Chapter 17

927 21 2
                                    

Sapphire's POV

"Mamu?"

Agad na tanong ko nang makapasok ako nang tuluyan sa loob. Nakaupo sila sa sofa at parang may hiniintay. Which is, kami?

Si mamu ang lola ko. My mom's mother. Katabi niya si lolo na nakalagay ang dalawa niyang kamay sa may tungkod niya. Hindi ko alam kung ano o bakit sila nandito. Pero isa lang ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Si mamu kasi ay masyadong strict. Habang si lolo ay kabaliktaran. Lahat sang ayon sa kan'ya. May pagkamataray itong si mamu at seryoso rin minsan. Doon ko nakuha sa kan'ya ang pagiging seryoso.

Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin at sa likod ko. Napatingin naman ako sa tinitignan niya sa likod. Si Austin.

"Magandang gabi po." Nakangiting bati ni Austin sa dalawa.

"Magandang gabi sayo, hijo." Si lolo na ang bumati sa kan'ya. Umupo kami sa harap nila para makapag usap nang maayos.

"Is he...?" Kinilabutan agad ako nang marinig ko si mamu'ng nagsalita. Ramdam ko agad yung pagkama-awtoridad niya. Nakatingin siya sa'min nang seryoso.

"M-mamu, w-why are y-you h-here?" I stuttered. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I look at my lolo and then he gave me a smile when our gaze met. I smiled back. Si Austin naman, bagamat seryoso, hindi rin makatingin nang maayos.

"You don't want us here, do you?" Napapikit ako nang mariin nang marinig ang tanong ni mamu na may halong sarkastiko.

"No, I mean m-maulan po." Bawi ko sa naunang sinabi ko.

"May sasakyan naman kami." Seryoso ngunit mahihimigan mo ang taray sa boses niya. Napapahiyang tumango naman ako. "So is he?"

"Ang alin po, mamu?" Tanong ko nang makitang nakaturo siya kay Austin.

"The guy who's marrying you?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya.

"Y-yes." Halos hindi na magkandauga-ugaga ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakataas pa rin ang kilay niya while nodding.

"Do you like her?" Tanong ni mamu kay Austin. Mas lalo pang bumilis yung heart beat ko.

Why so straight to the point?

"Y-yes p-po." Magkatabi man ngunit ramdam ko kay Austin ang pagka kabado niya. Gustuhin ko mang hawakan ang isa niyang kamay pero baka makita kami ni mamu.

Mas lalong tumaas ang kaliwang kilay ni mamu sa sagot ni Austin. Si lolo tahimik at nakangiti lang habang nakikinig.

"So...do you love her?"

"Mamu!" Agad na sigaw ko. Nahihiya na ako. Gusto ko na lang tumakbo paakyat pero kabastusan iyon kapag ginawa ko.

"I'm just asking here. Anong masama?" Sarkastikong tumatawa si mamu habang umiiling pa.

Ngayon ko lang ulit nakita sila dahil ang pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa sila dahil sa business. Hindi pa naman sila masyadong matanda, I mean, kaya pa nilang mag trabaho in their age.

"Hija, pagpasensyahan mo na ang iyong mamu." Singit ni lolo. Awkward ang ngiti ko habang tumatango.

"Eugeñio, anong masama sa pagtatanong?" Tanong ni mamu sa asawa. Hinawakan ko ang kamay ni Austin habang nakatingin si mamu kay lolo. I gave him an apologetic look. Tumango naman siya nang nakangiti.

"Pabayaan mo na ang mga bata, Arcela. Baka pagod na sila at gusto ng magpahinga." Paliwanag ni lolo kay Mamu.

"Yes. I love her." Singit ni Austin na agad nagpatigil sa dalawang matanda. Parehas na tumingin sila lolo at mamu kay Austin. Mamu furrowed her eyebrows in elevated.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon