17: Forgiveness

21 1 0
                                    

Dave's POV

"Kuya, balik tayo kina Tita Charmaine. May kukunin lang ako. Sayang naman at di ko pa dinala ang kutsilyo na nasa ibabaw ng lechon kanina. Kate, dito ka lang muna. Bantayan mo nang maigi yang hayop na lumabas ng munisipyo", galit kong sabi.

"Kuya, bumalik ka na pero wag mong isama si Dave.", tumaas na rin ang tono ni Kate at unti-unting tumitindi ang tensyon.

"Kuya, sundin mo ang utos ko."

"Kuya, huwag."

"Kuya, kung hindi mo ako susundin, mapipilitan akong paalisin ka sa tricycle mo at sagasaan yang hayop na Mayor ninyo."

"Iho, bakit ba? Ano bang kasalanan sa inyo ng Mayor Arnold Guzman?", pag-alalang tanong ng tricycle driver.

"Malaki. Malaki ang atraso sa akin ng mga Guzman.", nanggigigil na ako na saksakin si Arnold.

Habang nagpapalitan kami ng mga salita ng tricycle driver, may kinausap si Kate sa telepono, di ko alam kung sino ang kausap nya.

"Tita, Tita. Kailangan namin ang tulong nyo."

"*nagsalita ang kausap nya, pero si Kate lang ang nakarinig*"

"Si Dave, nagwawala po. Naghahanap ng patalim. Nakita nya po kasi si Mayor."

"*nagsalita ang kausap nya, pero si Kate lang ang nakarinig*"

Tama! Si Tita Charmaine nga ang kausap nya. Pero di ko na pinansin. Nakikita ko parin ang hayop na Arnold na nakatayo pa rin sa labas ng Municipal Hall na hawak hawak ang cellphone nya.

"Kuya, umalis ka dyan.", mas lalo ko pang tinaasan ang boses ko.

"Iho, kumalma ka."

"Pag sinabi kong alis, alis! Baka gusto mong masapak.", pilit kong kinukuha ang tricycle para sagasaan si Arnold.

Tumataas ang tensyon noong mga gabing iyon. Mahigpit ang hawak ng tricycle driver sa manobela ng motor, habang pilit kong inaalis ang kamay nya sa pagkakahawak ng manobela. Mga limang minuto at napilitan akong suntukin ang tricycle driver para lamang mapaalis sya.

At dahil doon, nagkasuntukan kami ng tricycle driver, ilang beses din akong natamaan pero mas natamaan sya kaya nagawa ko syang paalisin sa tricycle.

Hawak ko na ang tricycle at magmamaneho na ako para sagasaan si Arnold nang biglang humarang sa dadaanan ko si Kate.

"Sige, David Ray Sanchez, Dela Cruz! Subukan mong sagasaan ako. Ilabas mo sakin ang galit at tapang mo!"

"Kate Dimaculangan, umalis ka dyan kung ayaw mong madamay. Wala akong sasantuhin ngayon."

"Siigggeeee! Pati ako patayin, mo na! Diba yun ang gusto mo? Ang pumatay ng tao? Sige! Sagasaan mo ako!", nagtataasan ang mga boses namin nong mga panahong iyon at biglang may bumusina sa gitna ng tensyon.

"David Ray! Tama na! Di mo na naman nakontrol yang sarili mo!", biglang bumaba si Tita Charmaine sa sasakyan at pinagsabihan ako.

Bigla ring lumapit sa amin si Arnold, kaya bumaba ako sa tricycle at sinuntok ko sya.

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin, mamamatay tao ka! Pinatay nyo ang mga magulang ko. Pinatay nyo si Mommy at Daddy!", at bigla akong umiyak.

Hinawakan ni Arnold ang kanyang mukha kung saan ko sya sinuntok, at sinabi nya sa akin.

"Hanggang kailan mo ba tatapusin sa akin yang galit mo hah? Ang ama ko ang may kasalanan Dave, hindi ako. Sana naman maintindihan mo yun. Hindi ako ang pumatay sa magulang mo.", patapang na sabi ni Arnold.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon