7: Good Job

28 0 0
                                    

Drew's POV

Makalipas ang ilang araw ay huling araw na ng prelims. May ipapaphotocopy sana ako noong umaga sa labas pero lahat sila ay sarado.

Tanging ang Louie's Photocopy Center kung saan nagtatrabaho si Dave lang ang bukas, kaya wala akong choice. Pagkadating ko doon, marami ring nagpapaphotocopy, pero sumingit ako.

Sabi ko, "Dave, paphotocopy naman nito?"

"Sige, sige. Ilang kopya?", tila di na ako napansin ni Dave sa dami ng customers at tila mag-isa lang sya.

"Ah, tatlo, tatlo.", tugon ko. Nakita ko na medyo hirap na sa pagpapaphotocopy si Dave dahil sa dami ng customers kaya pumasok ako sa kinatatayuan nya.

Medyo naawa ako sa lagay nya at baka bumagsak pa sya sa exam mamaya. May awa rin kasi naman ako sa tao, kasi nahihirapan eh.

"Oh, bakit ka nandito?", tanong nya.

"Tutulungan na kita.", ganti ko.

"Ha? Eh diba may exam ka pa? Baka di ka pa nakapag-aral.", sabi nya habang abala sya sa pag-aasikaso ng mga customers.

"Diba ikaw rin may exam? Oh! Nandito na ako para matapos ka ng maaga at makapag-aral ka naman.", sabi ko. Hinayaan nya na lang ako, kasi di naman nya talaga kakayanin ang dagsa ng customers lalo ang shop lang nila ang bukas noong mga araw na iyon.

Habang nakikipa-usap kami sa mga customers, nag-uusap rin kami. "*kinausap ang customer* Asan nga pala amo mo? Hinayaan ka lang dito eh!", tanong ko.

"Eh kasi, emergency daw. Sinugod daw kasi sa ospital ang kapatid nya. Sabi naman nya sa akin, dodoblehin nya daw bigay nya sakin, kaya di na ako nakatanggi kahit may prelims. *kumausap sa customer*", tugon nya.

"Oh sige! Ako muna bahala dito. Mag-aral ka muna kahit one hour. 1pm pa naman ang klase ko.", sagot nya.

"Sigurado ka?", tanong nya.

"Oo, kesa naman ibagsak mo yung subject mo dahil nandito ka.", sagot ko.

"Sya, Salamat bro kung ganon.", pasalamat nya sa akin. "Bro, sa unang limang photocopies mo, bigyan mo ng extra copy para sa atin.", dagdag nya.

"Hah? Bakit

Tumabi muna sya at nag-aral samantalang ako ang nag-asikaso sa mga customers nila. Malaking tulong na tinuruan ako ni Dave ng proseso ng pagpapaphotocopy lalo na kung maramihan at kung libro ang ipapaphotocopy. Mahirap din pala ang ganitong trabaho, pero masaya kasi atleast nagagalaw mo yung katawan mo.

Buti nga at walang galit na customer dahil sa serbisyo ko na maayos-ayos naman. Lumipas ang isang oras, bumalik na rin si Dave sa kanyang trabaho.

"Oh, tapos ka nang mag-aral?", tanong ko.

"Oo, marami na rin akong nasaulo.", sagot nya.

Di nagtagal, nakabalik na rin sa shop ang kanyang amo. "Oh, Dave! Kamusta ka dito? Bat may kasama ka?", tanong nito.

"Ah, Boss Louie si Andrew pala, kaibigan ko po. Sabi nya kasi sa akin tulungan nya daw ako at napakaraming customers kasi kanina.", ganti ni Dave.

"Nako, tumulong to? Buti hindi palya-palya ang gawa nyan.", pag-aalala ng amo nya.

"Nako Boss, tingnan mo naman mga sample ni Drew. Pulido oh! Tapos ay, malinaw na malinaw kahit yung maliliit na letra. Di ko pala sa inyo nasabi boss, nandito rin sya noong nakaraang araw at nagpaturo sya sa akin. Mabilis nya pong matuto.", pangiting sagot ni Dave.

"Nako, Iho! Good Job ka pala. Mag-usap tayo pagkatapos ng exam mo, pero sa ngayon bumalik na kayo ng GU at doon na kayo mag-aral. Ako na mag-aasikaso dito", sabi nito sa akin.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon