Prologue

6.5K 84 6
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.






Sinimulan ko ng kumain at hindi na siya hinintay pa. Naparami ang kain ko dahil busog na busog akong umupo sa may sofa.

Nanonood lang kami ng palabas habang nagpapababa ng kinain. Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at lumapit doon. Nakita ko ang isa sa mga tauhan na nagbabantay dito.

"May nagpapabigay, ma'am." Bungad niya sa akin. Inilahad niya ang hawak niyang box na lagayan ng sapatos, I guess. Kunot noo ko namang kinuha iyon at tinignan ang labas.

"Sino po?" Naguguluhang tanong ko.

"Kakilala niyo raw po e. Sige ma'am, dito na po ako." Paalam niya. Tumango ako bago bumaba ang tingin ko sa hawak na box ko.

Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Austin.

Best wishes!
  -ST.
            

Nabitawan ko ang box na hawak ko dahil sa takot.  Halos mangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Namalayan ko na lang ang aking sarili na nakaupo na sa sahig. Hindi ko na napansin na may hawak ng tubig si Austin at pilit akong pinapainom. Kinuha ko iyon at ininom. Bahagya akong napakalma pero hindi ang kabang nararamdaman ko.

Akala ko hindi na niya kami guguluhin dahil sa ilang araw na hindi niya pagpaparamdam.

"Hey, hey." Napatingin ako kay Austin na ngayon ay tinatawag niya ang isa sa mga nagbabantay. May lumapit naman sa kan'ya agad. "Tignan niyo." Sinipa ni Austin ang box papunta sa kanila. Kinuha naman agad 'yon nung lalaki.

"Sir, pasensya na po. Akala namin ay magbibigay lang ng regalo." Paumanhin nung lalaki.

"Sa susunod na may magbibigay ng gan'yan, i-check niyo muna kung anong laman hindi yung basta-basta na lang kayong tumatanggap." Galit na sigaw ni Austin doon sa lalaki. Tumango ang lalaki at umalis na dala ang box.

Bahagyang nag squat si Austin at tinignan ako.

"Are you okay?" Tanong niya na may halong pag aalala.

"I'm scared." Maikling sagot ko. Halo-halo na yung nararamdaman ko.

"Shh." Pagpapakilala niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at bumulong ng kung ano-anong mga pagpapakalma. Pero yung takot at kaba ko ay nandito pa rin sa akin. Hindi ko alam kung kailan iyon matatanggal.

"P-paano na l-lang sa k-kasal natin?"












--
Thank you!💗

FB: Mindgination WP

INSTA: lolovesyouuuu

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon