalis na ako ng bahay at nagpaalam na ako kay Mama at baka malate pa ako dahil sa road widening sa dadaanan ko. Pagkadating ko, halos marami-rami na kami sa classroom. Halos lahat sila, may mga kausap liban sa akin.

Makalipas ang ilang minuto na nasa classroom ako, may kumausap naman sa akin.

Nagtanong sya sa akin, "Taga saan ka pogi?". Aba naman talaga at lakas nitong magbiro ah, di mo ako malalandi.

Sumagot ako, "Ah, Taga-San Pedro po, ikaw po ba?".

Sumagot rin sya, "Taga-Arguilles ako Kuya, ang lapit nyo lang pala sa school. By the way, anong pangalan mo?", aba naman at humirit na naman ito para harutin ako haha.

"Drew.", sumagot ako. "Drew? Diba softdrinks yun, Mountain Drew? Hahahaha.", sagot nya na medyo natatawa rin ako kahit corny.

"Ako pala si Kate, 18 years old at nagmula sa bayan ng Arguilles.", at nagpakilala rin sya.

Dagdag nya, "Kuya, wag kang mahiya ah kung may gusto kang sabihin. Simula ngayon ay magkaklase na tayo."

Nagtanong ako para naman may kakilala na ako, "Ah, Kate, bakit mo pala napili ang Law? Talagang gusto mo?".

Sumagot naman sya, "Oo Drew, gusto ko talaga maging abogado. You know what, I am inspired with my Uncle who helps the people that needs justice, and I admire him, kaya napili kong mag-abogasya. How about you?". Wow ha! Talagang nakuha nya pang mag-English.

Sumagot uli ako, "Oo, gusto ko rin para makatulong ako sa pamilya ko pagkatapos, pero ang babaw ng rason na iyon. Lumaki kasi kami sa hirap at kaakibat noon, hindi pantay ang pagtingin sa amin ng mga tao dati kaya naibigan kong maging abogado para matulungan ko na maipagtanggol ang naaapi."

Sa gitna ng aming pag-uusap, biglang dumating ang instructor namin. Sabi niya, hindi daw muna sya magkaklase kasi magkakaroon daw kami ng orientation sa gym para sa mga freshmen.

Medyo excited pa rin ako kasi ang ganda kasi ng pasilidad ng school at kilala ang GU sa mga Pamantasan na laging may topnotcher sa Bar Exams kaya pinangarap ko talaga na dito mag-aral.

At dahil may kakilala na ako, magkasama na kami ni Kate sa tanghalian.

"Drew, tara sa labas tayo kumain.", at nagyaya nga si Kate sa akin na di ko alam kung nakikipagkaibigan lang o nakikipagharutan na.

Tumugon ako, "Pero, may dala kasi akong baon, sayang naman.".

Tumugon naman sya, "Kainin mo nalang yan sa labas, pero ililibre kita. Gusto ko kasing mag-explore muna dito sa paligid ng campus, please.", at nakakahiya naman kasi unang araw, may nanglibre na sa akin, pero sige parang gusto nya atang mag-explore.

"Sige na nga.", at pumayag na rin ako.

May sasakyan daw sya, pero mas gusto nya daw ang maglakad. Pumunta na kami sa mga kainan sa labas ng campus, at habang naglalakad kami sa may maraming photocopy at internet shops, nakabanggaan ko ang isang lalaki.

"Sorry!", sabi nya na tila ay nagmamadali pero saglitan kaming nagkatitigan. Hinayaan na namin ni Kate at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakahanap na rin kami ng isang kainan. Nag-order si Kate ng adobo at dahil may dala akong baon, sinabi ko nalang na kahit anong dessert nalang ang ilibre nya sa akin.

Patuloy kami sa pagkukwento dahil na rin at unang araw ng pasukan, napag-usapan namin yung expectations namin sa school, sa mga instructors at sa mga kaklase namin.

Pagkatapos ay bumalik na kami ng campus para sa gagawing orientation, manghang-mangha pa rin ako sa GU kasi di ko akalain na dito ako makakapasok.

Alam ko kasing medyo di kaya ng magulang ko para dito ako mag-aral pero gagawin ko ang lahat para dito ako magtapos. Sa gitna ng orientation ay napag-usapan ng speaker na may scholarship program, at bigla akong nagka-interes dahil malaking tulong iyon dahil magkakaroon ng 30% na discount sa isang taong tuition fee.

Sabi ng speaker, lalapit daw kami sa opisina nya para kumuha ng form at alamin ang requirements nito kaya nagpasama nalang ako kay Kate para kumuha ng requirements.

Pagkatapos, pinabalik ko muna ng classroom si Kate at kinuha ko ang number nya. Ipapaphotocopy ko pa kasi ang form kasi kailangan ay tatlong kopya ang ipapasa ko, at baka magkaroon na ng klase at pumayag naman sya.

Pumunta akong mag-isa sa labas para magpa-photocopy.

Pagkapunta ko ng shop, nagulat ako at nagsabi sa akin yung bantay doon na "Ikaw?".

Kaya napatanong ako, "Bakit po?".

Sagot naman nya, "Ah, kasi ikaw yung nakabangga ko kanina, di mo naalala? Sorry ah.", oo nga, sya yun.

"Oo nga, ikaw nga iyon, ayos lang iyon. Para ka kasing nagmamadali kanina eh. Paphotocopy pala ako nito, tatlong kopya.", tugon ko.

"Sige po. Pasensya na talaga ah.", sabi nya. Ilang Segundo lang ang inantay ko ay natapos na ang photocopy, at dali-dali na rin akong umalis, baka may klase na.

Pagkarating ko ay tamang-tama rin na dumating ang instructor namin. Buti at nagpakilala lang muna ng mga sarili kasi 30 ata kami sa isang klase, at ganun rin sa dalawa pa naming subjects at ayun, uwian na.

"See you tomorrow, Drew." nagpaalam sakin si Kate.

"See you din", tugon ko at sumakay na sya ng sasakyan habang ako ay naglakad lang.

Binabagtas ko ang isang madilim na bahagi papunta ng palengke para mamili lang sana ng mga gamit sa school nang may biglang lumapit sa akin na dalawang lalaki at itinapat sa tiyan ko ang isang kutsilyo.

Sabi nya, "Akin na gamit mo, kung hindi sasaksakin kita!", medyo natakot na ako pero mas natakot ako pag sasaksakin ako kaya wala akong nagawa kundi ibigay sa kanila ang bag ko.

Dala-dala ko ang malaking bahagi ng ipon ko doon, pero mas mahalaga na ligtas ako. Paalis na sana ang dalawa nang may nakasaksi sa mga nangyari.

"Hoy, anong ginagawa nyo?", patapang nyang sabi sa mga lalaki.

"Bakit, anong pakialam mo? Gusto mo yatang masaktan!", at bigla nyang sinuntok ang dalawang lalaki kahit may hawak pa itong kutsilyo, tumagal ng mahigit tatlong minuto ang labanan nila.

Medyo mapanganib dahil may hawak na patalim ang isa sa kanila, ngunit buti na lang at nahawakan nya ang kutsilyo at itinapon ito sa malayo. Pero dahil mag-isa lang sya, at tila napagtulungan na sya, binitawan ko na ang bag ko, at sinuntok ko yung isa pa.

At dahil doon, bugbog sarado ang isa sa kanila at umalis rin kalaunan na walang nanakaw galing sa akin.

"Buti nga sa mga iyon.", sabi ng lalaki.

"Sandali, ikaw na naman?", yung lalaki na namangnakabanggaan ko kanina at yung bantay sa photocopy shop.

"Oo, ako ito ulit. Parang sinusundan mo ko ah.", sabi nya sa akin.

Sumagot naman ako, "Aba! Parang ikaw nga tong sunod ng sunod sa akin na nasundan mo ako dito."

Gumanti sya, "Aba dapat nga magpasalamat ka nga sa akin at kung hindi, nanakawan ka na.".

Kaya tumugon ako, "Oo na, Salamat at may mabuti palang estranghero na gaya mo! Pero sandali, may pasa ka.".

"Ok lang to, wala to.", tugon nya na tila ba aywalang nangyari.

"Nako, halika. Dumaan ka muna sa amin, at buti may first aid ako doon sa bahay.", sabi ko at nag-aalala din naman ako. Pero sabi nya, "Ok nga lang to."

"Aba naman at matigas ang ulo mo, bubugbugin kita lalo gusto mo?".

Sabi nya, "Sige na nga.", at bumyahe na kami papunta ng bahay.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon