13: Food for You, Coming from Him

29 0 0
                                    

Drew's POV

Isang araw pagkatapos ng midterms na nagtatrabaho ako sa shop, laking gulat ko at wala si Dave. Nasan kaya sya ngayon?

"Boss, wala si Dave. May alam po ba kayo kung nasaan sya?", tinanong ko si Boss Louie.

"Hindi nya ba nasabi sa iyo? Kayo ang laging magkasama ah."

"Wala naman po syang sinabi sa akin eh.", wika ko.

"Nasa team building daw sya ng department nya. Akala ko pa naman alam mo."

"Ah, ganun po ba. Sige Boss. Salamat sa pagsabi."

Nagtrabaho na lang ako kesa alalahanin kung nasaan sya, pero tatawagan ko iyon mamaya. Aba, at di talaga ako inabisuhan na may activity pala sya sa labas ng school.

Makalipas ang ilang oras na nasa shop ako, dumating si Mariel at Wilfred.

"Hi Andreeew. Nagwowork ka pala dito!", sabi ni Wilfred.

"Yup. Badly needed kasi eh. May ipapaphotocopy ba kayo?"

"Meron! Ipapaphotocopy sana namin tong buong libro ng Justice System in the Philippines na book. Ipapa-book bind na rin namin.", wika ni Mariel.

"Sure!". Ngayon lang ako makakagawa nito na buong libro ang pinaphotocopy, and pina-bind nila. Tahimik ako na nagtatrabaho habang may pinag-uusapan ang dalawa.

"By the way, asan pala si Photocopy Boy?", tanong ni Wilfred.

"Ah! Nasa team building daw ng College of Engineering."

"Ahw. Sayang naman. Ang hot hot ng panahon ngayon and then he is not here. How sad naman.", malungkot na wika ni Wilfred.

"Babalik naman iyon dito. Diba Drew?", tanong ni Mariel sa akin.

"Oo naman. Pag natapos na sila sa Team Building nila. Babalik ang inyong pinagkakaguluhan dito sa Louie's Photocopy Shop. Si Photocopy Boy na bukod sa pogi at hot, maganda rin ang kanyang pagseserbisyo sa inyo.", para akong nagpopromote ng products ah.

"Ahy! Gusto ko yan. Yung pagsisilbihan nya ako. Ahhhhw!.", kinikilig si Wilfred sa mga nasabi ko.

"Tanga! Di ka nun pagsisilbihan. Pag sa pangit mong iyan.", sabi ni Mariel kay Wilfred habang tuloy lang ako sa isa-isang pagbuklat ng bawat page ng libro para makagawa ng kopya,

"Grabe ka, ghorl. Masama bang mangarap? Ahhhhh! Siguro, ang sarap nya maging asawa", ani naman ni Wilfred.

Alam nyo, tahimik lang ako dito pero sa kaloob-looban ko, natatawa ako sa mga sinasabi nila. Kaya din pala siguro pinagkakaguluhan ang shop namin kahit nga wala sya ngayon.

Makaraan ang ilang minuto, natapos na rin ang dalawang kopya ng kanilang pinaphotocopy.

"Mariel, ok na.", sabi ko.

"Magkano?", tanong ni Mariel.

Kinuha ko ang calculator at sinabi kong, "117 po isa."

Dali-dali silang bumunot ng kanilang mga pera sa kanilang mga wallet at nagbayad.

"Drew. See you later nalang ah. Wag masyadong magpakapagod at may klase ka pa.", ani Wilfred.

"Ah! Sige, see you. Salamat ah.", at umalis na sila.

Pagkatapos ng aking trabaho, dali-dali kong tinawagan si Dave. Aba! At kalakas nya na di ako abisuhan.

"Oy Dave? Asan ka? Bakit wala ka dito?", pagalit kong tanong.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon