Chapter 19

885 25 0
                                    

Sapphire's POV

Late na ng makauwi kami sa bahay. Mabuti na lang at gising pa si Yaya o baka talaga hinhintay niya kami. Pagpasok namin sa loob, wala akong nakitang Austin. Siguro ay nasa kwarto at nagpapahinga. Kawawa naman 'yon, andami pa namang pinagawa sa kan'ya.

Hindi na ako nagpaalam kila mamu, basta na lang akong umakyat papunta sa kwarto. Dali-dali kong binuksan yung pintuan ng kwarto at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

"Damn!" Dinig kong singhal ni Austin. Marahil ay nagulat din sa biglaang pagbukas ko ng pinto. Sino ba naman kasing hindi magugulat e nagbibihis siya.

Shit! Bakit kasi hindi man lang ako kumatok? Manners naman, Saph!

"S-sorry." Nahihiyang paumanhin ko. Isinara ko iyon nang mabilis at napasandal sa pintuan. Grabe nakakahiya. Kainis!

"Ay kamote!" Gulat na sigaw ko. Muntik na akong mahulog dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.

"Fuck. I'm sorry." Sabi niya habang nakaalalay sa bewang ko. Naamoy ko kaagad na bagong ligo siya. "Are you hurt?"

Ano bang meron ngayon at parehas kaming nagugulat.

"Bakit kasi bigla mong binuksan yung pinto?" Inis na sabi ko tsaka umalis sa pagkakahawak niya sa baywang ko.

"Hindi ko alam na nariyan ka." Seryosong usal niya. Pumasok kaming pareho sa kwarto para roon mag usap.

"Napagod ka ba?" Biglang tanong ko nang maisip yung mga ginagawa niya rito kanina.

"Yeah." Tipid ngunit seryosong sagot niya. Nagpaalam lang muna ako sa kan'ya saglit para makapagpalit ng pantulog. Naghilamos na rin ako tsaka nag sipilyo. Pagbalik ko, nakita kong nakahiga na siya sa kama at nakatingin lang sa kisame nang seryoso. Lumapit ako para mahiga na rin sa tabi niya.

"Bukas ng gabi pumunta na tayo roon sa Okada, ah?" Tanong ko habang nakatagilid at nakaharap sa kan'ya.

"Mmm." Tipid pa ring sagot niya. Seryoso talaga siya habang nakatingin doon sa ceiling. Para siyang may malalim na iniisip.

"Gusto mo bang tayong dalawa lang o isama ko pa sila Jestine?" Tanong ko ulit.

"Nah. Dalawa na lang tayo." Seryoso pa ring sagot niya.

"Bakit ba ang seryoso mo? May problema ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya.

"H-ha? A-ano...w-wala naman, babe." He stuttered. Pero alam kong may problema talaga siya e. Umayos ako para dumapa.

"Dali, sabihin mo sa'kin. Ano 'yon?" Pangungulit ko.

"Wala nga, babe. Matulog na tayo late na oh." Tinuro niya pa yung wall clock.

"Bahala ka. Hindi ako matutulog hangga't hindi mo sinasabi sa'kin yung problema." Pagmamatigas ko. Baka hindi rin ako makatulog dahil sa kaiisip kung ano bang problema niya.

"Fine." Napabuntong hininga siya. "Kanina kasi habang naglilinis ako nang sasakyan, may nakita ako sa likod na sticky note." Seryosong kwento niya.

"And?" Kunot noong tanong ko. Nakadapa pa rin ako para makita ko nang maayos ang itsura niya.

"Kaparehas din iyon ng sticky note roon sa hotel. Parehas ng kulay at penmanship." Pagpapatuloy niya. Inisip ko rin yung sticky note sa hotel.

"Baka naman ano lang...uh, manager ng hotel tapos gano'n lang sila mang welcome ng customer." Pinaglalaruan ko ang labi ko gamit hintuturo ko habang sinasabi iyon. Hindi nakaligtas sa'kin ang mga mata niya kung paano siya tumingin doon.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon