Chapter 46

821 22 1
                                    

Sapphire's POV

Nagtatakha akong nakatingin kay mom. Halos manlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Tama si mom. Matagal na nga iyon kaya wala na rin akong maalala.

Kababata? Sino? Si Austin? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay mom. Parang may nakabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita.

"Umalis sila ng pamilya nila dahil mag-aaral daw si Austin sa ibang bansa." Dagdag pa ni mom. Bakit niya sinasabi sa akin 'to. "Kaya ko 'to sinasabi sa'yo anak dahil gusto kong maliwanagan ka sa mga nangyayari. Hindi rin kita tinutulak na makipag-ayos ka kaagad kay Austin. Ito rin kasi ang dahilan kung bakit kayo pinagkasundo. Nag-aral si Austin sa ibang bansa dahil siya ang magmamana ng kumpanya nila pagdating ng panahon." Mahinahong paliwanag ni mom na para bang nabasa niya yung tanong sa utak ko.

"T-totoo ba 'yan, mommy?" Nagtatakhang tanong ko. Hinaplos ni mom ang buhok ko at tsaka siya ngumiti na may kasamang tango. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Masyado akong nagugulat sa mga lumalabas sa bibig ni mom.

"Bumalik sila rito nang nakatapos na si Austin. Hindi niyo nakilala ang isa't isa dahil nagbago na rin ang mga itsura niyo." Natatawang usal ni mom.

"A-alam ba 'to ni A-austin?" Nagtatakhang tanong ko.

"Oo alam niya. Kanina niya nalaman habang hinihintay namin ang magulang ni Scarlet." Nakangiting sagot niya.

Kaya ba ayaw akong sukuan ni Austin? Kung ibang lalaki iyon ay malamang sinukuan niya na ako. Pero iba si Austin. Nagtyatyaga siyang hintayin ako para makapagpaliwanag sa akin. Mas lalo akong nakokonsensya sa nalaman ko.

"Sige na, magpahinga ka na. Alam kong nagulat ka. Kung anuman ang kasalanan ni Austin, patawarin mo na siya. Kitang-kita ko sa mata ng nobyo mo kung gaano siya kalungkot." Mahinahong sambit niya pa. Hindi ko alam na nakikita pala ni mom 'yun. Ngumiti lang ako nang tipid tsaka tumango. Hinalikan naman ako ni mom sa noo bago siya umalis bitbit ang tray na pinaglagyan ng platong pinagkainan ko.

Huminga ako namg malalim tsaka humiga. Pinatay ko ang ilaw sa side table ko. Tatanggapin ko na naging selfish ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inisip yung nararamdaman niya. Isang linggo ko siyang pinahirapan para lang makuha niya ako.

Siguro nga ito na ang desisyo ko. Handa na akong harapin ang problemang kinakaharap ko ngayon. Pumikit na ako tsaka natulog.

                                ° ° °

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Agad akong tumayo at pumasok ng cr para makapagpalit ng damit. Nagsuot ako ng pink na sleeveless at high waist. Tinuyo ko rin ang buhok at tinali iyon. Naglagay din ako ng kaunting makeup sa mukha ko.

Huminga ako nang malalim bago lumabas. Handa na akong makausap siya. Ito na yung araw na haharapin ko siya. Gusto kong magkaroon na kami ng closure. Pwede ko siyang maging kaibigan na lang ulit. Handa na akong magpatawad para sa kan'ya.

Nang makababa ako ay hindi na ako kumain pa. Nagpaalam ako kay Yaya na may pupuntahan lang akong importante. Nung una ay pinilit niya pa akong kumain pero hindi ko na pinansin. Nagmamadali ako at kailangan ko na siyang makausap.

Mabuti na lang at may extra'ng car ang meron sa garahe. Agad kong binuksan ang pintuan na 'yon at pumasok sa driver seat. Mabilis kong pinaandar 'yon.

Anuman ang sabihin niya ay handa akong makinig. Handa akong patawarin siya. Ayokong habang buhay kong dadalhin ang bigat sa dibdib ko nang hindi nakakausap ang taong 'yon. Hindi ko man ito napaghandaan, alam ko sa sarili ko na handa na akong magpatawad. Kailangan lang talaga ng mahabang panahon para rito. Buo na ang desisyon ko.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon