15: Confessions of Carlo and Dave

29 0 0
                                    

Dave's POV

Pauwi na ako galing ng Team Building ng Engineering Department nang bigla kong makita si Carlo sa daan, kaya nagkamustahan kami.

"Bro!"

"Uy, Bro! Kamusta?", masayang tanong ni Carlo sa akin.

"Ayos naman! Nakakapagod pala yung apat na araw na Team Building, pero masaya pa rin kasi marami akong nakilala pa sa department namin. Pa saan ka na pala?"

"May pupuntahan lang sana ako pero di naman ganoon ka-importante. Sandali, pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?", nagtaka ako.

"Basta.", kaya umupo muna kami sa waiting shed.

Pagkaupo namin sa waiting shed, deretso nya akong tinanong. "Kayo ba ni Drew?"

"Hindi. Pero, gusto ko sya.", confident pa ako sa sagot ko.

"So, ano ka ba talaga? Gay? Bi? Or Pansexual?", at doon na ako nailing sa sunod nyang tanong.

"Ah, di ko alam eh. Basta ang alam ko, pag nagkagusto ako, wala akong pakialam kung babae ka o lalaki, or what."

"So, Pansexual ka nga?"

"Bakit? Ikaw, kung tatanungin kita? Ano ka ba?", pabiro kong tanong para makatakas ako sa tanong nya.

"Yung totoo? Dave? Bakla ako?", at di ko naman akalain na seseryosohin nya tanong ko.

"Ha? Weh?", sabay tawa ko.

"Oo nga.", at talagang kita ko na seryoso sya sa sagot nya.

"Ala, pinagtitripan mo lang ako eh. Plano nyo to ni AJ no?", baka may pinaplano lang sila.

"Hindi. Nagsasabi ako ng totoo. Bakla ako. Gay, period. Gusto mo ng ebidensya?", nagulat ako nang bigla nyang nilambutan ang kanyang galaw at pananalita.

"Ay! P*t*ngina, totoo nga!", napamura nalang ako.

"Walang makakaalam nito ah. Ikaw lang.", bigla naman syang bumalik sa barako at matigas nyang pananalita.

"Kahit si AJ? Di to alam?"

"Kahit parents ko, hindi alam. Ikaw lang ang una kong sinabihan nito dahil pakiramdam ko, kagaya kita."

"Ah. Hindi naman sag anon. Siguro, parehas lang tayo na na-aattract sa lalaki pero I will never do that."

"So, balik tayo sa tanong ko. Ano ka ba talaga?", at bigla naging tensyonado ang aming usapan.

"To be honest Bro, di ko din alam. Ang malinaw lang sa akin, gusto ko si Drew.", talagang di ko alam kung ano ang sexual orientation ko at di ko pa yun tinatanong sa sarili ko.

"Pero, ang bilis naman Dave. Isang buwan palang tayo magkakakilala pero nagustuhan mo na agad si Drew."

"Kilala ko na sya kahit di pa nya ako kilala.", oops! Nadulas ako dun ah.

"Hah?"

"Basta.", nagpalusot nalang ako.

"Pero Bro, sinasabi ko sa iyo. Nakakahalata na sila Gio at AJ."

"Paano mo nasabi?"

"Si Gio kasi, nagtanong na sa akin kung may napapansin ba ako sa iyo. Nagsinungaling lang ako na wala. Pero Bro, hindi nagugustuhan ni Gio na ganyan ang pakikitungo mo kay Drew.", bigla akong nainis sa sinabi ni Carlo. Ano bang pake nila kung ganon ang pakikitungo ko kay Drew.

"O, si AJ naman? Pano mo naman nasabing napaghahalata na ako?", pagalit ko nang tanong.

"Kilala ko si AJ, kahit Senior High School pa lang. Mas grabe yung observation senses nun. It's a miracle na two years na kaming magkakilala, pero di pa nya ako napaghahalatang bakla ako kasi kahit sa bahay, talagang matikas ako. Natatakot lang ako na baka iwasan na nya ako pag nalaman nyang bakla ako kasi ayaw pa naman nya na magsisinungaling ka sa kanya."

"Ano kaya ang mangyayari pag nalaman nila ang mga sikreto natin? Tatanggapin pa kaya nila tayo bilang kaibigan? Kasi si Kate, alam nya kasi ang tungkol sa amin ni Drew.", tanong ko.

"Di ko lang alam. Pero once na nalaman nila ang lahat ng ito, doon natin malalaman kung tunay ba silang kaibigan o hindi. Sana di tayo umabot sa point na mabubuwag tayo dahil lang may kanya-kanya tayong pananaw sa buhay."

Bigla akong naawa kay Carlo, na gusto lang naman ay ang matanggap siya bilang siya kaya sinabi ko nalang,

"Basta Bro, o Bes, o kung ano man yan, tandaan mo na tanggap kita kahit na maging sino o ano ka pa man.", at bigla syang naiyak at niyakap ako.

"Alam mo, first time ko yun marinig na may tumanggap sa akin kahit ganito ako. Maraming salamat Dave, at ikaw ang unang nagsabi noon.", at tuloy pa rin sya sa pag-iyak nya.

Madali lang sa atin ang humusga ng tao pero di natin alam na mahirap ito at masakit sa part ng mga hinuhusgahan natin kaya marami sa atin, nagpapanggap para lamang ma-accept ng mga taong nasa paligid nya.

Kahit di natin sabihin in a verbal or written na paraan, nahuhusgahan pa rin natin ang isang tao dahil sa mga kilos na pinapakita natin sa tao, sinasadya man o hindi.

Hindi ko rin naman masisisi ang mga nag-jujudge sa atin kasi mahirap din ang maging sensitive sa mga bagay na di natin maiintindihan kahit kailan at naaayon sa ating paniniwala o perspective sa buhay.

Para kasi sa atin, wala lang naman iyon pero para sa iba, ito ay isang malaking issue na maaring magpawala ng kumpyansa sa kanilang sarili.

Pero naniniwala ako na kahit maraming mapanghusgang mga nilalang sa ating paligid, alam kong may isang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan natin, at yung ang nakakataas pa sa atin. Alam kong di nya tayo pababayaan. Dasal lang. Dasal ka lang sa kanya palagi.

Bigla akong nagdrama, haha. Pero kasi, bigla kong naramdaman si Carlo sa pinagdadaanan nya.

"Tahan na Carlo. Tahan na.", pinakalma ko nalang si Carlo kahit na medyo naapektuhan rin ako.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon