Chapter 32

625 24 4
                                    

Sapphire's POV

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang nung dumating kami rito tapos bukas uuwi na kami. Sa loob ng limang araw, wala kaming ginawa kung hindi ang magbabad sa tubig. Aahon lang kami kapag gabi na.

Mamaya ay magso-snorkling kami. Nag rent na rin kami ng bangka para roon. Sa limang araw na rin 'yon ay wala namang kakaibang nangyari sa amin. Walang sulat na nagpapadala o sign na may kinalaman kay ST. Hanggang ngayon clueless pa rin kami kung sino ba talaga si ST.

Ngayon ay nag aalmusal na kami dahil kagigising lang namin. Puro mga pagkain namin dito ay seafood.

"Excited na ako mamaya!" Kinikilig na usal ni Jestine.

"Ako rin!" Nakangiting sagot ko. Si Jestine ay walang ginawa kundi ang guluhin nang guluhin si Luhan. Si Luhan naman ay dine-dedma niya lang si Jestine.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta muna kami sa aming mga kan'ya-kan'yang kwarto para magpahinga muna saglit. Saglit lang naman.

"Babe, kung ako sa'yo, pinatigil ko na si Jestine kakakulit kay Luhan. Dahil kapag nairita iyang si Luhan, hindi ko alam kung anong mangyayari riyan sa kaibigan mo." Mahabang kwento niya. Seryoso lang siya habang nagku-kwento.

"Hayaan mo siya. Kapag may hindi magandang nangyari riyan kay Jestine ng dahil sa kaibigan mo, mananagot siya sa akin." Pagbabanta ko. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakaupo lang sa gilid ng kama.

"Anyway, halika na baka nasa labas na rin sila." Pag aayaya niya.

"Saglit. Magpapalit lang ako." Paalam ko. Tumango lang siya at ako naman ay nagtungo na sa CR dala ang pamalit ko. I wore a high waisted panty partnered with a tube. Tanging pandibdib lang natatakpan. Taas noo akong lumabas sa cr at halos lumuwa ang mata ni Austine sa itsura ko.

"Wow!" Manghang usal niya habang pinapasadahan niya ang buo kong katawan.

"In love ka na naman. Tss." Natatawang singhal ko.

"Alam mo, kahit anong isuot mo lagi naman akong in love sa'yo." He gave me a playfully wink. Tumaas lang ang sulok ng labi ko at hindi na sumagot.

Inabot ko sa kan'ya ang sunblock at naguguluhan naman siyang tumingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at dumapa ako malapit sa kan'ya.

"Smear that on my back, please." Mahinang usal ko na alam ko ay naririnig niya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa likod ko at inilagay ko iyon lahat sa balikat ko.

Hindi ko alam kung anong itsura niya dahil hindi ko naman siya nakikita. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero hindi pa rin siya gumagalaw. Inis akong humarap sa kan'ya habang nakakunot ang noo.

"Babe?" Kunot noong tanong ko. Natulala lang kasi siya sa akin habang hawak niya sa kabilang kamay niya ang lotion.

"I'm sorry. Talikod ka na ulit." Napapailing na sabi niya. Bago pa ako tumalikod nakita ko pa kung paano siya mariin na napalunok.

Tumalikod naman ako at hinintay ang pagdampi ng mga palad niya sa likod ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko na rin ang palad niya sa likod ko. Pagtaas baba ang ginagawa niyang pagpahid sa likod ko.

"Nice ass, babe." Bigla akong napamulat nang sabihin niya ang mga linyang 'yon. Sa tono ng pananalita niya ay alam kong nakangisi siya.

"Kailangan talagang pansinin 'yan?" Sarkastikong tanong ko. Narinig ko naman siyang mahinang napatawa.

"Hindi. Pero kasi inaakit ako e." Tumatawang sambit niya. Umirap na lang ako sa hangin.

"Perv. Ituloy mo na lang 'yan." Inis na sambit ko. Hindi na siya nagsalita at itinuloy na lang ang pagpahid sa likod ko. Ako naman ay ibinalik ko sa pagkakapikit ang dalawa kong mata.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon