12: Moments with Him (POV from Carlo)

28 0 0
                                    

Carlo's POV

The days passed after the culminating activity, nagulat ako bacause niyaya ako ni Gio na tumambay sa kanila. It was Sunday morning, and good to know na nasa Manila sa Daddy for his work.

"Carlo, free ka ngayon?", he asked.

"Yes, bakit? May problema ba?", I also asked.

"Wala naman. Mag-isa lang kasi ako sa bahay.", he replied.

"Huh? Bakit naman? Then bat di si AJ or si Drew?", I was wondering why me.

"Si AJ at si Kate kasi, di naman sumasagot. Si Drew naman, may lalakarin daw sila ni David.", he replied.

"Ah, ok. Tagpuin mo nalang ako sa highway. Medyo familiar na din naman ako kung saan ang inyo.", and then I quickly prepare to leave.

A minutes later, nakarating na rin ako sa bahay nila. Simple pero I think, masaya na masaya sya dito. Pagpasok ko, napakatahimik naman. Kasi nga probably siya lang mag-isa ngayon.

"Bakit mo pala naisipang papuntahin ako? Saka asan kasama mga mo sa bahay?", I asked.

"Haha! Bored kasi ako bro kaya naisipan kong magpapunta dito. Si Mama at Papa naman, nasa Baguio at dumalo sa kasal ng kamag-anak namin. Eh, ako lang ang naiwan dito.", he replied while I observed the surroundings of the house.

"May problema ba? Sorry ah kung medyo di maganda sayo ang bahay namin at kung medyo mainit."

"Ah, walang problema sa akin. Actually, gusto ko nga itong bahay nyo eh. Kahit tahimik, alam kong simple at laging masaya ang nasa loob dito.", I said softly while looking at the pictures of Gio's childhood and family.

I also added, "Supportive ng magulang mo ano?"

He asked, "Pano mo nalaman?"

"Kitang-kita kasi sa mga litrato na nakakabit sa dingding. Ang dami mong sinalihan na mga events. Ang saya naman.", I said with a smile.

"Lahat naman ng magulang, supportive. Aminin natin merong ibang magulang na hindi ka pinapayagan sa isang field, pero pinoprotektahan ka lang nila at sinisecure lang nila ang future mo.", he said. "Kumain ka na ba?", he added

"Ah, medyo hindi pa. Nagkape lang kasi ako.", I said honestly kasi excited ako na pinapunta nya ako rito, kaya I only took coffee and a piece of bread earlier.

"Sya, umupo ka muna. Ipaghahanda kita ng pagkain ah.", he said and I sat on the chair in their room.

After 20 minutes estimately, he called me. "Carlo, tara kain tayo. Hindi pa rin kasi ako kumakain eh." And since he wants me to join for breakfast, nakikain na rin ako.

The food served on the table is rice, pancit bihon and mango float. Looks delicious! Kaya I said, "Buti pa kayo ditto ganito yung mga pagkain nyo sa bahay."

"Hahahaha! Bakit sa inyo ba?"

"Haha! Puro kasi prito sa amin. Nakakaumay din kaya na puro prito tapos kung ano-ano pa ang makukuha mong sakit.", I said while I eat with a high appetite.

"Bakit? Hindi ba kayo nagluluto ng ganito?"

"Hindi eh. Mom and Dad are always busy with their businesses. Di rin naman ako marunong magluto."

"Eh, bat hindi kayo mag-hire ng kasambahay para may tumulong sayo lalo na pag busy ang Mommy at Daddy mo?", he asked again.

"Ayaw ng Daddy eh.", and then the conversation stops for a while and he talked again.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon