22: The Kiss

50 1 0
                                    

Drew's POV

Isang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin gumagaling si Dave sa lagnat nya. Medyo nag-aalala na ako sa kanyang sitwasyon at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Simula pa noong Linggo, inaasikaso ko na si Dave. Pinapalitan ko yung bimpo sa noo nya from time to time. 

Naghahanda ako ng makakain nya at gamot tuwing apat na oras kahit sa hatinggabi, at nakikinig ako pag may sasabihin sya, lalo kung magkukwento sya sa kanyang pinagdaanan. Siguro sapat na iyon na makilala si Dave ng ayos.

Sa pangatlong araw na pananatili ko sa bahay ni Dave sa Calaluan, naghahanda ako ng kanyang makakain at gamot nya nang bigla syang magising.

"Dave, ito na pagkain mo. Sandali lang ah.", pinaghanda ko na sya ng kanyang makakain kasama na rin ng kanyang maiinom. 

Lumapit ako sa kanya pagkatapos, at mahina pa rin syang kumain.

"Drew, Salamat pala sa pag-asikaso mo ah. Pero pwede ka nang umuwi sa inyo. Umabsent ka pa sa klase dahil lang sa akin.", sabi nya.

"Walang anuman. Hindi muna ako aalis dito hangga't hindi ko nasisiguradong okay ka na. Nakausap ko na naman si Mama at si Boss Louie kaya wala kang dapat ipag-alala."


Biglang tumawag si Mama sa akin, kaya lumabas muna ako sa bahay ni Dave.

"Hello Ma? Bakit po?"

"Anak? Magtatagal ka pa ba dyan sa Calaluan?", tanong ni Mama.

"Di ko po alam eh."

"Anak, umuwi ka na sa susunod na lingo ah. Tandaan mo, may klase ka pa tapos may trabaho ka pa sa photocopy shop. Baka mamaya, maapektuhan pag-aaral mo."

"Sige po. Pero sana po dito muna ako hangga't di ko nasisigurong okay na ang kaibigan ko. Kawawa po kasi Ma at mag-isa nalang."

"Na sya, sige. Basta mag-iingat ka rin.", huling sabi ni Mama.

"Opo. Salamat po.", at ibinaba na ni Mama ang cellphone.

Lumipas ang buong araw at di namin inasahang may bisita na darating.

"Uy, mga Bro! Bakit kayo naparito?", nagulat ako at dumating sila Kate, AJ, Gio at Carlo.

"Ah! Napag-isipan naming dalawin kayo dito sa Calaluan. Nagdala na rin kami ng pagkain lalo na para sa iyo Dave.", sabi ni AJ.

Marami silang mga dalang pagkain, puro gulay at prutas ang mga ito. It's good na may mga kaibigan si Dave.

Sana hindi na nya isipin na nag-iisa nalang sya dahil may nagmamahal sa kanya, at marami kami.

"Salamat Guys. Nag-abala pa kayo, eh gabi na.", sabi ni Dave.

"Nako, wala iyon! Alam naman namin na kailangan mo tulong namin.", sabi ni Carlo.

"Ah, Gio, Kate, nag-away ba kayo nung isang araw? Nakita ko kasi sa GC na nagsosorry ka Gio kay Kate.", hinarap ko sila kasi nakita ko noong isang araw ang convo nila sa chat group.

"Ah, eh!", di mapakali si Gio.

"Ah kasi di kami nagkaintindihan sa group activity sa Criminal Law. Parehas kasi kaming may mga idea, eh salungat yung mga ideas namin kaya nagkataasan kami ng boses. Diba Gio?", sabi ni Kate.

"Ah, oo. Kasi naman interesado kami doon sa isang sample case na binigay sa amin ng prof, eh iba-iba ang naging interpretation namin.", ani Gio.

Iyon naman pala. Akala ko kung anong malaking problema. Sa major lang pala namin. Well, maganda naman iyong may mga ideas kayo sa law lalo na pag criminal case ang hawak mo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon