Chapter 39

644 15 5
                                    

Austin's POV

Naguguluhang nakatingin ako kay Scarlet. Parang hindi agad nag sink-in sa utak ko yung mga ni-kwento niya. Mas lalong hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari noon.

Napatingin ako kay Sapphire na para bang nanghihingi ako ng tulong. Pero iniwas niya mismo ang tingin niya sa akin. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makitang may kumawalang luha sa pisngi niya.

Inalala ko lahat ang nangyari noon. Iba ang pagkaka-kwento ni Scarlet sa amin. Ako raw ang may ginawa sa kan'ya. Parang lahat ng nangyari noong mga panahong iyon ay kusang nag play sa likod ng mga naiisip ko.




Flashback

Matapos kong mag-confess kay Sapphire ay umalis ako sa bahay na 'yon. Nung nakasalubong ko pa si Yaya ay tinanong niya ako kung saan daw ako pupunta. Sinabi ko lang na may pupuntahan akong importante.

Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar iyon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahinto sa may tapat ng isang bar. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang pumunta. Basta ang alam ko ay gusto ko lang magpakalasing.

Pumasok ako roon at mabilis na umupo sa isa sa mga stool. Tinawag ko ang bar tender upang sabihin ang order ko. Mabilis niya namang inilagay ang order ko sa tapat ko.

Gusto kong mainis sa sarili ko pero hindi ko alam kung bakit. Dahil ba first time kong mag-confess? Siguro nga. Hindi naman ako ganito sa mga ibang girls kapag nagkakagusto ako. Hindi ko ugaling mag seryoso noon. Ang tingin ko lang sa mga babae ay laruan. Dahil alam kong darating ako sa puntong ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal. Kaya noong college ako ay hindi talaga ako nagseseryoso.

Alam kong maraming magagalit sa akin. Pero choice ko 'to. Ginusto kong gawin ang mga bagay na 'yon. Siguro kaya ako nakapag confess kay Sapphire ay dahil iba siya sa mga naging flings ko. Siya yung tipo ng babae na hard to get. Hindi katulad ng mga babae ko noon na pakitaan mo lang ng katawan magugustuhan ka na. Siya hindi, susungitan at tatarayan ka muna niya bago mo siya makuha.

Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa babaeng nakatakdang ikasal lang sa akin. Dapat ba akong magpasalamat kila mom? O dapat akong magpasalamat sa mga parents ni Sapphire dahil nandito siya?

Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko munang umuwi bukas. Pwede naman akong mag stay sa malapit na hotel dito. Kailangan bago ako umuwi may plano na ako para sa kan'ya.

Hindi ko alam kung nakailang baso na ako. Pero hindi ko na halos marinig ang malakas na tugtog na nanggagaling sa stage. At ang mga taong nagsasayaw ay hindi ko na masyadong maaninag. Parang umiikot na rin yung paningin ko dahil sa kalasingan.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon