2: Dito Ka Muna

82 0 0
                                    


Pagkarating ko sa bahay, nakapagluto na si Mama ng masarap na masarap na sinigang na bangus.

"Mano po.", nagmano ako kay Mama, at maging ang kasama ko rin. "Oh anak, unang araw palang, may barkada ka na ah.", sabi ng Mama.

"Hindi po, kaibigan ko po, eh muntik po kasi akong manakawan kanina, eh buti po at tinulungan nya ako sa mga magnanakaw.", tugon ko.

"Ah, nako buti naman at niligtas mo anak ko, pero may pasa ka Iho. Anong pangalan mo nga pala Iho?", sabi ng Mama sa kasama ko.

"Ah, Dave po, Maam.", ganti nya at nakilala ko na ang pangalan nya sa wakas. "Nako, Dave maraming Salamat ah, pero sandali, kukunin ko ang first aid para magamot yang pasa mo.", sabi ng Mama.

Habang kinukuha ni Mama ang first aid, nagpakilala na rin ako, "Drew pala, bro.", sabay nilapit ko ang kanang kamay ko para makipagkamay. "Nice to meet you, bro.", sabi ni Dave at nang dumating si Mama, sabi nya "Dave, Iho. Mabuting dito ka na rin kumain at tamang-tama, kakaluto ko lang ng sinigang.".

Tumugon naman si Dave, "Oh sige po Maam, salamat po kung ganon.". Naaamoy ko na rin ang luto ni Mama at gutom na gutom na ako kaya sabi ko, "Tara na Ma, kumain na tayo. Bro, sali ka na rin sa amin sa hapunan."

Bago maghapunan, ginamot ko muna ang sugat ni Dave, na panay ang titig sa akin. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kasi nilalapit nya mukha nya sa akin na tila ba inaakit ako, kaya nagtaka ako baka bakla to. "Oy, napatulala ka!", sabi ko. "Wala. May naalala lang ako.", tugon nya at naghapunan na kaming tatlo.

Habang sarap na sarap ako sa kain, nagkukwentuhan sila Mama at Dave.

"Taga-saan ka pala Iho?", tanong ni Mama

"Taga-Calaluan po Maam.", sagot ni Dave

"Ah, ang layo pala. Doon ka pa uuwi ngayon? May sasakyan ka ba o wala?", tanong ulit ni Mama.

"Opo, Tita. Nag-cocommute lang po ako pauwi", sagot ni Dave.

"Nako, panigurado wala nang byahe ngayon. Dito ka muna sa amin magpalipas ng gabi. Maluwag ang kwarto ni Drew.", tugon ni Mama at bigla akong napatigil sa pagkain.

"Nako, Ma. Walang problema dyan. Ay bakit pa sa kwarto ko, eh pwede naman sa sala?", napatanong ako.

"Anak, bisita natin yan, nakakahiya oh. Doon mo na patulugin.", sabi ng Mama na medyo may pagkagalit.

"Sige na nga", sabi ko

"Anong course at year mo pala Iho?", tanong ulit ng Mama kay Dave.

"Ah, Civil Engineering po ako. Second year na po.", ani Dave.

"Wow, mabuti naman kung ganon Iho. Ang liit talaga ng mundo ano. Biruin mo, nagkakilala pa kayo ng anak ko kahit pag-aabogado ang kurso nya?", sabi ng Mama nang may tuwa.

"Oo nga po eh.", bigla rin akong napatigil sa pagkain ng mabilis dahil tila ba ay nagiging close na sila ni Mama. Paalala ko lang sayo, tol. Hindi tayo close.

Pagkatapos kumain, inutusan ako ni Mama na maghugas ng pinggan at ipaghanda si Dave ng kanyang matutulugan, pero nagvolunteer si Dave na sya nalang maghugas ng pinggan para makapagpahinga na kami agad, at pumayag naman ako. Pagkatapos, ay nagpunta na kami ni Dave sa kwarto para maghanda sa pagtulog.

"O, diyan ka na bro sa taas, sa baba na ako.", sabi ko sa kanya. Pero pumalag sya, dahil sa luwag nga naman ng kama ko, "Bat ayaw mo dito sa taas at magtabi nalang tayo? Ang luwag ng kama mo eh.". Sumagot nalang ako ng "Di ako komportable na may katabi.", ngunit gumanti rin sya. "Wag kang matakot. Wala akong gagawin sayo. Di naman kita pagsasamantalahan. Haha.". Aba talaga naman, kaya duda ako sa lalaking ito, pero pumayag nalang din ako. "Oo na. Sabagay ay parehas lang tayong lalaki.", sabi ko.

Nakahiga na kaming dalawa, pero patuloy parin ang kwentuhan naming habang nakatitig kami sa kisame dahil nga naman, kakakilala lang namin.

"Anong oras ng klase mo bro? Parang buong araw ay wala kang pasok ah at nasa shop ka lang?", napatanong ako.

"Ah, bukas pa talaga pasok ko. Buti nga dala ko na mga gamit ko.", tugon nya.

"Eh, bat ka nagsisideline pa sa shop? Asan ba mga magulang mo?", tanong ko ulit.

"Alam mo matulog na tayo at maaga pa tayo bukas.", pagalit nyang sabi.

"Sandali. Mamaya muna. Ako'y takang-taka lang ngayon araw at nakakilala ako na wala sa College of Social Science.", sabi ko dahil nga naman ay mula sya sa College of Engineering. "Alam mo bro, hanga ako sayo. Kasi nagagawa mo pa ring mag-trabaho habang nag-aaral. Sa totoo lang, di kaya ni Mama na paaralin ako sa GU at medyo matanda na rin sya. Si Ate naman, may trabaho nga pero may binubuhay na ring pamilya. Pero gusto ko talagang makapagtapos kaya gagawin ko ang lahat, matustusan ko lang ang pag-aaral ko.", at medyo lumungkot na nga ang mga sunod naming kwentuhan.

"Kailangang magtrabaho bro eh. Kahit mahirap, kumakayod ako para sa sarili ko at sa pangarap ko.", medyo nagsimula nang umiyak si Dave, na bihira ko lang makita sa isang lalaki. "Alam mo minsan, sa imbes na mag-review ako, nandon ako sa photocopy shop para lang makatake ng exam at hangga't maari di ako magka-promissory note. Tas Engineering yun Bro ah, ang hirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho."

Hindi man ako umiyak pero bigla kong naramdaman ang sitwasyon ni Dave. "Ayos lang yan bro. Isang araw, makikita mo rin ang mga bunga ng pinaghirapan mo.", pinayuhan ko nalang sya para gumaan ang loob nya.

Tuloy pa rin sya sa pagtangis habang nakatitig lang kaming dalawa sa kisame. "Alam mo, muntik na akong tumigil sa pag-aaral kasi di ko na kinakaya, at pinlano na mag-iipon muna bago bumalik sa pag-aaral. Ang hirap! Di mo alam kung para kanino mo ginagawa ang lahat ng ito. Kaya bro, pahalagahan mo Nanay mo at mga taong nandyan sayo.", at hindi na sya nagsalita pa dahil yun pala, tulog na at di ko namalayang nakatulog na rin ako.

Paggising ko, laking gulat ko na bigla na lang nawala si Dave sa kama, kaya lumabas agada ko ng kwarto. Iyon pala, naghanda na sya ng makakain, at nagwalis pa pala ng bahay ah. Talagang pinakialaman nya kusina at ref naming.

"Oh! Magandang Umaga. Kamusta tulog?", tanong nya.

"Ayos naman, pero di mo naman yan kailangang gawin eh.", pahiya kong sabi.

"Naku! Wag mo nang isipin iyon. Gisingin mo nalang nanay mo at nakahanda na ang pagkain.", sabi nya.

"Sya pala, patingin nga ng pasa mo?", sabi ko. Nilapitan ko sya at tiningnan ko yung pasa nya kung magaling na at Mabuti at gumaling-galing na. Pero nagulat kaming dalawa nang biglang sumulpot ang pusa malapit sa amin, at si Dave ang pinakanagulat. Dahil doon ay parehas kaming natumba at biglang nagkadikit ang mga labi namin. Nanlaki talaga ang mata ko, halik ba iyon?

Bumangon agad si Dave na nakapatong sa akin, at hinila nya rin ako para makabangon, sabay hingi nya ng pasensya. "Sorry, tawagin mo na Mama mo."

Ginising ko na si Mama at maging sya ay nagulat rin sa naging mga ginawa ni Dave kamakailan. "Naku, Iho hindi mo naman yan kailangang gawin. Nandyan naman ang anak kong si Andrew.", sabi ni Mama.

"Ok lang po yun Maam. Alam nyo po, ang saya po kaya na maghahanda ka para sa pamilya mo o kasamahan mo sa bahay.", pangiting sabi ni Dave.

"Naku! Mabait kang bata at responsable. Pwede ka nang mag-asawa iho.", ani Mama.

"Haha! Nako Tita, wala nga ho akong syota, asawa pa ho kaya. Saka, gusto ko munang magtapos ng pag-aaral bago mag-asawa.", sabi ni Dave. Sa tunay, medyo nainis ako sa mga nangyari. Parang silang dalawa ang mag-ina eh.

"Ang mabuti pa, kumain na tayo.", sumapaw ako at para matigil na ang kanilang pag-uusap. Nakapag-almusal ako ng maganda. Masarap din palang magluto si Dave, kaso puro naman iyon prito, pritong hotdog at itlog lang yun eh. Sa akin, pwede lang syang mag-asawa pag marunong syang magluto gaya ni Mama.

Pagkatapos, naligo na rin kaming dalawa. Pinauna ko sya at nako nakakainis na naman. Pag sa ganda ba ng katawan ni Dave, sinong hindi maiinggit na sana ganyan din katawan ko. Pagkalaki-laki ng braso at pormadong-pormado tas may pa-abs pa! Ang tanong ko, paano sya nagkamuscle at nagka-abs na may sideline sya sa photocopy sya samantalang ako na sa eskwelahan lang naman ang punta ay walang ganon, yung sakto lang? Hays! Mamaya na yang ganyang pag-iisip at kailangan ko pang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nakabihis na rin si Dave. Ilang minuto ay nakabihis na rin ako at nagsabay na kami papunta ng skwelahan.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon