5: Masakit na Nakaraan

49 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong magpasukan, at natambakan na kami ng requirements, andaming lessons, photocopies, quiz dito, activities doon, debate dyan at dumagdag pa ang responsibilidad ko bilang isang treasurer ng klase.

Every week akong pumupunta ng office ng mga org para i-remit ang mga pera. Naging kabado rin ako sa mga hinahawakan kong pera kasi kung matatandaan ninyo, muntik na akong nanakawan kaya nagiging maingat rin talaga ako sa paghahawak ng pera.

Simula noon, madalas na rin kaming magkita ni Dave sa photocopy shop dahil doon ako nagpapaphotocopy, mura kasi at maganda ang kalidad ng photocopy doon at bukod pa doon, kilala yung photocopy shop dahil sa kanya lalo at bansag sa kanya ay Photocopy Boy.

Sa una siguro, nayayabangan ako sa kanya dahil aminin na natin, mas gwapo talaga sya sa akin pero di ko nagugustuhan sa una yung mga kilos nya.

May isang araw na nagpaphotocopy ako sa kanya. Kami lang dalawa sa shop nung mga panahong iyon at sabi ko, "Kuya, pa-photocopy naman nito."

Sumagot sya, "Kung maka-Kuya to, parang wala tayong pinagsamahan.", at nilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Nahihibang ka na ba?, wala tayong pinagsamahan uy.", sabi ko.

"Eh, pano yung first day na tatlong beses tayong nagkita? Yung pagpunta ko sa bahay nyo? Yung halik?", tanong nya.

"Hah! Halik lang iyon. Wala iyon.", sabi ko nang patapang.

"Kung sayo wala, sa akin meron!", sabi nya at nanlaki ang mga mata ko sa aking mga narinig.

"Andrew, sa tuwing naalala ko iyon, tumitibok ng mabilis ang puso ko. Alam mo, parang ikaw na lang ang nagiging mundo ko pag nakikita kita.", pahinhin nyang sabi sa akin.

"Alam mo bro, gutom lang yan. Kumain ka muna. Pero, paphotocopy muna nito.", sabi ko at pinatuloy nya ang pagphotocopy ng mga lessons namin.

Sa totoo lang, hindi pa ako nabighani sa kapwa kong lalaki, at ang hirap din isipin na magkakagusto ako sa isang lalaki. Wala namang isyu sa akin kung magkaroon ng same-sex relationships ang mga tao, kahit yung mga tropa ko kasi wala naman silang ginagawang masama, at nagmamahal lang din sila pero malabo yung mangyari sa akin na magkakagusto ako sa lalaki.

Bukod na sa photocopy shops kami nagkikita, madalas rin kaming nagkikita kapag nagkakaroon ng meetings ang Cooking Club, at doon mas nakilala ko sya na mabait at mapagkumbabang-tao. Nakikita ko kasi na may paggalang sya sa mga advisers namin, tapos namamanage na rin nya ang mga taong nagkakagusto sa kanya sa mabuting paraan.

Isang araw din, Sabado na pumunta ako ng shop na walang tao at nag-iisa lang si Dave na bantay, sinabi ko. "Dave, paphotocopy naman nito."

"Sure.", tugon nya.

Napansin kong ang tahimik ng paligid at tanging tunog lang ng makina ang naririnig namin. Kaya nagtanong ako sa kanya, "Ah, bro wala ka bang kasama dito?"

Sagot naman nya, "Ah, wala kasi dito si Boss eh. May nilakad sa Maynila ngayon pero babalik na daw sya bukas. Nagrequest sya sa akin baka pwede ako hanggang 7pm."

Pauwi na sana ako ng bahay pero parang naawa din ako kay Dave, kaya sinabi ko "Sya, dito muna ako. Samahan muna kita."

"Hah? Tapos na ba klase mo ngayon?", tanong nya.

"Oo, tsaka di pa naman ako busy sa ngayon.", sabi ko. Pumasok na rin ako sa loob ng shop pero nandoon lang ako nakaupo kasi maya't-maya ang dating ng mga customer.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon