Chapter 29

649 18 1
                                    

Sapphire's POV

"Sige dad. We will be there."

Napatingin ako kay Austin nang mag salita siya. Sa tingin ko ay si Tito ang kausap niya. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Tito pero pagkatapos no'n ay binaba niya na rin ang cellphone niya.

"Why?" Tanong ko habang nakahiga pa rin. Siya naman ay nakaupo lang sa kama at bahagya pang nakasandal ang kalahati ng katawan sa headboard ng kama.

"Si dad. May dinner daw mamaya." Paliwanag niya. Hindi ko makita kung anong itsura niya dahil nakahiga pa ako. Ang ginawa ko ay umayos din ako at umupo paharap sa kan'ya.

"Oh? Bakit naman daw? Mabilis ka namang uuwi 'di ba? I mean, maaga ka namang uuwi?" Nakasimangot na tanong ko. May family dinner pala sila, ibig sabihin maiiwan ako rito kasama sila Yaya.

"Silly, come here, babe." Bahagya niyang iminuwestra ang kan'yang kanang kamay. Ni-tap niya pa ang lap niya para sabihing doon ako umupo. Kunot noo ko naman iyong tinignan.

"U-uupo ako r'yan?" Para akong kinakabahan sa sarili kong tanong.

"Tss." He leaned on me to carry to just to sit on his lap. Patagilid ang upo ko sa kan'ya at nakasandal ang tagiliran ko sa katawan niya. His arms wrapped around my waist. Hindi ako makahinga nang maayos dahil masyadong malapit ang katawan namin sa isa't isa.

"B-bakit n-naman dito p-pa?" Utal-utal na tanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil nahihiya ako sa posisyon naming dalawa.

"Gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam ng may nakaupo sa lap ko." Nakangiting usal niya.

"So, a-anong pakiramdam?" Tanong ko. Hindi pa rin makatingin nang diretso sa kan'ya.

"Ayos lang. Ikaw anong pakiramdam?" Nakangising tanong niya. Buong tapang akong tumingin sa kan'ya nang seryoso na ikinawala ng pagka-ngisi niya.

"Awkward." Komento ko. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. "Dito na lang ako." I plead.

"Na-ah." Umiling siya habang nakangisi. "Mag uusap pa tayo."

"Ano?" Naiiritang tanong ko. Umayos siya at sumandal ulit sa headboard. Ang kaliwang kamay niya ay inipit niya sa likod ng ulo niya habang ang kanang kamay naman ay dumapo sa hita ko. For Pete's sake, I was wearing a dolphin short. I swallowed hard when he slightly squeezed my legs.

"May dinner mamaya." Pag uumpisa niya. Roon ko lang ulit naalala yung tanong ko kanina.

"Maaga ba kayong matatapos?" Nakasimangot na tanong ko. Bahagya pang nakataas ang pang ibabang labi ko.

"Depende kung mahaba ang pag uusapan." Seryosong sagot niya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil napayuko pa ako. "Joke."

Agad na napataas ang ulo ko at naguguluhang tumingin sa kan'ya.

"Kasama ka. Nandoon din ang parents mo at parents ko. Sabi ni dad, may importanteng sasabihin daw sila sa ating dalawa." Kwento niya.

"Ano raw 'yun?" Takang tanong ko.

"I don't know." He shrugged.

"Anong oras daw?" Tanong ko ulit.

"7PM." Sagot niya.

"Mamaya pa." Bulong ko. Napasinghap ako nang bigla niya akong hatakin papunta sa kan'ya. Nakahiga na tuloy ako sa dibdib niya. Yung kamay niya na nasa hita ko ay dahan-dahan niya hinahaplos. Pigil ang hininga ko at halos hindi makagalaw dahil sa ginagawa niya.

"Your legs is smooth and soft." He whispered. Halos magtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa binulong niya. Yung palad niya, hindi naman ganoon kagaspang. Bahagya niya pang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Heads up, babe."

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon