8: Hangout

28 0 0
                                    

Pagkadating ko sa bahay, ibinalita ko kay Mama ang mga nangyari. "Ma, kinuha ako bilang taga-photocopy sa shop namin malapit sa school.", wika ko kay Mama. Akala ko masisiyahan sya sa mga sinabi ko pero hindi pala.

"Anak, sigurado ka? Baka maapektuhan pag-aaral mo.", pagalit nitong sabi.

"Hindi naman po. Pinakiusapan naman ako ng may-ari ng shop tapos sabi ko ay itapat ang oras ng pagtatrabaho ko sa walang paaok. Gusto ko lang naman po makatulong Ma.", sabi ko.

"Wala namang problema sa akin. Pero Anak, responsibilidad kita. Hindi mo kailangang magtrabaho para sa akin.", sabi ni Mama.

"Alam ko naman po pero Ma, nagkokolehiyo na ako. Alam naman po natin na ang mahal ng tuition sa Greenfield. Tulong ko nalang po to para sa atin.", wika ko kay Mama.

"Sige ah. Pero uunahin mo pa rin ang pag-aaral mo. Pag ikaw, bumagsak sa kahit na isang subject lang, mag-resign ka na dyan", banta ni Mama.

"Opo naman po! Uunahin ko parin ang pag-aaral ko. Syempre, magiging abogado pa tong Anak mo.", sabi ko habang yakap-yakap ko si Mama.

"Eto na naman ang anak ko, nagpapalambing kahit matanda na. Ang mabuti pa, magbihis ka na at magluluto pa ako.", sabi ni Mama.

Kinabukasan, nagchat sa amin si AJ sa amin na pupunta kami sa bahay nya para sa kaarawan ng kanyang kapatid. Kami namang lahat ay walang gagawin kaya pumunta kami. Nagpaalam ako kay Mama at sinabi ko baka madaling araw na kami makakauwi.

Hapon na kaming nakarating sa bahay nila AJ. Ang ganda ng bahay nila, at nainggit ako.

"Ang gara ng bahay nila AJ, Dave.", napasabi ko kay Dave.

"Haha! Naalala ko dati, ganito din ang bahay namin when Mommy and Daddy are still alive. Pero okay naman na ako sa tinitirhan ko sa Calaluan. Kahit simple, masaya ako cause I found out who are true to me.", wika ni Dave.

"Alam mo, magiging ganito rin ang magiging bahay natin lahat soon. Tiwala lang.", sabi ko nang biglang dumating si Kate para sabihing kakain na kami.

Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang mga hobbies at interests namin. Si Dave pala, mahilig pala talagang magluto at nagcomment pa nga sya sa mga ihinain ni AJ na masarap daw, at nahulaan talaga ang sahog ng bawat pagkain. Sabi naman ni AJ, naghire daw kasi sila ng chef na kilala sa bayan nila kaya ganon. Kaya for sure, maipapanalo namin ang contest sa culminating activity dahil kasama ko si Dave.

Si Gio naman, mahilig sa sports lalo na pag basketball. Sabi nya, idol nya daw si Stephen Curry ng Golden State Warriors kasi para sa kanya, malakas daw ang dating at galaw ni Stephen. Pero ako, di talaga ako nahilig sa sports at di ko alam kung bakit.

Si Kate naman, mahilig sa pagguhit. Sabi nga nya, sya daw ang lagging ipinanglalaban sa mga competitions na kontektado sa Arts. Pinakita pa nga nya sa amin ang ilan sa mga portraits nya, at nagrequest ang ilan sa amin na baka magawan nya rin kami. Baka naman. Diba?

Si Carlo at Gio naman, mahilig mag-ML. Sa dalawang taon na nagging magkaibigan na sila, ML daw ang pinaka-hangout nila. Ibinida pa nga nila sa amin ang kanilang mga ranks.

Ako naman ay mahilig sa pagkanta at pagsayaw pero more on pagsasayaw talaga ako. Aba at pinasample nila ako. Buti may baon akong music at steps at iyon ang ipinangsample ko. Hiphop ang pinakita sa akin, at lahat ng bisita ay nagpalakpakan dahil magaling daw ako, at ika nga nila, 'Pro' daw ako. Hahaha. Kakatuwa kayo.

Pagkatapos kumain, nagyaya ulit si AJ sa amin, "Guys, tara inom tayo. May alak dito.", at nilabas nga ni AJ ang alak. Pakiramdam ko, malakas ang tama ng alak nila AJ kesa doon sa binili namin ni Dave. Kaya uminom na rin ako as a sign of respect.

Sana Lagi Tayong Magkasama (BL) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon