Chapter 35

649 13 6
                                    

Sapphire's POV

The hell?

Naiwan akong nakatanga rito sa loob. Pagkatapos niya kasing sabihin 'yon ay lumabas na siya sa kwartong 'to.

Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo sa sahig at sumandal sa likod ng pinto. Niyakap ko pa ang aking sariling mga hita at yumuko.

Hindi ko alam pero mas lalo akong napaiyak. Nakakainis! Siguro hindi niya alam kung anong pinagga-gagawa niya dahil lasing siya.

Anong gagawin ko gayong galit siya sa akin? Hindi lang galit. Galit na galit. Paano bukas? Papansinin niya kaya ako?

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nasa ganong posisyon. Ang alam ko na lang ay nasa tapat na ako ng guest room. Alam ko naman na rito lang siya matutulog.

Ganoon ba talaga siya kagalit sa'kin? Na pati pagtulog ayaw niya akong katabi? Hays.

Kasalanan ko rin naman kasi e. Ang stupid ko sa bagay na madali lang naman magpaalam pero takot at hindi ko pa magawa.

Hindi na ako nag-atubiling kumatok pa. Mabuti na lang at hindi naka lock iyon. Madilim na sa kwartong ito nang makapasok ako. Tanging lamp shade na lang ang nakabukas na nakapatong sa may side table.

Kitang-kita ko rito si Austin na nakahiga. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya o nakapikit lang ang mata.

Akmang ibubuka ko na ang aking labi ng maramdaman kong mahapdi iyon.

Great! I forgot, he also bit it.

Mahapdi man ay sinubukan ko pa ring ibuka para makapag salita. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tawagin. Natatakot na baka kapag nagsalita ako ay sigawan niya ako.

"A-austin?" Tawag ko nang maupo ako sa may gilid ng kama. Bahagya pang nakatakip ang isa niyang braso sa mata niya. Hindi siya nag salita kaya inulit ko ang pagtawag.

"What?" Inis na tanong niya. Napapikit ako nang mariin dahil sa tono ng pananalita niya.

"Let's talk." Usal ko sa mahinang paraan. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa kan'ya. Kinukotkot ko lang ang aking mga kuko para libangin ang aking sarili.

"Nag uusap na tayo." Bored na sagot niya. Naiinis ako pero hindi ko pinansin 'yon. Ganito ba talaga kataas ang pride niya.

Umayos ako ng upo at humarap sa kan'ya.

"Seryoso ako." Naiinis na sambit ko. Nakita ko namang tinanggal niya ang braso niya sa mata niya at diretsong tumingin sa akin.

"Seryoso naman ako ah? Mukha ba akong nagbibiro?" Sarkastikong tanong niya. Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. "Kung wala kang sasabihin. Matulog ka na lang."

Bakit masyado kang ma-pride? Gusto ko lang naman mag sorry tapos papaalisin niya na ako.

"I'm sorry." Sagot ko. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Hindi siya nagsalita at ganoon din ako.

"Matulog ka na." Maya-maya'y sambit niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ano? Gan'yan lang sasabihin mo?" Inis na tanong ko. Tumingin siya sa akin nang diretso bago magsita.

"Anong gusto mong marinig? Na pinapatawad na kita?" Inis na tanong niya. "Akala mo gano'n lang kadali 'yon? Sapphire, alam mo ba kung anong ginawa mo? For Pete's sake! Pinag alala mo kaming lahat! Lalo na ako! Paano kung nalaman pa ito ng mga magulang mo? Ano na lang ang sasabihin nila sa'kin? Na pinapabayaan kita sa ganitong uri ng sitwasyon?" Sunod-sunod na tanong niya. Hindi ako nakapagsalita dahil doon. Naiintindihan ko naman yung side niya e. Bigla na namang humapdi yung ilong ko dahilan para uminit ang sulok ng aking mga mata.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon