Chapter 24

778 16 1
                                    

Sapphire's POV

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sinabi niyang kami pa mag ingat. Hindi rin namin alam kung bakit at sino iyon. Intensyon niya bang sagasaan kami? Ngayon ko lang din napansin yung posisyon naming dalawa. Nakatagilid kaming pareho pero nakaharap sa isa't isa. Bahagya pang nakayakap yung isa niyang kamay sa baywang ko.

Ngayon ko lang din naramdaman yung sakit ng katawan ko dahil sa pagbagsak naming dalawa.

"Fuck! Are you hurt?" Nag aalalang tanong niya. Marahan akong tumango dahil nasaktan talaga ako. Pareho kaming tumayo at agad niya akong niyakap. "I'm sorry."

"Ikaw ba yung nag drive nung motor ha?" Natatawang tanong ko habang nakayakap sa kan'ya. Maya-maya lang ay may nahagip ang mata ko na kulay puti at maliit na box.

Wala naman yan d'yan kanina ah?

Lumapit ako roon tsaka ko kinuha iyon. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Austin. Dahan-dahan ko iyong binuksan, mabuti na lang at hindi nabasa yung loob. May nakita akong maliit na papel doon. Halos mangunot ang noo ko nang mabasa ko ang nakasulat doon.

I'll get you.
-ST

Maikli lang iyon pero parang kinabahan ako. Hindi ko alam kung kanino ba ito. Nagkatinginan kami ni Austin at sabay na nagkibit balikat. Tumigil na rin yung malakas na ulan kaya pumasok na kami at nagbanlaw.

"Babe, tanungin natin yung guard kung paano nakapasok iyon dito." Usal ko pagkatapos mag banlaw. Nandito kami ngayon sa kwarto habang nakahiga.

"Date tayo." Biglang usal niya. Hindi niya sinagot yung sinabi ko.

"H-ha?" Tanong ko.

"Date tayo. Pagkalabas natin dito, pwede naman nating tanungin yung guard." Paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

Simula nung hindi na umuuwi sila mamu rito ay palagi ng nandito si Austin natutulog. Hindi na rin daw makakapunta sila mamu rito dahil nasa mansion sila at doon muna tumira. Bahay naman nila 'yon e.

"Sa tingin mo, sinadya kaya nung rider na sagasaan tayo?"  Maya-maya'y tanong ko. Nakasandal yung ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap. Bahagya niya pang hinahaplos ang tuktok ng ulo ko. Inaantok ako dahil sa ginagawa niya.

"Hindi ko alam." Tipid na sagot niya.

"Feeling ko talaga sinadya niya 'yon e. Ang laki-laki ng daanan tapos tayo yung dinaanan niya." Frustrated na pagku-kwento ko. Nakakapagtakha naman talaga iyon.

"Malay mo hindi agad nakapag break." Usal niya. Agad na uminit yung ulo ko dahil doon. Umayos ako at iniharap ko sa kan'ya ang mukha ko.

"Bakit parang kinakampihan mo pa 'yon?" I glared at him.

"No, it's not that. Malay natin hindi niya naman talaga sinadya 'yon." Natatawang paliwanag niya. He caressed my face and kissed my forehead. Isinandal ko na lang ulit yung ulo ko sa bandang balikat niya.

"Turuan mo 'kong magluto." Nahihiyang usal ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi dahil hindi naman malakas yung pagkakasabi ko no'n.

"What?" Takhang tanong niya.

"Turuan mo 'kong magluto." Maayos at malinaw na sabi ko. Nagulat na lang ako nang biglang umalog yung ulo ko hanggang sa narinig ko siyang tumawa. Nainis tuloy ako bigla.

"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko. "Porque marunong ka lang magluto." I rolled my eyes.

Nakakainis! Hindi na nga ako marunong magluto, pinagtatawanan niya pa ako. Totoong hindi naman kasi talaga ako marunong magluto ng kahit ano, kahit nga simpleng pagpiprito lang ay hindi ko pa magawa.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon