6: Help Me! Please!

33 0 0
                                    

Drew's POV

Pagkatapos ng mga nangyari, di pa rin ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Dave. Sana hindi malala ang mga nangyari. Ang tanging naalala ko lang ay yung mga kwentuhan namin at iyong hinalikan nya ako. Nako naman! Kung naging babae lang si Dave, ayos lang sana yun. Dahil doon, parang ayoko muna syang pansinin.

Buti nalang at napag-usapan na naming ang lulutuin namin sa Culminating Activity para sa Buwan ng Wika kaya wala nang problema. Iniwasan ko na rin ang photocopy shop kung saan nagtatrabaho si Dave dahil sa mga nangyari.

Ilang araw na lang at magsisimula na ang Preliminary Exams, buti at noong mga nakalipas na araw ay nakapag-aral na ako kaya wala nang problema at rereviewhin na lamang ang mga inaral.

Mauuna muna ang exam bago ang culminating activity, kaya didiskartehan ko nalang kung paano ko maiiwasan si Dave. Pagdating ko sa campus para sa klase, tumambay muna kami sa labas kasama sila Gio, AJ, Carlo at Kate dahil noong mga panahong iyon, wala ang aming instructor.

"Guys, nakapag-aral na kayo?", tanong ko.

"May naaral na rin ako kahit papano. Kayo ba?", sabi ni Gio.

"Ah, gumawa lang ako reviewer.", patuwang sabi ni AJ.

"So, nag-aral ka na?", tanong ni Kate.

"Gumawa lang ng reviewer ang sinabi ko pero di pa ako nag-aaral." Sagot ni AJ, at nagtawanan kaming lahat. Laking gulat ko nalang at biglang pumasok sa eksena si Dave na ilang araw ko nang iniiwasan.

"Oy Drew, musta ka na?"

Nagulat si Kate na naroon si Dave sa kinatatayuan naming. "Dave Sanchez?", pagulat na tanong ni Kate kay Dave.

"Oo, pero middle name ko yung Sanchez. Dela Cruz ang apilyedo ko. Bakit kilala mo ako?", tanong ni Kate.

"Kasi, taga-Arguilles ako, at kilala ka ng lahat. Di mo yata ako kilala. Naalala ko pa nga lagi tayong magkalaro noong bata pa tayo.", sabi ni Kate.

"Wait lang ah baka maalala ko! ...." "Kate Dimaculangan? Ikaw ba yan?", tanong ni Dave.

"Oo, ako nga! Kamusta ka na? Ilang taon na kaming walang balita sa iyo.", sabi ni Kate habang nakatingin lang kami sa kanilang dalawa.

"Ah! Sa Calaluan na ako nakatira, pagkatapos ng mga nangyari. Naikwento ka pala sa akin ni Drew.", ani Dave.

"Eh? Magkakakilala lang pala kayo. Ayos ah! Ikaw ata yung tinutukoy ni Drew na nag-meet kayo tatlong beses nung first day. So nagkita na pala tayo. Di lang kita namukhaan.", patuwang sabi ni Kate.

"Haha! Siguro nga.", sabi ni Dave.

Iniharap ni Kate si Dave sa amin at pinakilala nya ito. "Guys, ito pala si Dave Sanchez-Dela Cruz. Anak sya ni Dating Mayor Catherine Sanchez sa bayan naming. Dave, ito pala mga kaibigan naming bukod kay Drew. Ito si Gio (tinuro si Gio), ito naman si AJ (tinuro si AJ), at ito naman si Carlo (tinuro si Carlo).", masayang pagpapakilala ni Kate.

At nagkakakilala na nga ang lahat. Tinanong ko si Dave, "Anong ginagawa mo dito sa Law Building?"

"Ah! Ibibigay ko sana sa iyo to.", inabot nya sa akin ang isang lunch box. "Buti nga nakita kita kahit ilang araw tayong hindi nagkita simula noong ..."

"Ahhh! Oo nga. Salamat pala nito ah." Napabuka ko ang bibig ko at baka kung ano ang sabihin nya sa harap nila.

"Iniiwasan mo ba ako? Drew?", tanong nya.

"Nako, hindi ah! Medyo busy lang talaga ako kasi malapit na ang prelims.", sagot ko.

"Busy ka ba the past days? Parang di naman ah. Tapos ka na naman sa pangongolekta ng mga contributions. Wala ka rin namang masyadong ginagawa. Diba guys?", aba at binuking talaga ako ni Gio.

"Ah, kasi. Madami kasi akong ginagawa sa bahay kaya ganun.", sabi ko nalang.






Dave's POV

At dahil nakita ko rin si Kate Dimaculangan, nagkausap kami tungkol sa mga nangyari after the tragedies. "Ah, Drew, Gio, AJ, Carlo, mag-uusap muna kami ni Dave ah, at namiss ko itong batang ito.", sabi ni Kate.

Nang umalis ang apat, nagkausap na kami. "Dave, bakit sa Calaluan ka na nakatira?", tanong nya.

Sumagot naman ako, "Ah kasi noong Grade 9 ako, nagpakasal na kasi si Tita Charmaine kaya kinailangan nan yang bumukod. Buti nga pinagawan ako ng bahay ni Tita sa property ni Mommy. Tsaka, ayoko ko rin makita ang pagmumukha ng Mayor ninyo. Baka nga nakaabot sayo yung kwento na muntik ko nang patayin si Arnold.", sabi ko.

"Nako, ok lang iyon. Ramdam kita, pero advice ko lang sayo ah, wag kang padala sa emosyon mo. Ipapahamak ka nyan. Always think twice before you take an action so that you will not regret in the end.", abiso nya sa akin. "By the way, pano kayo nagkakilala ni Mountain Drew?", dagdag na tanong nya.

"Mountain Drew?", nagtaka ako.

"Si Andrew. Hahaha. Mountain Drew kasi ang tawag ko sa kanya.", patawa nyang sabi.

"Diba naikwento na nya sayo na nagkabanggaan kami noong magkasama kayo. Kinagabihan kasi non, muntik syang manakawan kaya tinulungan ko sya. Pero dahil may pasa ako non, pinapunta nya ako sa bahay nya para gamutin.", salaysay ko sa kanya.

"Eh pano naman kayo naging close?", tanong nya ulit.

"Ah, kasi magkasama kami sa club, tapos doon rin sya laging nagpapaphotocopy ng mga notes sa pinagtatrabahuan ko sa labas. Pero iniiwasan nya yata ako ngayon.", palungkot kong sabi.

"Hah? Bakit naman?" tanong nya ulit.

"Kasi di ko alam kung may nangyari ba sa amin o wala.", sagot ko.

"Wait. Wait naguluhan ako. Yun lang yun, may nangyari na agad?", tanong nya ulit.

"Ganto kasi iyon. Noong una kong punta sa bahay nila, aksidente kaming nagkahalikan. Tapos the past two weeks, nandoon sya sa shop dahil mag-isa lang ako noon, nandoon pa rin sya hanggang sa pagsara ng shop. Pag-uwi namin, wala na akong masakyan kaya inalok nya ako na doon muna matulog sa bahay nya at mag-inom daw kami, tapos ayun.", salaysay ko kay Kate.

"So, may namamagitan sa inyo? Tama ba ako?", tanong nya.

"Actually, di ko alam Kate. Naguguluhan pa kasi ako coz' I never been fall inlove before. The thing that I only know is I am happy when I see him.", sagot ko.

"Alam mo Dave, just follow your heart. Don't mind those people who will judge your feelings. Just be yourself. Nandito lang ako, na kaibigan mo hanggang ngayon. Pero wait, iniiwasan ka ba dahil lang doon?", sabi nya sa akin sabay tanong.

"Parang ganun nga.", maikli kong sagot.

"Naku! Wag kang mag-alala. Pagsasabihan ko iyon.", sabi nya sa akin.

Tumahimik ng saglit ang "Pwedeng mag-request Kate? Alam kong mahihirapan ako kasi di naman iyon nagkakagusto sa lalaki. Tulungan mo ako please. Hihi.", wala na tong hiyaan at nag-request na ako.

"Sure! Bakit ko hindi tutulungan ang isang anak ng mabait na Mayor. Wag kang mahiyang mag-chat o tumawag sa akin.", masaya nyang saad.

Binigay ko sa kanya ang number ko at binigay nya rin sa akin ang number nya. Sa wakas, wala ka nang takas Babe! Hahahaha. Anlakas at Babe talaga ang tinawag ko kay Drew. Ito ang unang pagkakataon na tumibok ang puso ko sa isang kaibigan, kaya sana ito na talaga.

Ilang minute lang ay nagpaalam na rin si Kate sa akin dahil may klase na sila at bumalik nalang din ako sa classroom namin.

Habang naglalakadako, pinag-iisipan ko na kung ano ang una kong gagawin. Hmmmm! Aha! May naisipna ako.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon