Chapter 23

783 20 0
                                    

Austin's POV

Kanina pa ako nakatingin kay Sapphire dahil lasing na siya. Hindi ko alam kung nakailang baso ng Black Daniels si Sapphire dahil lasing na. Maybe she has a low tolerance when it comes to alcohol.

Kanina ko pa rin napapansin na masyadong tahimik iyong kaibigan ni Sapphire. Simula nung dumating kami, gulat siya at parang balisa. Ito namang si Luhan ay ganoon din. Nagsasalita lang kapag may itatanong ako sa kan'ya.

Hindi kaya magkakilala 'tong dalawang 'to?

Kung magkakilala man sila, sana ay nag uusap na sila ngayon, kaso hindi e.

"Jes, mag kwento ka pa tungkol sa nangyari in the past hahaha." Langong usal ni Sapphire. Magkatabi kami ni Luhan habang yung tatlo e kaharap namin including Sapphire.

"H-ha? A-anong k-kwento?" Utal at balisang tanong ni Jestine. Hindi pa siya lasing at nasa tamang pag iisip pa.

"Yung kung paano ako niligawan nitong si Kev." Tatawa-tawang paliwanang ni Sapphire. Tumingin ako sa kan'ya nang masama pero hindi siya sa'kin nakatingin.

"Lasing na girlfriend mo, dude." Tumatawang bulong sa akin ni Luhan. Napabaling ako sa kan'ya at siya naman ang tinignan ko nang masama.

"Shut up." Inis na bulong ko.

"A-are you s-sure?" Utal pa ring tanong ni Jestine. Tumingin siya sa'kin na para bang nag aalangan kung magku-kwento ba o hindi.

"Enough." Seryosong usal ko nang tumayo ako at pumunta sa direksyon ni Sapphire. Tumingin sa'kin si Kevin at hindi ko siya pinansin. "Let's go inside."

"No. We're not yet done." Nakangusong sagot niya pa. Lasing na.

"Dude, mauna na kami. Kayo na ang bahala rito. Kung dito kayo matutulog, may kwarto naman doon sa taas. Kung hindi naman ay ipaligpit niyo na lang 'yan sa mga katulong." Paliwanag ko sa kanila. Gabi na rin kasi at alas dose na. Tumango lang sila at hindi na sumagot.

Kanina pa kasi kami nag iinuman. Biniro pa ako ni Luhan kanina dahil tama raw ang sinabi niya sa'kin dati. Kapag balik niya raw dito ay girlfriend ko na itong si Sapphire. Napailing na lang ako at napangiti.

Inalalayan kong makatayo si Sapphire. Nung una, nagmamaktol pa siya, pero nung nakita niyang seryoso ako ay hindi na siya nagmatigas. Pinaupo ko muna siya sa sofa at kinuhanan ng tubig para painumin siya. Pagkatapos, inabot ko sa kan'ya yung baso at pinainom. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang umiinom.

Ang lakas ng loob nitong magpa-kwento tungkol sa past nila nung Kevin. Hindi man lang makaramdam na nasa harap niya lang yung boyfriend niya. Tss!

"Carry me, please?" Nakangusong tanong niya pagkatapos niyang ilapag yung baso sa coffee table. Bahagya niya pang itinaas ang dalawa niyang kamay para magpabuhat. Namumungay na ang mata.

"No." Seryosong sagot ko. "Aalalayan kita." I added.

"Hindi ko na *hik* kayang mag *hik* lakad." Lasing na talaga siya.

"I'm here to guide you." Seryoso akong nakatingin sa kan'ya. Hindi niya ba alam na naiinis na ako?

"Just *hik* carry me *hik* okay?" She shouted. Napailing akong lumapit sa kan'ya at binuhat siya. Agad niya namang ipinalibot ang dalawang hita niya sa t'yan ko. Ang dalawa niyang kamay ay nakasampay lang sa magkabilang balikat ko. Ang mukha niya ay nakahiga sa may kaliwang balikat ko at bahagya pang isinisiksik sa leeg ko na nagpapakiliti sa'kin. Naaamoy ko ang alak sa kan'ya. I almost felt her chest against mine.

"Am I *hik* that *hik* heavy?" Napahagikhik pa siya sa sarili niyang tanong. I almost felt her breath on my side neck. Hindi ko siya sinagot. My eyes widened when she leaned on to my neck and smell it. "You smell *hik* good." Halos mahalikan niya na yung leeg ko sa sobrang lapit. Naglalakad pa rin kami papunta sa kwarto.

Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon